fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Abnormal Na Pagdurugo Ng Ari Ng Babae

abnormal vaginal bleeding, reproductive health, family planning

Ang abnormal na pagdurugo ng ari ay kapag nakakaranas ka ng pagdurugo sa ibang mga araw maliban sa pagregla. Kabilang dito ang:

  • Pagdurugo sa pagitan ng regla.
  • Pagdurugo pagkatapos magtalik.
  • Paglabas ng dugo anumang araw kahit walang regla.
  • Labis na pagdurugo kaysa sa normal.
  • Pagdurugo pagkatapos ng menopos.

Ang abnormal na pagdurugo ay maaaring magkaroon ng maraming dahilan. Sa mga kabataan at mga kababaihan na malapit sa menopos, ang mga pagbabago sa mga hormon ay maaaring maging sanhi ng matagal na pagregla at ang mga iregular na regla. Ang iba pang kadahilanan ay maaaring kasama ang:

  • Mga fibroid sa matris
  • Impeksyon sa mga organong reproduktibo
  • Kanser
  • Matinding stress
  • Labis na dagdag o bawas sa timbang

Kahit na ang dahilan ay ang mga pagbabago sa mga hormon, maaari pa ring magamot. Kung nakakaranas ng abnormal na pagdurugo, makipag-usap sa iyong tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan.

Pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/vaginal-bleeding-between-periods#seek-medical-help

Please follow and like us:

568 thoughts on “Abnormal Na Pagdurugo Ng Ari Ng Babae

    1. Hi Wene! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik. Pwedeng kondisyon, impeksyon, o kaya priksyon at kiskisan dahil sa kakulangan ng pampadulas. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.

  1. Nag sex po kami mag asawa so 4 days po bgo po ako reglahin sa isang bwan po 2 beses lang po may nangyayari samen kase po wala kami time mag ganun busy sya sa work. Kada mag sesex ho kame may lumalabas sa panty ko na konting dugo. Kaya ano po dapat ko gawin?

    1. Hi Bernadeth! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik. Pwedeng kondisyon, impeksyon, o kaya priksyon at kiskisan. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.

  2. Nakatapos plang ang regla ko 7 days ago at ngayon nagkaroon o ako ng pagdurugo. 41 plang po ako . Ito po ba ay sensya lesh ng menopos?

  3. Hello po. Mag ask lng po kasi every time na mag sex kami ay dinudugo po ako. Pero kinti lang naman po. Ano po pwede gawin?

    1. Hi Marie! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik. Pwedeng kondisyon, impeksyon, o kaya priksyon at kiskisan. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.

  4. Hello! Natapos po regla ko nung nakaraang araw tas pagkalipas ng ilang araw may 3 days na may pumapatak na dugo hindi naman sya marami. Nakipag Sex after menstruation po yun po yung sumunod na araw na may konting pumatak lang mga 3 days lang tas nawala din. Ano po ang dahilan non? Thank you

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon