fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ano Ang Pinakamainam Na Kontraseptibo Kung Ayaw Ko Mag Pasok Ng Hormon Sa Aking Katawan?

Contraceptives, Non hormonal contraception, body

Kung nag-aalala ka tungkol sa mga hormon — dahil man sa iyong medical history or personal preference lang talaga — may iba pang mga kontraseptibo na pwedeng pagpilian!

Condoms

Ang pinakatanyag at madaling mabili ay ang mga condoms, na epektibong nakakapigil sa pagkalat ng sexually transmitted infections (STIs) at hindi inaaasahang pagbubuntis. Ito rin ay nakakatulong sa pagpapasigla ng sex life dulot ng iba’t ibang klase nito.

Maaari kang makabili ng isang kahon ng mga condom na nagkakahalagang Php27 – Php215 (SRP) depende sa uri, at mabibili sa mga pangunahing botika, convenience stores, at nangungunang online shops.

Copper IUD

Gayunpaman, kung naghahanap ng pangmatagalang solusyon, ang copper IUD ay maganda ring opsyon.

Ang copper IUD ay isang kontraseptibo na walang hormon, at nagbibigay ng proteksyon hanggang sampung taon. Kapag nailagay na ng doktor ang IUD sa iyong matris, wala ka nang ibang kailangan gawin maliban sa pagbalik sa doktor kung kailangan na palitan, o ipapatanggal mo dahil nais mo nang mabuntis.

Ang copper IUD ay marahil ang pinakamatipid na pamamaraan. Bagaman ang paunang gastos ay na sa Php60.00-105.00/piraso (SRP), sapat na hanggang sampung taon.

Pinagmulan:

https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/ask-experts/what-are-the-best-birth-control-options-that-arent-hormonal

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon