Karamihan sa mga babae ay umiiwas sa mga aktibidad na sekswal habang sila ay nireregla, ngunit walang dahilan para sa iyo na magpigil, maliban kung siyempre, hindi ka komportable wala sa tamang kondisyon.
Mga benepisyon ng pagtalik habang nireregla
Ang mga reaksyong pisyolohikal sa panahon ng pagtalik ay talagang may mga benepisyo na baka hindi mo naisip.
Pagbawas ng pananakit ng puson. Ang pananakit ng puson ay sanhi ng mga paghapit ng matris upang ilabas ang lining na ibinubuhos nito. Sa panahon ng orgasmo, ang mga kalamnan ng matris ay humahapit rin. At kapag lumuwag na sila, dapat itong magdala ng ginhawa mula sa pananakit.
Ang pagtalik ay nakakahikayat na magpakawala ng mga endorphins, ang hormon na nakakatulong sa iyong isip na kalimutan ang pananakit at pangingirot.
Mas maikli ang regla. Ang mga paghapit ng matris sa panahon ng orgasmo ay nagtutulak ng mas maraming lining palabas ng katawan. Makakatulong iyon na gawing mas maikli ang iyong mga regla.
Nakakadagdag sa sex drive. Ang mga pagbabago sa mga antas ng hormon sa iyong regla ay maaari ring makadagdag sa libog, na maaaring gawing mas kaaya-aya ang pagtalik. Ang ilang mga babae ay nagsasabi na ang kanilang sex drive ay mas mataas sa obulasyon, na dalawang linggo bago ang kanilang regla. Habang ang iba ay nagsasabi na mas gusto nila makipagtalik habang sila’y nireregla.
Maaaring mapawi ang sakit ng ulo. Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang pagtalik ay maaaring makatulong sa bahagyang o ganap na mapawi ang sakit ng ulo. Kinakailangan ang mas maraming pananaliksik upang malaman kung bakit nangyari ito, ngunit naniniwala ang mga eksperto na ang pagsulong ng mga endorphin sa katawan ay may kinalaman sa pamamanhid ng sakit ng ulo.
Posibleng mga kahihinatnan
Kahit na ang pagtatalik habang nireregla ay mayroong mga benepisyo, mayroon ding ilang mga posibleng problema.
Maaari itong maging makalat. Maaari kang matuluan ng dugo, ang iyong kasosyo, at ang mga sapin sa kama, lalo na kung mabigat ang iyong daloy. Baka mabahala ka sa pagkalat ng dugo kung saan-saan, at mawala ang iyong isip sa pagtamasa sa sandali.
Ang mga STI ay mas mabangis. Mas mataas ang panganib para sa mga sexually transmitted infection (STI) dahil ang mga virus ay nabubuhay sa dugo, at ang pakikipag-ugnay sa dugo na may impeksyon sa panahon ng pagtalik ay maaaring makahawa.
Ang mga posisyon ay limitado. Malamang hindi komportable ang oral sex kapag nireregla. Mabuti ring iwasan muna ang malalim na penetrasyon. Ang serviks (cervix) ay mas mababa at mas sensitibo kapag nireregla, at maaaring masakit ang masyadong malalim na penetrasyon.
Mas kaunting mga payo sa pag-iwas sa kalat
Pag-usapan ito. Sabihin sa iyong kasosyo kung ano ang nararamdaman mo tungkol sa pagtalik habang nireregla. Maging bukas kung bakit hindi ka komportable dito o kung bakit mo nais gawin ito.
Magplano nang maaga. Kung pareho kayo nais gawin ito, mas mahusay na maghanda nang maaga dahil maaaring mangailangan ito ng higit pang mga paghahanda. Isipin kung ano ang mga kailangan, ano ang mga kailangan gawin, at kung ano ang mga pwedeng gawin sa panahon ng pagtalik.
Takpan ang kama ng tuwalya. Laging may pagkakataon na malagyan ng dugo saanman sa lugar panahon ng pagtatalik habang nireregla. Pwedeng maglatag sa kama ng tuwalyang madilim ang kulang para pangsalo sa tutulong dugo.
Maghanda ng tisyu o wet wipes malapit. Mapapadali nila ang paglinis!
Gumamit ng condom. Mas nakakatuwa ang pagtalik kung malaya ka sa mga alalahanin, kaya pinakamahusay na gumamit ng condom upang maprotektahan ka mula sa mga impeksyon at problema.
Gawin ito sa shower. Ang ilan ay nagtatalik sa liguan habang nireregla para mas konti ang pagkakalat at mas madaling maglinis. Kung plano mong gawin ito sa liguan, mag-ingat kayo dahil baka madulas! Ang pagkakaroon ng anti-slip na rubber mat sa sahig ng liguan ay makakatulong sa iyo.
Ilabas ang tampon. Kung mayroon kang tampon sa loob, huwag kalimutang alisin ito bago makipagtalik. Ang tampon na itinulak nang malalim sa pwerta ay maaaring mangailangan ng tulong mula sa doktor.
Subukan ang iba’t ibang mga posisyon. Ang mga posisyon na nangangailangang humiga ka sa iyong likod, tulad ng missionary, ay maaaring ang pinakamahusay upang mabawasan ang pagtulo ng dugo. Subukan ang iba’t ibang mga posisyon na hindi nagiging sanhi ng labis na pagtulo ng dugo at kapwa komportable kayo.
Huwag hayaang pigilan ka ng iyong regla sa pagkakaroon ng mga aktibidad na sekswal! Kung pipiliin mong makipagtalik habang nireregla, huwag kalimutan ang pag-iingat tulad ng paggamit ng proteksyon upang maiwasan ang mga STI at hindi planadong pagbubuntis. Wala dapat makakapigil sa iyo na magsaya.
Mga pinagmulan:
https://flo.health/menstrual-cycle/sex/sexual-health/sex-on-period
https://www.verywellhealth.com/sex-during-your-period-2721991
https://www.medicalnewstoday.com/articles/321667.php#can-you-get-pregnant
https://www.healthline.com/health/womens-health/sex-during-periods#benefits