fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Rim Job: Ano ito?

Hindi masyadong napapag-usapan ang anal play kaya kaunti lang ang may sapat na kaalaman tungkol dito. Sa karamihan, kapag narinig nila ang term na anal play, iniisip kaagad nila na penetrasyon lamang ang pwedeng gawin. Pero, kung gusto mong subukan ang anal play, pwede kang magsimula sa mabagal at simpleng paraan, tulad ng rim job.

Ang rim job, rimming, o analingus, ay ang pagpapasayang sekswal na ginagamit ang bibig at puwit. Ito ay maaaring gawin sa labas lamang ng puwit, pero pwede ring pumasok nang konti ang dila sa loob. Sa madaling salita, ang paggamit ang dila’t bibig sa puwit ay rim job.

Maraming mga nakakakilig na sensitibong parte ang puwit, kaya ang paghalik o pagdila rito ay nakakapagdala ng ligayang sekswal.

Mga dapat isaalang-alang sa rimjob

Pagsang-ayon – Ang paghingi ng pagsang-ayon sa iyong kapareha ay kailangan sa kahit anong sekswal na gawain. Walang sinuman ang gusto na biglang makaranas ng rimjob o mahawakan ang puwit nila nang walang pahintulot, kaya kailangang humingi muna ng pagsang-ayon.

Kalinisan – Ito ang dapat gawin bago magsimulang magtikiman ng likuran. Kahit na gustung-gusto na ninyong magkapareha, importante na maligo muna at linisin ang buong katawan, gamit ang sabon na gusto niyo, bago magsimula.

Para naman sa taong makakatanggap ng rim job, mabuting dumumi bago sumabak sa ganito upang maging ligtas  at malinis ang iyong likuran, lalo’t may mga “aksidente” na pwedeng mangyari.

Buhok sa katawan – O mas partikular, ang buhok sa iyong puwit, ay isa sa mga dapat isaalang-alang tuwing iisipin ang kalinisan bago gawin ang rim job. Maaaring may mga maliliit na tirang dumi na dumikit sa mga buhok na ito kapag hindi nalinis nang mabuti. Maaari mo itong ahitin o i-wax para maalis, o hugasan nang mabuti.

Hindi magagawa agad ang rimjob – Hindi tulad ng blowjob, ang rimjob ay hindi isang gawain na magagawa mo agad-agad sa anumang oras. Madalas itong nagagawa pagkatapos ng foreplay, paghalik, o iba pang pangpukaw ng pagnanasa.

Bago gawin ang rim job, romansahin ang katawan ng kapareha mo simula sa taas at dahan-dahang ilapit ang mukha mo sa kanyang puwit. Magandang magsimula sa pagsuyo sa kanya upang maging mainit at handa sa pagpapakilig ang kanyang katawan upang maging komportable siya sa gagawin mong rim job.

Mag-relax, mag-enjoy, pero huwag gumamit ng ngipin – Tulad ng pagpapaligaya mo sa ibang parte ng katawan ng iyong kapareha, mabuting mag-relax at mag-enjoy habang niroromansa ang kanyang puwit. Mas mapapasaya nito ang inyong samahan at maaaring maging mas madalas ang pagkakaroon ng anal play sa inyong gawaing panggabi.

Pero, iwasang gamitin ang iyong ngipin. Maaaring kinakagat mo ng kaunti ang utong o ang ari ng iyong kapareha, pero iwasan itong gawin sa puwit dahil maaari itong makasakit, maliban na lang kung sinabi nilang gawin mo.

Kalusugan at kaligtasan ang dapat na mauna – Ang mga sexually transmitted infections (STI) ay maaaring maipasa kahit sa anal play. Kung ikaw o ang kapareha mo ay hindi pa nakapagpa-test para rito, maaari kang gumamit ng dental dam (pero kailangan mong hanapin at bilhin ito online).

Pinagmulan:

https://www.askmen.com/sex/sex_tips/how-to-give-a-rim-job.html

https://www.esquire.com/lifestyle/sex/a23893749/what-is-rimming-anal-sex-stimulation/

https://badgirlsbible.com/anilingus-guide-aka-rimming-aka-tossing-the-salad

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon