Ang kontraseptibo ay nakaka-iwas sa pagbubuntis. May iba’t ibang uri ng kontraseptibo, at iba-iba rin ang kanilang pamamaraan sa pagbigay ng proteksyon.
Ang tatlong uri ng kontraseptibo ay:
- hormonal method (pills at injectables)
- barrier method (condoms)
- long-acting reversible contraceptive ( implant at IUD)
Depende sa uri, ang mga kontraseptibo ay gumagana sa pamamagitan ng:
- Pagpigil sa obulasyon (kung kailan ang obaryo ng babae ay nagpapakawala ng selulang itlog)
- Pagpigil sa esperma ng lalaki na matagpuan ang selulang itlog ng babae
- Pagpigil sa napertilisang selulang itlog na lumakip sa uterine lining
Ang nababagay na kontraseptibo para sa’yo ay nakadepende sa ilang bagay. Kasama rito ang iyong medical history, lifestyle, gaano ka kadalas makipagtalik, at kung ilang sexual partners ang mayroon ka.
Ang mga condoms ay ang pinakamadaling bilhin. Mabibili ito sa mga convenience stores, botika, pati na rin sa mga online stores. Ang mga pills ay maaari ring mabili sa mga botika, ngunit, kailangan nito ng reseta ng doktor.
Kung nais mo ng pangmatagalang proteksyon (tulad ng IUD), o pang maikling termino at madaling itigil (tulad ng pills), siguradong mayroong angkop para sa iyo.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kontraseptibo, kumunsulta sa doktor at maaari mong bisitahin ang “Usaping Kontraseptibo” na seksyon dito.
Mga pinagmulan:
https://www.your-life.com/en/your-body/contraception/
https://www.nhs.uk/conditions/contraception/what-is-contraception/
https://www.familyplanning.org.nz/advice/contraception/what-is-contraception