fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ano Ang Hypospadias?

Bagama’t maraming lalaki ang ipinanganak na may normal na ari, may ilan na ipinapanganak na may depektong kilala bilang hypospadias. Ang hypospadias ay isang congenital na kondisyon kung saan ang meatus o butas ng ari ng lalaki ay hindi nabubuo sa dulo at sa halip ay nabubuo sa ibang parte ng ari. Maaaring sa shaft o baras ng ari malagay ang meatus, o ‘di kaya’y sa ibaba, kung saan nagtatagpo ang baras at scrotum. Sa US, napag-alamang may hypospadias ang isa sa bawat 200 lalaki.

Ano Ang Mga Sanhi Nito at Paano Ito Nakakaapekto sa Mga Lalaki?

Hindi pa natutukoy ng mga eksperto kung ano ang eksaktong sanhi ng hypospadias, ngunit may teorya ang ilang mga doktor na ito ay nangyayari dahil sa kamalian sa bilang ng mga male hormones habang ang batang lalaki ay nasa sinapupunan pa lang. Napagmasdan na rin na ang hypospadias ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng genes.

Hindi gaanong naiiba ang pamumuhay ng mga lalaking may hypospadias. Ang mga aktibidad na pinaka maaaring maapektuhan nito ay ang pag-ihi at pag-bulalas. Ang ari ng lalaking may hypospadias ay kagaya pa rin ng ari ng lalaking wala nito. Pero, ang ihi at semilya nila ay hindi lumalabas sa dulo ng ari.

Ano Ang Mga Uri ng Hypospadias?

May tatlong uri ng hypospadias na magkakaiba batay sa kung saan matatagpuan ang opening ng urethra:

  • Subcoronal – Ang opening ay nabubuo sa ibaba ng glans o “ulo” ng ari. 
  • Midshaft – Ang opening ay matatagpuan sa baras.
  • Penoscrotal – Ang opening ay nabubuo sa bandang ibaba ng ari.
Ang imahe ay galing sa Centers for Disease Control and Prevention, National Center on Birth Defects and Developmental Disabilities via cdc,gov.

Sa mga kaso ng penoscrotal hypospadias, ang buong ibabang layer ng ari ng lalaki ay hindi nabubuo. Ito’y nagreresulta sa pababang pagkurba ng ari.

Ano Ang Maaaring Gawin Dito?

Ang hypospadias ay hindi nakakapinsala at hindi nangyayari kasama ng iba pang mga komplikasyon. Ang mga lalaking may hypospadias ay maaaring magpa-surgery para dito kung gusto nila. Kahit na mga bata o sanggol ay maaaring sumailalim sa prosesong ito. Ang pag-aayos ng hypospadias ay nagsasangkot ng pagtuwid ng ari at pagkumpleto ng daluyan ng ihi, sa gayon ay malilipat ang meatus sa dulo ng ari. Gayunpaman, ang hypospadias ay hindi mapanganib at hindi kinakailangang ayusin.

Mga pinagmulan:

https://www.urologyhealth.org/urology-a-z/h/hypospadias

https://www.webmd.com/parenting/baby/what-is-hypospadias#091e9c5e814710f3-2-4

https://www.cdc.gov/ncbddd/birthdefects/hypospadias.html#

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon