ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ano Ang Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Iyong Kalusugang Seksuwal?

reproductive health, family planning, sexual health

Ang seksuwal na kalusugan ay tungkol sa tatlong bagay – kaligtasan, kasiyahan, at paggalang.

Sa madaling salita, ito ay pagtiyak na ang mga seksuwal na karapatan ng lahat ng tao ay iginagalang, protektado, at naisasakatuparan. Kahit na hindi ka pa aktibo sa pagtatalik, ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iyong seksuwal na kalusugan ay mahalaga upang makagawa ka ng mga wastong desisyon tungkol sa iyong kalusugan at mga relasyon ngayon at sa hinaharap.

Ang isang pangunahing paraan na makakatulong saiyo upang gumawa ng mga pagpapasyang ito ay ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa isang kapareha, lalo na bago makisali sa seksuwal na aktibidad! Kung ang isang tao ay hindi handa o hindi komportable na makipag-usap tungkol sa pagtatalik sa kanilang kapareha, maaaring hindi sila handa na makipagtalik. Ito ay maaaring maging isang mahirap na pakikipag-usap sa una, ngunit ang pagtataguyod ng iyong mga pangangailangan at mga inaasahan patungkol sa pagtatalik ay susi sa pagbuo ng isang malusog at masayang na seksuwal na relasyon.

Ang kaalaman sa mga maaari mong pagpilian na kontraseptibo ay isa pang pangunahing aspeto ng kalusugang seksuwal. Sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraang kontraseptibo, naiiwasan ng mga mag-asawa ang hindi planadong pagbubuntis at mga sakit na naipapasa sa pagtatalik (STI). Hindi tulad ng panniniwala ng karamihan, ang kontrasepsiyon ay hindi lamang isang bagay na dapat isipin ng mga may-asawa, ngunit para sa sinumang nakikipagtalik. Sa paggamit nito, nagiging mas ligtas ang pagtatalik, at nagbibigay pagkakataon sa mga magkasintahan na maging masaya sa kanilang buhay romansa nang walang alalahanin. Maraming mga madaling pagpipilian pagdating sa kontrasepsiyon kabilang ang mga condom at kontraseptibong pildoras.

Tulad ng nabanggit, hindi lamang pagbubuntis ang napipigilan ng kontrasepsiyon, kundi pati ang mga STI. Ang paggamit ng mga pamamaraan tulad ng condom na panlalaki ay ang pinakamahusay na paraan upang mabawasan ang panganib na maipasa ang isang STI. Mayroong isang sabi-sabi na ang mga STI ay nakakaapekto lang sa mga taong madalas makipagtalik o maraming mga kapareha sa pakikipagtalik, ngunit sa katunayan, kahit sino ay maaaring makakuha ng STI. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng mas ligtas, mas responsableng pagtatalik ay nagpapababa sa panganib na ito. Ito ang dahilan kung bakit ang paggamit ng condom o pagkuha ng regular na pagsusuri ng kalusugan (bawat 6 na buwan-1 taon) ay isang magandang ideya kung ikaw ay aktibo sa pakikipagtalik.

Panghuli, mahalagang huwag kalimutan na ang kasiyahan ay karapatan ng lahat at ito ay susi sa mabuting seksuwal na kalusugan. Kung ikaw ay aktibo sa pagtatalik, may karapatan kang magdesisyon para sa iyong sarili, at hindi dahil napipilitan ka o pinipilit na makipagtalik. Ang pagtatalik, ay dapat na kanais-nais para sa lahat, at dapat mangyari lamang kapag ang parehong magkasintahan ay aktibong nagbibigay ng kanilang pahintulot. Alalahanin, ang hindi pinagkasunduang pagtatalik ay isang krimen, hindi alintana kung mayroon kang relasyon sa taong iyon.

Ang pagkakaroon tamang impormasyon tungkol sa iyong seksuwal na kalusugan ay iyong karapatan, at kung mas malawak ang iyong kaalaman, mas magagawa mong mamuhay nang malusog at matiwasay.

Mga Pinagmulan: https://familydoctor.org/importance-of-sexual-health/

https://www.who.int/reproductivehealth/topics/sexual_health/sh_definitions/en/

Please follow and like us:
error

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon