fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ano ang Tuyong Orgasmo?

Bilang mga lalaki, alam natin na ang ating mga orgasmo ay kadalasang may kasamang paglabas ng semilya. Pero may mga pagkakataon din kung saan naabot ang langit pero walang ipinutok o inilabas.

Ang tawag dito ay tuyong orgasmo o orgasmic anejaculation. Ang kondisyong ito ay kung saan ang lalaki ay nakakaramdam ng orgasmo, pero walang lumalabas na semilya mula sa ari.

Ang tuyong orgasmo ay hindi naman dapat ikabahala. Pero, ito ay maaaring senyales ng nakatagongkondisyon na kailangang gamutin.

Ang kondisyong ito ay maaari pansamantala o pang-matagalan, pero may ilan ring permanente ang nararanasang ganito. May mga paraan ng paggamot sa kondisyong ito, kaya ang pagpapasuri sa iyong doktor ang pinakamabisang gawin.

Sanhi

Paulit-ulit na orgasmo – ang pagkakaranas ng paulit-ulit na orgasmo sa maikling panahon ay siguradong magdudulot ng tuyong orgasmo. Ang katawan ay nangangailangan ng oras at nutrisyon para maibalik ang naubos na semilya, at posibleng maubos talaga ang naimbak na semilya ng iyong katawan.

Hindi naman ito kinakailangan ng atensyong medikal. Pahinga lang nang ilang oras at makakapagpalabas na ulit ng semilya.

Isyung genetiko – may ilang mga tao ang may problemang genetiko na nagdudulot ng hindi paggawa nang sapat na semilya para sa pagbulalas. Hindi ibig sabihin nito ay may problema sa kanilang kalusugan.

Kakulangan sa testosterone o problema sa hormon – ang mababang lebel ng testosterone ay nagreresulta sa mas kaunting pagbulalas, lalo na sa mga matatandang lalaki. Ang testosterone at iba pang mga hormon ay responsable sa paggawa ng semilya. Ang mga taong may problema sa dami ng kanilang hormon, kahit na anong edad pa, ay maaaring makaranas ng kaunting pagbulalas, na nagreresulta sa tuyong orgasmo.

Mga operasyon – kahit anong operasyon na ginawa sa katawan na malapit o sa mismong ari ng lalaki ay maaaring magdulot ng tuyong orgasmo. Halimbawa, ang isang taong inalisan ng prostate, pantog,  o lymph nodes ay maaaring hindi na makagawa ng semilya o hindi na makapagbulalas. Ang operasyon din para sa magamot ang testicular cancer ay maaaring magdulot ng tuyong orgasmo.

Baradong ejaculatory duct – maging bato,cyst, o iba pang pagbara sa ejaculatory duct, maaari itong magdulot ng tuyong orgasmo dahil hindi makakalabas ang semilya dahil sa bara.

Ilang mga medikasyon – mga medikasyon para sa altapresyon, nanlaking prostate, at iba pang para sa sikolohikal na isyu ay maaaring makaapekto sa kakayahan ng isang tao na makapagbulalas.

Pagkasira ng mga nerves – ang pagkasira ng mga nerves dahil sa mga kondisyon kagaya ng diabetes, iba-ibang sclerosis, o pinsala sa spinal cord ay maaaring makaapekto sa kakayahang makapagbulalas.

Pagsusuri

Kadalasan, ang tuyong orgasmo ay hindi kinakailangan ng medikal na atensyon, lalo na kung dulot lang ito ng paulit-ulit na pagbulalas. Pero, mabuting kausapin ang iyong doktor upang makasigurado sa kung ano ang nagdudulot nito.

Habang sinusuri, ang iyong doktor ay magtatanong tungkol sa mga sintomas mo. Maaaring may pagsusuring pisikal rin na gawin sa lugar ng iyong ari, kasama ang prostate, ari, at puwit. Maaari ring magsagawa ng pagsusuri sa iyong ihi upang makatulong sa paghahanap ng sanhi nito.

Paggamot

Ang paggagamot sa mismong tuyong orgasmo ay hindi posible, pero ang pagpapagaling sa nagdudulott nito ay maaaring makapigil sa pagkakaranas ng tuyong orgasmo sa hinaharap. Ang pangangasiwa ng posibleng nakatagong sakit ay may magandang dulot sa iyo, at ang pagpapagaling ng tuyong orgasmo ay maaaring positibong epekto lang habang ginagamot ito.

Halimbawa, kung ang orgasmo ay dulot ng ilang mga medikasyon, ang iyong doktor ay maaaring magbigay ng ibang uri ng medikasyon, na maaaring magresolba ng problema. 


Pero, para sa mga nakaranas ng operasyon tulad ng pag-alis ng parte ng kanilang prostate, ang tuyong orgasmo ay maaaring hindi na mapagaling.

Kung ikaw naman ay sumusubok na magkaroon ng anak sa iyong kapareha, makipag-ugnayan sa iyong doktor upang malaman ang mga pwedeng gamot para maresolba ang tuyong orgasmo, o kaya’y alternatibong paraan upang mabuntis ang iyong kapareha. 

Ang tuyong orgasmo ay hindi naman gaanong kailangan ng atensyong medikal lalo na kung ito’y pansamantala o wala kang balak na magka-anak. Pero mabuti pa ring magpakounsulta sa iyong doktor upang malaman kung ano ang nagdudulot nito.

Ang patuloy na tuyong orgasmo ay maaaring makaapekto sa kakayahang magka-anak sa natural na paraan, pero may ibang paraan pa rin para makabuntis. Tandaan din na may ilang mga tao ang maaaring makapagpalabas pa din nang kaunting sperm cells na maaaring magresulta sa hindi planadong pagbubuntis.

Pinanggalingan

https://www.medicalnewstoday.com/articles/325757

https://www.mayoclinic.org/symptoms/dry-orgasm/basics/definition/sym-20050906

https://www.healthline.com/health/mens-health/dry-orgasm

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon