fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ano Ang Pinakamainam Na Kontraseptibo Gamitin Kung Ako Ay Isang Babae Na May Edad Na (Higit Sa 35)?

over 35, older women, contraceptive, injectables, progestin-only pills, family planning, reproductive health

Para sa karamihan sa mga babae 35 taong gulang pataas, ang mga kontraseptibo na may nilalamang hormon (tulad ng pang-araw-araw na pills, implant, at injectable) ay ligtas—ngunit may mga nadudulot na panganib kung naninigarilyo o mayroong kasaysayan ng ilang mga kondisyon sa kalusugan.

Kung naninigarilyo ka at uminom ng mga pills o anumang hormonal na kontraseptibo, ang iyong mga panganib sa kalusugan ay tumataas nang labis pagkatapos ng edad na 35.

Huwag gumamit ng mga kontraseptibo na naglalaman ng estrogen. Hindi maganda ang kombinasyon ng paninigarilyo at estrogen sa mga arterya dahil napapataas nito ang panganib para sa atake sa puso at stroke.

Ipinakita ng pananaliksik na ang panganib ay nagiging makabuluhan sa istatistika pagkatapos ng edad na 35—marahil dahil ang mga babae ay na sa mas mataas na peligro para sa iba’t ibang mga kondisyon ng kalusugan habang sila ay tumatanda.

Kung mayroon ka nang iba pang mga kondisyong pangkalusugan, makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga posibleng panganib lalo na kung mayroon kang malubhang diyabetis, hypertension, migraine, at sakit sa atay o pantog. Bibigyan ka ng iyong doktor ng rekomendasyon para sa mga pwedeng pagpiliang kontraseptibo na pinakamainam para sa iyo.

Ang mga kontraseptibong naglalaman ng progestin lamang ay madalas na mas ligtas na gamitin ng mga babaeng higit sa 35 taong gulang. May mga injectable, implant, at pills na mayroon lamang progestin.

Ang mga kontraseptibo na ito ay ligtas para sa mga babae na higit sa 35, ngunit mainam na kumunsulta sa doktor upang mapayuhan kung alin ang pinakaangkop para sa iyo.

Pinagmulan:

https://www.everydayhealth.com/sexual-health/over-35-the-best-birth-control-options-for-you.aspx

https://www.singlecare.com/blog/birth-control-for-women-over-35-and-40/

https://www.webmd.com/sex/birth-control/birth-control-40s-50s

https://www.healthgrades.com/right-care/birth-control/birth-control-choices-for-women-35-and-older

Please follow and like us:

2 thoughts on “Ano Ang Pinakamainam Na Kontraseptibo Gamitin Kung Ako Ay Isang Babae Na May Edad Na (Higit Sa 35)?

  1. Good day po..
    ask ko lng po kung anu po kaya pwede ko gawin kasi po nagpalagaty ako ng implant last july 1,2019 angd until now po wala pa rin ako menstruation… nag aalala na po ako kc baka kung anu na ito… pero sabi po sa center, talagang magiging irregular mens ko, pero bakit po kaya wala pa rin? Last mens ko po ay june 20;2019, pinatagkal ko po ang uid ko nun then july 1,2019, nagpa implant ako… anu po kaya pwede ko gawin? Thanks po..

    1. Hi Zarah! Opo, isa sa mga posibleng epekto ng implant ay ang pagtigil ng regla, at karaniwang walang kailangan ikabahala tungkol dito. Kung nais magpalit ng kontraseptibo dahil dito, mabuting magkonsulta sa doktor.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon