ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

2-In-1 Sarap: Halong Orgasmo

Blended Orgasms

Pagdating sa mga orgasmo, mas mabuti ang dalawa kaysa sa isa at mas masaya kapag mas marami, ‘di ba siz? Bilang mga babaeng biniyayaan ng pwerta, binigyan rin tayo ng pribilehiyong makaranas ng iba’t ibang kase ng orgasmo — at pwedeng sabay-sabay. Pwede tayong makaranas ng maraaaming klase ng orgasmo, ayon sa mga eksperto sa usaping sekswal, ngunit ang dalawang pinaka-kilalang uri ay ang orgasmong klitoris at orgasmong pwerta.

Lahat ng klase ng orgasmo ay nakakamangha, pero isang klase na gumagawa talaga ng maraming ingay (literal): halong orgasmo. Ano pang hihigit sa pagkakaroon ng dalawang orgasmo nang sabay!?

Ano ang halong orgasmo?

Gaya ng pinapahiwatig ng kanyang pangalan, ang halong orgasmo ay ang pagkakaroon ng dalawang uri ng orgasmo nang sabay, at nagreresulta sa mas matinding sensasyon. Pwedeng magkaroon ng iba’t ibang kombinasyon depende sa uri ng orgasmo na iyong nararanasan, pero ang pinakakaraniwan na kombinasyon ay ang klitoris + g-spot (pwerta). Ibig sabihin nito na ang klitoris at pwerta ay dapat parehong pinapasigla para makamit ang halong orgasmo.

Kahit sino ba ay pwedeng makaranas ng halong orgasmo? Oo, pero mangangailangan ng panahon at pagsasanay. Tandaan, mga siz, na ang orgasmo — halo man o hindi — ay hindi ang ultimong layuning ng pagtatalik. Tamasin lang ang sandali at gawin kung ano man ang komportable para sa iyo.

Paano makamit ang halong orgasmo

Kahit na alam mo nang paano makamit ang orgasmong klitoral at orgasmong pwerta nang magkahiwalay, baka kailangan mo pa rin magsanay para makamit ang halong orgasmo. Ang pinakamabuting diskarte para makamit ang orgasmo ay huwag isipin ito. Hindi kailangan madaliin o i-presyur ang sarili. Abutin kung ano ang gusto mo at tamasin ang sandali.

Walang espesipikong gabay na maipapangako sa lahat na makakamit nila ang halong orgasmo sa huli nito. Hindi mo talaga kailangan ipagsabay ang pagpapasigla sa klitoris at g-spot. Kung ang isa ay mas nangangailangan ng panahon at pagsisikap para mapukaw, unahin mo ito.

Mag-isa

Hindi dapat hadlang ang pagiging single sa pagtatamasa ng mga aktibidad na sekswal at mga benepisyo ng orgasmo! Pwedeng gamiting ang mga kamay, o kaya mga laruang sekswal tulad ng rabbit vibrator.

Nang may partner

Kung mayroong kang partner, pwede mong sabihin sa kanya ang pinakamabuting paraang para pukawin ang iyong klitoris at g-spot. May ilang mga posisyong sekswal habang penetrasyon na mas mataas ang tsansa makamit ang halong orgasmo. Ang cowgirl o reverse cowgirl at spooning ay ilan sa mga mainam na posisyon, pero gawin niyo kung ano ang tugma sa inyo.

Magkaka-iba ang bawat katawan at bawat tao, at ang gumagana sa ilan ay baka hindi epektibo sa iba. Hindi ka dapat mapresyur na makamit ang halong orgasmo o ang klitoris + g-spot na kombinasyon. Ang pagkakaroon ng masarap na sandali at matupad ang iyong mga pangangailangang sekswal ay mga premyo na!

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/healthy-sex/blended-orgasm

https://www.bustle.com/articles/189131-what-is-a-blended-orgasm-how-to-have-a-clitoral-vaginal-orgasm-at-once

https://www.refinery29.com/en-us/how-to-have-blended-orgasm

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon