Karamihan sa mga kontraseptibong mayroon sa Pilipinas ay napakaabot-kaya. Maaari kang makabili ng isang kahon ng mga condom na nagkakahalagang Php27 – Php235 (SRP) depende sa uri, at mabibili sa mga pangunahing botika, convenience stores, at nangungunang online shops. Ang isang pakete ng mga pildoras ay karaniwang nagkakahalagang P50.20 – P489.15/pakete (SRP), depende sa uri. Nabibili ito sa mga pangunahing botika, ngunit kinakailangang kumunsulta muna sa doktor at kumuha ng reseta.
Gayunpaman, ang mga IUD ay marahil ang pinakamatipid na pamamaraan. Bagaman ang paunang gastos ay na sa Php192.75/piraso (SRP), sapat na hanggang sampung taon. Halimbawa, kung mayroon kang IUD na tumatagal nang limang taon, gumastos ka ng P38.55 sa isang taon para sa kontraseptibo, o Php3.21 lamang sa isang buwan.
Pinagmulan:
https://www.webmd.com/sex/birth-control/news/20030729/iuds-most-cost-effective-birth-control#1