ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ano ang Nagagawa ng Pagiging Vegetarian sa Iyong Sex Life?

Vegetarian, Sex Drive, Sex

Ang pagkakaroon ng mas malusog na pamumuhay ay siguradong maganda ang magiging benepisyo sa ating katawan, at umaabot rin ito sa ating “sex life”. Sa kadahilanang pangkalusugan, may mga taong tinotodo ito at nagiging “vegetarian”.

Pero, ano nga ba talaga ang mangyayari sa iyong “sex life” kapag naging vegetarian ka? Alamin natin.

Ano ang ibig sabihin ng pagiging vegetarian?

Sa mga simpleng salita, ang pagiging vegetarian ay isang uri ng diet na kung saan kumakain lamang sila ng mga gulay at prutas. Hindi sila kumakain ng kahit anong karne o pagkaing dagat (pati rin mga insekto kung kayang sikmurain ito).

Ang diet na ito ay sinasahamahan din ng mga buto, mga butil, at mga mani, na kadalasang naglalaman ng mga importanteng sustansya gaya ng protina, carbohydrates, mga masustansyang taba, at iba pa.

Ang pagiging vegetarian ay may mga uri rin. May ilang kumakain pa rin ng gatas at iba pang produktong gatas (lacto vegetarian), itlog (ovo vegetarian), halong itlog at mga gatas na produkto (lacto ovo vegetarian), o pagkaing dagat (pescatarian), kahit na ito’y galing sa mga hayop.

Kagandahan ng pagiging vegetarian

Mas payat na pangagatawan. Kapag ika’y may mas payat na pangangatawan, kayang-kaya mong gawin ang iba’t-ibang posisyon sa pakikipagtalik. Maaari ka ring magkaroon ng dagdag na kumpyansa sa sarili lalo’t alam mong kaya mong pasiyahin ng todo ang iyong kapareha.

Pagtaas ng enerhiya. Mas madaming enerhiya, mas maraming lakas para “yugyugin ang kama”. Bukod pa riyan, ibig sabihin rin nito ay hindi ka agad mapapagod at kayang-kaya pang ang mga susunod na round.

Mas mabuting pagdaloy ng dugo. Ang pagdaloy ng dugo ay isa sa pinakamahalagang parte ng pakikipagtalik. Kapag mas maganda ang daloy ng dugo, mas matindi at mabilis ang responde ng katawan sa mga sekswal na bagay.

Kahinaan ng pagiging vegetarian

Mababa ang Zinc. Ang Zinc ay isang importanteng nutrisyon na kailangan ng katawan sa paggawa ng hormons, lalo na sa lalaki.Kahit na mas marami ito sa mga karne, may mga alternatibo naman tulad ng abokado at garbanzos.

Mas mababang Protina. Ang kakulangan sa Protina ay maaaring magdulot ng kakulangan sa hormons, lalo na sa lalaki. Ang Protina ay mahalaga sa paggawa ng testosterone. Kahit na maraming alternatibo rito, ang mga karne lamang ang kayang magbigay ng maraming protina kahit sa kaunting dami lamang.

Kaya bang maapektuhan ng pagiging vegetarian ang libido mo?

Maaari nitong maapektuhan ang libido ng isang tao, pero depende ito sa reaksyon ng katawan nila. Ang pagkakaroon ng pagbabago sa nakasanayang kinakain ay makakaapekto hindi lang sa libido, pati na rin buong katawan.

Ang mga sustansya na nakukuha natin sa ating katawan ay nagiging gasolina ng ating katawan upang magawa nito ang mga proseso na ginagawa nito araw-araw. Depende sa katawan ng tao, ang pagbabago ay maaaring positibo o negatibo.

Ang pagiging vegetarian ay napatunayan na maraming mabuting benepisyo sa katawan ng tao, sa pisikal at mental na aspeto. Kaya rin nitong pagandahin ang kalooban at magpataas ng kumpiyansa.

Oo, kaya nitong pataasin ang libido ng isang tao. Pero maaari rin itong mangyari sa ibang mga diet, basta’t masasabing ito ay “healthy”. Kapag kumain ka ng eksakto lang sa pangangailangan ng katawan mo, maaari palakasin nito ang katawan mo tulad ng ibang diet (lalo kapag sinamahan ng ehersisyo).

Pinanggalingan:

Please follow and like us:

3 thoughts on “Ano ang Nagagawa ng Pagiging Vegetarian sa Iyong Sex Life?

  1. Hello po ask ko lang kc today bigla nlng ako dinugo katatapos ko lang nung January 10. Ang dugo po na nalabas ay medyo madame n my kasama buong dugo at kapag po parang iniere ko ung tyan ko ay lalo syang nadame ng labs, by the way po wala pa po akong 1 taon nanganak 10months palang,

    1. Hi Eli! Maaaring dumadaan sa ilang mga pagbabago ang iyong katawan pagkatapos ng pagbubuntis at manganak kaya nakakaranas ng abnormal bleeding. May ibang sintomas pa po bang nararamdaman? Mabuting magpunta sa obgyn kaagad para masuri kung ano ang sanhi, at mapayuhan ka kung ano pwedeng gawin.

      1. Salamat po! Napansin ko lng na ang amoy po Neto ay katulad nung bleeding ko pgtapos kong manganak hndi malansa o mabaho ,iba sa menstruation ang amoy. Till now meron pa dn pero konte n lng, wala nmn dn akong nararamdaman na iba, hndi po kaya eto dahil sa pag wowork out ko/ exercise.? Caesarean po kc ako,balak ko po sa Sunday magpacheck up ,

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon