fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

5 Bahagi Ng Katawan Na Sensitibo Sa Seksuwal Na Pagpapasigla

reproductive health, family planning, erogenous zone

Ang katawan ng tao ay isang kamangha-manghang bagay.

Ito ay isang malaking mapagkukunan ng labis na seksuwal na kasiyahan, isang napakalaking kumpol ng mga ugat na tumutupad sa ating mga pagnanais. Ang mga una nating karanasan sa seks ay madalas parehong nakakatakot at nakakasabik. Inihahanda tayo nito sa buhay upang matuklasan kung ano ang nagbibigay sa atin ng pananabik at kung ano ang hindi, kung ano ang nais nating subukan at kung ano ang hindi.

Habang tinutuklas natin ang ating seksuwalidad, natututunan natin ang mga bahagi ng ating katawan na nagbibigay sa atin ng kasiyahan — tulad ng maselang bahagi ng ating katawan. Ngunit may mga bahagi ng katawan na nananatiling nakatago, napapansin lamang natin sila kung kailan tayo hawakan ng isang tao sa bahaging iyon, na nagbibigay sa atin ng bagong karanasan sa kasiyahang seksuwal.

Narito ang mga bahagi ng katawan na magbibigay-aliw sa parehong mga kalalakihan at kababaihan.

Likod ng Leeg

Ang dahilan kung bakit ang iyong leeg ay natatangi: ito ay sobrang sensitibo, puno ng mga daluyan ng dugo, at nauugnay sa kahinaan (vulnerability). Ang malambot at mahinahon na haplos ay nagmimistulang mahigpit at kaakit-akit. Ngunit kung gusto mo ng mas mahigpit na presyon, magsimula sa iyong balikat at imasahe ang iyong leeg mula sa puno (base) hanggang sa anit.

Tainga

Ayon sa Menshealth.com, ang mga tainga ay sensitibo para sa parehong babae at lalaki. Gamitin ang iyong hinlalaki at hintuturo upang malumanay na hawakan ang lugar kung saan kumokonekta ang umbok ng tainga sa tisyu malapit sa mukha ng iyong kapareha at hilahin ito nang mahinahon. Tila walang paliwanag kung bakit ito gumagana, ngunit ito ay magandang kaalaman.

Panloob na Pulso (Wrist)

Dahil hindi tayo sanay na hawakan sa pulso – lalo na ang loob ng pulso – ay maaari itong maging isang kapana-panabik na lugar. Pindutin nang malumanay sa una, na nagpapahiwatig sa iyong kapareha na inaakit mo sila. Maglaan ng isang segundo at tumingin sa mata ng iyong kasintahan upang malaman nila ang nais mong ipahiwatig. 

Mga Paa (talampakan para sa mga lalaki, mga daliri ng paa para sa mga babae)

Para sa isang lalaki, ang mga talampakan ng mga paa ay isang kasiya-siyang bahagi ng katawan. Kung pupunta ka sa ikatlong daliri ng paa at magtungo sa ikatlong bahagi (1/3) pababa, ayon sa WebMD na mararating mo ang isang punto ng acupressure na pinangalananang Bubbling Spring. Nakuha nito ang pangalan dahil sa enerhiya na “bumubulusok” sa mga paa ng isang lalaki patungo sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

Para sa isang babae, ang kanyang mga daliri sa paa ang sensitibo. Dito nagmula ang pariralang  “toe-curling orgasm”. Mayroong tunay na ugnayan sa pagitan ng ari ng babae at mga daliri ng paa, na nagiging sanhi upang ang kanyang daliri sa paa ay bumaluktot tuwing nararating niya ang orgasmo. Kung isusubo mo ang mga daliri ng paa ng babae sa iyong bibig o marahang kurutin ang mga gilid ng kanyang malaking daliri at igulong ito sa pagitan ng iyong mga daliri, ito ay maaaring magdulot ng orgasmo.

Likod ng Tuhod

Ito ay isa pang lugar na mayaman sa ugat kung saan hindi tayo madalas na mahawakan. Para sa mga lalaki, ang likuran ng tuhod ay sensitibo dahil walang gaanong buhok doon, kaya mas sensitibo na hawakan, sabi ni Ian Kerner, Ph.D., isang dalubhasa sa seks sa New York City. Para sa mga babae, masarap ito sa pakiramdam. Subukan na hawakan nang malumanay ang iyong kapareha sa likod ng tuhod habang siya ay nakatayo sa harap mo. O i-masahe mo sila sa bahaging iyon, pagpalit-palitin ang mahigpit na presyon at kiliti.

Pinagmulan: https://www.webmd.com/sex-relationships/features/7-awesome-erogenous-zones#1

https://www.womenshealthmag.com/sex-and-love/erogenous-zones-for-women/slide/6

https://www.menshealth.com/sex-women/do-you-know-her-pleasure-points

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon