fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ano ang Penile Fracture?

Bihira man, may posibilidad pa ring mabali ang ari ng lalaki. Ang tawag sa kondisyong ito ay “penile fracture” na maaaring mangyari sa mga lalaki kung makakaranas sila ng matinding aksyon sa kanilang genitalya.

Dahil ang ari ng lalaki ay hindi naglalaman ng buto, ang pagkabaling mararamdaman ay dahil sa pagkasira ng mga parte ng ari na responsable sa ereksyon.

Ang kondisyong ito ay maaaring makaapekto rin sa uritra o ang daluyan ng ihi. 

Mahalagang tandaan na ang Penile Fracture ay isang emerhensyang medikal at kinakailangan ng agarang paggagamot upang maiwasang mag-iwan ng permanenteng pinsala sa ari.

Dahilan

Ang penile fracture ay dahil sa ‘di sinasadyang pagbaliko ng ari na kadalasang nagreresulta sa pagputok ng corpus cavernosa, ang organo kung saan naiipon ang dugo at nagdudulot ng pagtigas ng ari.

Ilan sa maging dahilan ng Penile Fracture ay:

  • Hindi sinasadyang pagkabali habang nakikipagtalik
  • Matinding pinsala sa ari na natamo sa aksidente o iba pang tulad nito.
  • Matinding pagbabati ng ari

Sintomas

Makikita agad ang mga sintomas ng Penile Fracture. Tandaan ang mga ito dahil ang kondisyong ito ay nangangailangan ng agarang atensyong medikal.

  • Malinaw na tunog ng pagbali o pagputok
  • Biglaang pagkawala ng ereksyon
  • Sobrang pananakit ng ari
  • Pagkabaliko ng ari
  • Pagdurugo sa ulo
  • Pangingitim at pamamasa ng paligid kung saan natamo ang pinsala

Mga Paggamot

Ang kondisyong ito ay nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Kung nagsususpetsa na nakatamo ng Penile Fracture, agad na tumawag ng doktor. Mas mainam na makapagpagmot agad sa loob ng 24 oras mula ng natamo ang pinsala.

Kung hindi agad magagamot, ang Penile Fracture ay maaaring mag-iwan ng permanenteng pinsala na maaaring magresulta sa mas malalang problema tulad ng erectile dysfunction.

Para masuri, gagamitan ng doktor ng espesyal na x-ray o ultrasound ang ari ng lalaki upang makumpirma ang pagkabali nito at maisagawa ang nararapat na paggamot.

Operasyon upang ibalik sa dati ang natatanging paggamot dito. Sa ilalim ng operasyong ito, susubukan ng mga doktor na ibalik sa dating itsura ang ari, kasabay na rin ang mga kakayahan nito.

Maaaring magtagal ang paggaling nito ng ilang buwan. Kailangan ding bumalik sa doktor ng ilang beses upang matingnan ang progreso ng paggaling nito.

Pinagmulan: https://www.healthline.com/health/mens-health/penile-fracture#symptoms https://www.medicalnewstoday.com/articles/318566.php#Diagnosis https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3282318/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon