ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ano ang Smegma?

cheese, penis, man

Kupal (smegma) o “ang tawag sa iyo ng bully sa iyong school noon” ay ang maputi-puti o manilaw-nilaw na bagay na namumuo sa ari ng parehong lalaki at babae.

Normal lang na magkaroon nito lalo na kung ika’y aktibo na sa sekswal na gawain (madalas ay edad 14 pataas), dahil sa katotohanan ay nagagamit ito bilang isang likas na pampadulas bago at habang nakikipagtalik.

Kung mapabayaan, ang smegma ay maaaring maging pagkain ng mga bakterya, at maging isang permanenteng tirahan ng mga ito na maaaring magdulot ng pagbaho o kumplikasyon.

Paano ba ito nabubuo?

Nabubuo ang smegma dahil sa mga “sebaceous glands” sa mga ari ng parehong lalaki at babae na naglalabas ng likas na pampadulas upang hindi magresulta sa sakit ang nangyayari kiskisan habang nakikipagtalik. 

Kung hindi nagamit ang mga sebo galing sa sebaceous glands, ito’y mamumuo kasama ng mga patay na cells ng balat at iba pang halumigmig sa katawan tulad ng pawis.

Sa mga lalaki, nabubuo ito sa loob ng foreskin at sa ulo ng ari. Mas madalas ito kung ang lalaki ay hindi nagpatuli, ngunit maaari pa rin itong mangyari sa mga natuli.

Sa mga babae, nabubuo ang smegma sa paligid ng labya at sa paligid ng kanilang klitoris o sa loob ng “clitoral hood”.


Paano ito hinuhugasan?

Sa mga lalaking hindi tuli:

  1. Dahan-dahang hatakin pababa ang foreskin ng ari (kung masyado pang bata, magpatulong sa iyong ama.)
  2. Hugasan ng banayad ang ari gamit ang maligamgam na tubig. Maaaring gumamit ng sabon ngunit siguraduhing hindi ito matapang.
  3. Banlawan at patuyuin.
  4. Dahan-dahang ibalik sa dati ang foreskin.

Sa mga lalaking tuli, gumamit pa rin ng maligamgam na tubig. Gumamit din ng bayanad na sabon upang hindi mairita ang ari.

Sa mga babae:

  1. Ibuka ng dahan-dahan ang mga tupi ng pwerta. 
  2. Gumamit ng maligamgam na tubig sa paghuhugas. Kung kinakailangan, gumamit ng banayad na sabon.
  3. Banlawan ng mabuti.
  4. Dahan-dayang punasan hanggang sa matuyo.

Bakit kailangan kong malaman ito?

Kung mapabayaan, ito ay maaaring maging tirahan ng mga bakterya na nag-iiwan ng mabahong amoy sa ari at maaari ring magdulot ng mas malalang impeksyon.

Isang halimbawa nito ay ang tinatawag na “balanitis” o ang pamamaga ng ari ng lalaki at nagdudulot ito ng pananakit. Ito’y mas delikado sa mga lalaking hindi nagpatuli dahil mas mahihirapan silang ibalik o hatakin ang kanilang foreskin.

Napatunayan na rin na hindi ito nagdudulot ng kanser, ngunit ang pamamaga na dulot nito ay maaaring magpataas ng panganib nito, kahit na sobrang bihirang mga pagkakataon.

Paano mababawasan ang pagbuo nito?

Ang pinakamabisang paraan upang mabawasan ang smegma ay ang pagkakaroon ng malinis na pamumuhay. 

Dahil hindi naman mapipigilan ang paglalabas ng sebo ng sebaceous glands, malaki ang maitutulong ng araw-araw na paliligo at paghuhugas ng lugar ng ari para panatilihing kaunti o walang maipong smegma.

Sa mga lalaki, isa sa maaari nilang gawin ay ang pagpapatuli o circumcision. Kapag nagpatuli, inaalis ang foreskin sa ari. Dahil dito, mawawalan ng lugar upang maipon ang smegma.

Pinagmulan:

What is Smegma?: A Guide to the Unappetizing Biofluid That is Smegma

https://www.healthline.com/health/smegma

https://www.webmd.com/sex/what-is-smegma

https://www.healthline.com/health/how-to-get-rid-of-smegma#in-females

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon