fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Abnormal Na Pagdurugo Ng Ari Ng Babae

abnormal vaginal bleeding, reproductive health, family planning

Anong Nagdudulot Ng Kakaibang Pagdurugo?

Kapag sinabing ‘spotting,’ ito ay kaunting pagdurugo mula sa pwerta kahit hindi ka pa dapat datnan ng regla. Tawag rin dito ay intermenstrual bleeding, kung saan nakakaranas ka ng spotting o pagdurugo sa pagitan ng mga regla.

Maraming nakakaranas ng intermenstrual bleeding. Hindi naman ito nakakabahala sa karamihan ng mga kaso, pero may iba na baka senyales na ito ng isang kondisyon.

Nakaranas ka na ba intermenstrual bleeding? Basahin mo kung ano ang maaaring sanhi nito.

Mga sanhi ng intermenstrual bleeding

Maraming puwedeng magdulot ng intermenstrual bleeding. Tandaan o isulat ang mga araw na napansin mo ito, pati na rin ang ibang sintomas na nararanansan mo kung mayroon man. Tutulungan ka ng iyong doktor malaman kung ano ba ang sanhi nito at papayuhan ka sa paggamot.

Hormonal Imbalance

Ang siklo ng regla ay pinamamahalaan ng dalawang hormon: ang estrogen at progesterone. Posibleng makaranas ka ng spotting kapag ang mga antas nila ay nawala sa balanse. Ilang bagay na maaaring makaapekto sa balanse ng iyong mga hormon ay:

  • Dysfunctional ovaries
  • Problema sa thyroid gland
  • Pagumpisa o pagtigil ng pag-inom ng oral contraceptive pill (pero magbabalanse rin ito kalaunan)

Uterine fibroid

Ang mga uterine fibroid ay hindi nagdudulot ng kanser, at tumutubo ang mga ito sa loob ng matres. Karaniwang, sila ay benign at kusang lumiliit. Maliban sa intermenstrual bleeding, ang ibang sintomas ng mga fibroid ay:

  • Mabigat o mahabang daloy ng regla
  • Pananakit ng balakang
  • Pananakit ng bandang ibabang likod
  • Pananakit tuwing nagtatalik
  • Problema sa pag-ihi

May ibang babae na baka walang maranasang sintomas.

Mga sexually transmitted infection

Ang mga sexually transmitted infection (STI) tulad ng chlamydia at gonorrhea ay puwedeng magsanhi ng intermenstrual bleeding o pagdurugo pagkatapos magtalik. Iba pang sintomas ng STI ay:

  • Pananakit tuwing umiihi
  • Puti, dilaw, o berdeng vaginal discharge
  • Pangangati ng pwerta o anus
  • Pananakit ng balakang

Madaling magamot at hindi magdudulot ng mga komplikasyon ang STI, basta lubos at maayos na nagamot nang maaga. Makipag-ugnay kaagad sa iyong doktor kung sa palagay mo mayroon kang STI.

Pelvic Inflammatory Disease

Puwede kang magkaroon ng pelvic inflammatory disease (PID) kung ang bakterya mula sa pwerta ay kumalat sa matres, mga fallopian tube, at obaryo. Ang pamamaga ng organong reproduktibo ay maghahantong sa pagsusugat. Iba pang sintomas ng PID maliban sa intermenstrual bleeding ay:

  • Pananakit habang nagtatalik o umiihi
  • Pananakit ng bandang itaas o ibaba ng puson
  • Lagnat
  • Labis o mabahong vaginal discharge

Makipag-ugnay kaagad sa doktor kung nakakaranas ka ng mga sintomas ng PID. maaari itong magamot at mapigilan lumala kung naagapan kaagad.

Kanser

Sa ilang kaso, may mga uri ng kanser na nagdudulot ng intermenstrual bleeding. Ito ay:

  • Endometrial o uterine cancer
  • Cervical cancer (kanser sa serviks)
  • Ovarian cancer (kanser sa obaryo)
  • Vaginal cancer (kanser sa puwerta)

Komplikasyon Sa Pagbubuntis

Maraming babae ang nakakaranas ng spotting o pagdurugo sa unang tatlong buwan ng kanilang pagbubuntis. Kaunti lang ang pagdurugo at karaniwang kulay rosas, pula, o kayumanggi.

Mga komplikasyon tulad ng pagkalaglag at ectopic pregnancy ay maaaring magsanhi sa pagdurugo habang nagbubuntis.

Kung nakakaranas ka ng pagdurugo, hindi naman ibig sabihin kaagad na komplikasyon na ito. Mabuting makipag-ugnay sa iyong doktor sa lalong madaling panahon kung nakakaranas ka ng pagdurugo habang nagbubuntis, lalo na kung marami ito at sinamahan ng pananakit ng balakang.

Kontrasepsyon

Normal lang makaranas ng intermenstrual bleeding sa unang tatlong buwan ng paggamot ng kontraseptibo gaya ng mga pill, IUD, implant, at injectable. Mawawala rin ang pagdurugo kapag nasanay na ang katawan sa kontraseptibo.

Kung madami ang pagdurugo at nararanasan mo pa rin ito lagpas tatlong buwan, mabuting kumonsulta na sa doktor ukol dito. Baka magrekumenda siya ng ibang kontraspetibo para sa iyo.

Puwede ring mangyari ang intermenstrual bleeding kapag hindi mo sinunod ang tamang paggamit o pag-inom ng kontraseptibo. Halimbawa nito ay ang kapag nakaligtaan uminom ng pill.

Obulasyon

May ibang babae na nakakaranas ng ovulation spotting sa pagitan ng kanilang regla. Nangyayari ang pagdurugo tuwing obulasyon, kung kailan nagpapakawala ng selulang itlog ang obaryo. Basahin ang higit pang impormasyon dito.

Implantation

Isa sa mga unang senyales ng pagbubuntis ay ang implantation bleeding, pero hindi lahat ng babae ay makakaranas nito. Nangyayari ito kapag ang napertilisang selulang itlog ay dumikit na sa uterine lining.

Karaniwang nangyayari ang implantation bleeding ilang araw bago mo inaasahan dumating ang iyong regla. Mas kaunti at sandali ang pagdurugo kumpara sa karaniwang regla.

Perimenopause

Ang perimenopause ay ang unang hakbang bago ang menopos. Hindi na balanse ang mga hormon sa yugtong ito. Hindi na regular ang pagregla, makakaranas na ng spotting at kakaibang pagdurugo, at may ilang buwan na maaaring hindi datnan ng regla.

Trauma

Puwede ring magdulot ng intermenstrual bleeding mula sa trauma o pinsala sa puwerta o serviks. Maaaaring galing ito sa:

  • Sexual assault (rape)
  • Marahas na pagtatalik
  • Isang bagay, tulad ng tampon o laruang sekswal
  • Isang pagsusuri o operasyon, tulad ng pelvic exam

Mga uterine o cervical polyp

Ang mga polyp ay abnormal na paglago ng tisyu sa katawan. Matatagpuan ang mga ito sa matres o serviks. Karaniwan, hindi ito nagdudulot ng kanser.

Ang mga cervical polyp ay madalas na hindi nagpapakita ng sintomas, pero maaari silang magdulot ng:

  • Kaunting pagdurugo pagktapos magtalik
  • Kaunting pagdurugo sa pagitan ng mga regla
  • Kakaibang vaginal discharge

Sa karamihan ng mga kaso, hindi kailangan sumailalim sa paggamot, maliban na lang kung nakakaranas ng nakakabahalang sintomas. Kung inirekumenda ng doktor na alisin ang mga polyp, madali lang ito at hindi masyadong masakit.

Ang mga uterine polyp ay mas karaniwan sa mga babae na tapos na magmenopos. Ang iba makakaranas ng kaunting pagdurugo, habang ang iba naman walang sintomas.

Endometriosis

Ang endometriosis ay isang kondisyon kung saan ang uterine lining ang lumalago sa ibang parte kung saan hindi dapat. Ang iba pang sintomas ay:

  • Pananakit ng balakang
  • Masakit na pagregla
  • Mabigat na daloy ng regla
  • Pananakit habang nagtatalik
  • Kahirapan magbuntis
  • Pananakit tuwing umiihi o tumatae
  • Pagtatae, tibi, o pagkahilo
  • Panghihina

Polycystic ovary syndrome (PCOS)

Ang PCOS ay isang kondisyon kung saan ang mga obaryo o adrenal gland ay lumilikha ng labis na “panlalaking” hormon. Para sa ilang babae na may PCOS, hindi sila nireregla o iilang beses lamang sa isang taon.

Maliban sa intermenstrual bleeding, ang iba pang sintomas ng PCOS ay:

  • Hindi regular na pagregla
  • Pananakit ng balakang
  • Pagdagdag ng timbang
  • Labis na paglago ng buhok sa mga parte na hindi dapat
  • Kahirapan mabuntis
  • Taghiawat

Stress

Maraming paraan naaapektuhan ang iyong katawan kapag ika’y nastress. May ibang babae na nakakaranas ng intermenstrual bleeding dahil sa mataas na antas ng pisikal o emosyonal na stress.

Mga gamot

May ilang mga gamot tulad ng blood thinner, gamot para sa thyroid, at mga hormonal na gamot na nagdudulot ng intermenstrual bleeding.

Iba pang sanhi

Sa ilang bihirang kaso, ang diyabetis, liver disease, kidney disease, at pagdagdag o pagbawas sa timbang ay maaari ring magdulot ng intermenstrual bleeding.

Anong dapat gawin

Kung sa palagay mo ang nararanasan mong spotting ay sintomas ng pagbubuntis, mag-pregnancy test para malaman mo. Pero kung nakumpirma mo nang buntis ka at nakakaranas ka ng pagdurugo, ipaalam ito sa iyong doktor kaagad.

Kumonsulta sa doktor kung nakakaranas ka ng intermenstrual bleeding. Ang sanhi nito ay baka nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Makakatulong rin sa iyong doktor malaman ang sanhi kung sinusulat mo ang mga araw na nakakaranas ka ng intermenstrual bleeding, at ang iba pang sintomas na nararamdaman mo.

Mga iba pang sintomas na dapat mong bantayan ay:

  • Lagnat
  • Pananakit
  • Pagkahilo
  • Madaling magpasa

Ang mga babaeng nakakaranas ng pagdurugo kahit na nagmenopos na sila ay dapat magpunta na sa doktor kaagad.

Kung ang intermenstrual bleeding ay nagsimula lamang mula noong unang gamit o inom mo ng kontrasepsyon, bigyan ito ng tatlo hanggang anim na buwan para masanay ang katawan. Kausapin ang doktor kung lumala o tumagal ang pagdurugo.

Paggamot at pag-iwas

Walang home remedy para sa intermenstrual bleeding. Ang tamang paggamot para sa iyo ay nakadepende sa sanhi nito, kaya napakahalagang magpasuri sa doktor.

Kung gumagamit ng kontraseptibo, gamitin ito nang tama ayon sa tagubilin at payo ng doktor. Subukan rin bawasan ang stress sa pamamagitan ng paglaan ng oras para magrelaks. Nakakabuti rin sa katawan ang mabuting pamumuhay. Mag-ehersisyo nang regular, at kumain ng masustansyang pagkain.

Maraming posibleng sanhi ng intermenstrual bleeding. May ilan na kailangan ng atensyong medikal at paggamot, pero ang iba naman ay walang kailangan ikabahala. Anumang intermenstrual bleeding ay dapat ikonsulta kaagad. Ang tanging paraan para malaman ang sanhi ay sa pamamagitan ng pagpapasuri sa doktor.

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/vaginal-bleeding-between-periods#seek-medical-help

https://www.healthline.com/health/womens-health/spotting-before-periods

https://www.medicalnewstoday.com/articles/321811

https://www.webmd.com/women/spotting-between-periods

Please follow and like us:

732 thoughts on “Abnormal Na Pagdurugo Ng Ari Ng Babae

  1. Hi. Ask ko lang. 3 taon na ring may nangyayari samin nang boyfriend ko. Dalawang beses na nangyari na dinugo ako habang nagsesex kami. Kanina yung pangalawa na dinugo ako at medyo sumasakit yung kaliwang bahagi nang puson ko. Bearable naman po sya. Bakit po kaya?

    1. Hi Rodelyn! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.

      Mabibili ang EZ Lubricating Jelly sa pangunahing botika at convenience store. Maaari mo rin ito mabili online!
      Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/trust-philippines-1524467118/
      Shopee: https://shopee.ph/trust.premiere.ez

  2. Good day po !44 yes old na oo ako…nagtataka lng po ako na madalas pagkatapos nming husband kong makipagtalik may dugo?khit wala nmn akong regla?normal po ba to sa idad ko?

    1. Hi Jasmin! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.

  3. Hi I just want to ask almost 7 months na ako tumigil sa pills pero D PA din ako nabubuntis tapos nakakaranas ako ng itching in my vigina and when me and my husband had sex.. After sex I saw in my clothes na pinapamunas na may dugo.. Malimit syang mangyari pag malapit na ako reglahin or kalagit Naan bago ako reglahin anu po ba pwdeng gawin para hindi dumudugo ang ari at maiwasan ang pangangati? Thank you po

    1. Hi Kim! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.

  4. tanung ko lng po first time po kc mangyari sakin ito dalawang beses na po kc ngyari skin ito na habang nagtatalik kmi ng aswa ko my lumalabas na kunting dugo sa pwerta ko pero hndi nmn po masakit ang pwerta ko salamat po

    1. Hi Mary Ann! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.

  5. First time po mangyari to ask ko lang po pwd po ba agad palitan ng ibang brand ang iniinom na contracepted kahit isang buwan pa lang dati po kase daiane ang gamit ko after po ng matapos ko inomin at nagkaroon ako pinalitan ko po ng marvelon 28.
    Mga 7days ko na po naiinom. Kagabi po nagkaroon kami ng contact ng asawa ko pag gising ko po meron pong dugo pagkaihi ko tapos ngayong umaga mejo light na ung dugo anu po kaya ang dahil marami pong salamat sa sagot. Godbless po

    1. Hi Joy! Normal pong makaranas ng kaunting pagdurugo sa paginom ng pills lalo na sa unang tatlong buwan. Ang iyong katawan ay nag-aadjust pa sa pills kaya ito’y nagdurugo. Hindi po kailangan magpalit ng pills. Kailangan lang po tuloy-tuloy ang paginom nito nang walang nakakaligtaang araw. Makakaadjust rin ang iyong katawan at mawawala rin po ang pagdurugong nararanasan ngayon. Basahin rin po ito: https://doitright.ph/tl/breakthrough-bleeding-habang-nagpipills/

  6. Ask ko lang po bakit lage nalang my lumalabas ng kunting dugo after ng sex namin ng bf ko?tapos kinabukasan my kunting kirot sa ari ko po.ano pong dapat kong gawin?ngpatingin na po ako ng OB my ni reseta na skn pero ganun pa rin po at my discharge minsan skn na kulay brown kahit tapos na po ang menstruation ko po.

    1. Hi Vina! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.

  7. Ask ko lang po. Mag2yrs nA po akong injectable tapos mag 1yr na rin po ako di nagkakaroon tapos a few months po pag nagtatalik kami ng hubby ko minsan may dugo pero konti lang. Tapos last week lang po nagsex kami medyo madami sya. Tapos humapdi at nangangati pmrin po. Tapos pag nagsesex po kami ngaun after po nun nahapdi at makati rin sya minsan. Anu po problema nun? Salamat po.

    1. Hi Nikz! Ang pagdurugo at hapdi tuwing nagtatalik ay karaniwang sanhi ng priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant tulad ng EZ Lubricating Jelly para maiwasan ang pagdurugo at hapdi.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon