fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ano ang nagagawa ng Pinya sa iyong Buhay Sekswal?

Maraming mga Pilipino ang laging nababahala sa kanilang mga amoy, lalo na kung iiskor sila sa oral sex mamaya. Ang ari ng babae ay amoy ari ng babae, ang ari ng lalaki ay amoy ari ng lalaki, kaya maiisip mo na ganito rin ang lasa nito.

Isa sa mga remedyo rito na makikita ng karamihan ay ang pagkain ng pinya para “mas sumarap” sila sa baba, pero gaano ba katotoo ito? Alamin natin ang ilang mga katotohanan tungkol sa pinya.

Aphrodisiac ang mga Pinya

Isa sa mga bagay na maaaring makapagpasabi sa iyo na mas masaya ang pakikipagtalik pagtapos kumain o uminom ng pinya at/o juice nito ay dahil sa pagiging aphrodisiac nito.

Ang mga pinya ay naglalaman ng sapat na magnesium at manganese para sa isang tao, na makakatulong sa katawan sa ilang malalaking bagay, lalo na sa pagpapasigla ng libido.

Kahit na epektibo na ito, ang mga pinya ay magkakaroon pa ng malaking boost sa epekto nito bilang aphrodisiac kung isasabay sa malusog at balanseng diet.

Mababago ba talaga ng pinya ang lasa sa baba?

May mga tao mang magsasabing totoo ito, walang ebidensyang siyentipiko ang magsasabing may katotohanan na ang pinya ay may kakayahang baguhin ang lasa ng ari para pasarapin ang oral sex.

Ang katotohanan ay, ang mga prutas ay naglalaman ng asukal at iba pang acids na tinutunaw ng katawan natin at humahalo sa mga inilalabas ng katawan, na maaaring dahilan kung bakit tumatamis ang lasa nito.

Ngunit, ito’y gumagana sa parehas na paraan. May ilang mga prutas at gulay, tulad ng asparagus, ang maaaring kabaligtaran ang epekto at mas lalong mapasama ang oral sex.

Napapaganda ang kutis ng Pinya

Maraming magandang dulot ang pinya sa katawan ng tao, lalo na sa balat. Kaya nitong palambutin ang balat, mas matalbog, at maaari ring gamot sa pimples at iba pang problema sa balat.

Isa pang bagay na nagagawa ng pinya ay mapalambot ang labi. Pwede itong maging gamot sa panunuyo ng labi at gawing mas masarap ang iyong mga halik dahil sa mga natural na mineral nito.

Kaya bang magpagaling nito ng erectile dysfunction?

May ibang naniniwala na ang pinya ay milagrosong gamot sa erectile dysfunction. Sa kasamaang palad, may kaunting katotohanan lang ito.

Ang pinya ay maaaring makapagbigay ng mas malakas na ereksyon dahil sa mga kakayahan nitong pagandahin ang daloy ng dugo. Kapag maganda ang daloy ng dugo, mas madaling pumunta ito sa ari ng lalaki tuwing magkaka-ereksyon.

Pero, hindi ito talaga matatawag na “gamot” sa erectile dysfunction, ngunit maaari itong makapigil ng ibang sakit sa puso tulad ng hypertension at atake sa puso.

Ang mga pinya ay magadang prutas na maraming benepissyo sa katawan. Ang pagdadagdag nito sa iyong nakasanayang diet ay magandang ideya, kahit na wala kang inaasahang pagtatalik. Magkaroon ng balanseng diet, mag-ehersisyo, at kumain ng pinya at makita ang sarili mo bilang mas magaling sa kama.

Pinagmulan:

https://pineapplecr.com/benefits-pineapple-sexuality/

http://www.nbcnews.com/id/7725750/ns/health-sexual_health/t/grooming-sexual-success/#.Xi4_J2gzbIU

Pineapple – aphrodisiac, cure for impotence & ED

https://www.health.com/sex/does-pineapple-make-you-taste-better-vagina

5 Benefits Of Pineapple To You & Your Sex Life

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon