fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ano Mangyayari Kung Matagal Ako Hindi Nakipagtalik (O Hindi Na Talaga)

dry spell

Habang marami ang puwedeng dahilan bakit pinili ng mga tao makipagtalik, marami rin ang dahilan kung bakit ang ilan ay hindi nakikipagtalik. Mabuting makipagtalik, pero mabuti rin ang HINDI pakikipagtalik. Walang mas malamang sa kanilang dalawa.

Maaaring narinig mo na ang iba’t ibang benepisyong makukuha sa pagtatalik. Siguro natanong mo na rin sa sarili mo, “ano na kaya mangyayari sa katawan ko kapag matagal na akong hindi nakikipagtalik? O paano kung hindi na talaga!?” Huwag kang mag-alala! Hindi ito malubha. Narito ang ilang maliliit na bagay na maaaring maranasan ng iyong katawan mo kapag matagal na hindi nakapagtalik.

Ano mangyayari sa aking katawan?

Resistensya

Nakakapagpalakas sa resistensya ang regular na pagtatatalik para makatulong protektahan ang katawan sa mga sakit. Posibleng mas madalas magkaroon ng sipon, trangkaso, at ibang pang sakit kapag mas bihira o hindi nakikipagtalik. Ipinakita ng isang saliksik na ang mga estudyante sa kolehiyo na nakikipagtalik isa o dalawang beses kada linggo ay may mas mataas na antas ng immunoglobulin A sa kanilang katawan. Ang antibody na ito ay napakahalaga sa iyong resistensya.

Kalusugan ng cardiovascular

Magandang klase ng ehersisyo ang pagtatalik dahil napapalakas nito ang puso, nakakababa sa presyon ng dugo, nakakabawas sa stress, nakakabawas sa panganib ng atake sa puso, at nakakabuti sa tulog. Hindi agad ibig sabihin na lagot na ang iyong kalusugan ng cardiovascular kapag hindi ka regular na nakikipagtalik. May iba’t ibang ehersisyo na nakakapagbigay rin sa iyo ng parehong benepisyo (at ang masturbesyon ay isa na rito).

Pwerta

Habang mas matagal kang walang pakikipagtalik, mas magiging hindi komportable ito sa susunod. Ninipis ang balat sa loob ng pwerta, at mas matagal itong mapupukaw at mamamasa-masa. Maaaring makasanhi ito sa maliliit na sugat at pagdurugo habang nagtatalik.

Pananakit ng puson

Para sa ilang babae, magandang lunas para sa pananakit ng puson ang pakikipagtalik. Ang hormong endorphins na pinapakawalan ng katawan habang nagtatalik at ang pagpulso ng matris kapag nag-orgasmo ay nakakatulong mapuksa ang pananakit ng puson. Kung hindi ka makakapagtalik para mabawasan ang pananakit, puwede ka namang magmasturbeyt.

Kanser sa prosteyt

Maaaring may koneksyon ang dalas mong makipagtalik at ang tsansa mo na magkaroon ng kanser sa prosteyt. Ngunit, sinasaliksik pa ng mga eksperto kung matibay ba ang ebidensya na sila ay talagang may ugnayan. Sayon sa isang pag-aaral, ang mga lalaki na nagsabing sila ay nagbubulalas higit sa 21 beses sa loob ng isang buwan ay karaniwang may mas mababang tsansa magkaroon ng kanser sa prosteyt, kumpara sa mga lalaki na apat hanggang pitong beses lamang.

Ano mangyayari sa aking kalusugang pangkaisipan?

Stress at pagkabalisa

Nagpapakawala ng mga oxytocin at endorhpins ang iyong katawan tuwing nakikipagtalik. Ang mga hormon na ito ay nakakatulong sa iyo makontrol ang stress, habang ang oxytocin ay nakakatulong rin na mapahimbing ang iyong tulog. Kapag hindi nakikipagtalik, mas bihira nang pakawalan ng mga katawan mo ang mga hormon na ito.

Libido

Kapag madalas makipagtalik, tumataas rin ang iyong libido at interes sa seks. Maaaring tuluyang mawala ang interes mo sa seks kapag matagal kang hindi nakikipagtalik.

Anong mangyayari sa aming relasyon?

Karamihan sa mga magkarelasyon ay nakikipagtalik dahil ito ang kanilang paraan para mapalapit sa isa’t isa. Nakakatulong rin nito na mapabuti ang komunikasyon sa pagitan ng magkarelasyon. Sa kabuuan, ang mga magkarelasyon na mas madalas magtalik ay mas masaya at mas matibay ang koneksyon, kumpara sa mga hindi kasing dalas o hindi talaga nagtatalik.

May ibang mga magkarelasyon na pakiramdam nila na hindi sila konektado o mas madalas sila ma-stress sa isa’t isa. Sa kanilang dako, may mga magkarelasyon naman na gumagawa ng ibang aktibidad tulad ng malalim na usapan, dahil hindi sila interesado magtalik o hindi nila ito prioridad.

Paano ko makukuha ang mga benepisyo ng seks nang hindi nakikipagtalik?

Kung wala kang partner, maaari ka namang magmasturbeyt. Makukuha mo pa rin naman ang mga benepisyo ng seks sa pamamagitan ng masturbesyon, tulad ng pagpapalakas sa resistensya, kalusugan ng cardiovascular, at kalusugan ng prosteyt, mapanatiling malusog ang pwerta, at mapuksa ang pananakit ng puson tuwing nireregla. Kahit walang partner, magpapakawala pa rin ng oxytocin at endorphins ang katawan habang masturbesyon.

Mga benepisyo ng hindi pakikipagtalik

Habang may mga positibong epekto ang pagtatalik sa iyong kalusugan, mag mga benepisyo rin ang hindi pakikipagtalik. Ang ilang dito ay:

  • Hindi kailangan mag-alala sa pag-iwas sa pagbubuntis
  • Mas mababa ang tsansa magkaroon ng urinary tract infection (UTI)
  • Hindi kailangan mag-alala sa mga sexually transmitted infection (STI)
  • Mas makikilala mo ang sarili
  • Mas may oras at kalayaan ka para sa sarili mo at sa mga nais mong gawin

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/healthy-sex/stop-having-sex-long-time

https://flo.health/menstrual-cycle/sex/sexual-health/what-happens-when-you-stop-having-sex

https://www.webmd.com/sex/stop-having-sex-health#1

https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/is-sex-dangerous-if-you-have-heart-disease

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon