Para sa mga babae, may ilang mga bagay na nangyayari habang ang pagpukaw na sekswal na nag-uumpisa sa utak ay nakadaragdag ng daloy ng dugo sa ari. Ang ari ay nagiging basa, na senyales na ang katawan ay naghahanda na para magtalik. Dahil sa tumaas na daloy ng dugo, ang klitoris ay tumitigas at namamaga nang bahagya, at nagiging mas kita at mas sensitibo sa paghawak. Habang nagpapatuloy at tumataas ang pagpukaw na sekswal, ang labas ng ari ay humihigpit, at ang pagbukas ay lumiliit. Habang papalapit ang babae na maabot ang orgasmo, ang klitoris ay lalong nagiging sensitibo at umaatras, kaya nagiging mas tago.
Akala ng ilang tao na ang mga lalake lamang nakakaranas ng orgasmo, ngunit ang mga babae ay tiyak na nakakaranas rin! Ang orgasmo ng mga babae ay hindi nga lang lantad gaya sa mga lalake, at ang mga babae ay maaari o hindi maaari magpakawala ng likido kapag naabot ang orgasmo, hindi tulad ng mga lalake. Ang orgasmo ay isang serye ng 3 hanggang 15 paghigpit ng mga kalamnan sa paligid ng ari na nagiging sanhi na makaramdam ng matinding galak ang isang babae. Bagaman ang pagtalik ay karaniwang ginagamit ang ari ng babae, 25 porsyento lamang ng mga kababaihan ang palaging naaabot ang orgasmo mula sa pagpukaw o paghawak ng ari. Para sa karamihan ng mga babae, nangangailangan ng ilang paraan ng pagpukaw ng klitoris o ng clitoral area para maabot ang orgasmo. Tandaan, ang klitoris ay may konsentrasyon ng mga 8,000 dulo ng nerbiyo—higit pa sa anumang bahagi ng katawan sa isang lalaki o babae. Ang pagpukaw sa bahaging ito ng katawan ay maaaring maging sanhi ng lubos na sarap at galak!
Mga pinagmulan:
https://www.webmd.com/sex-relationships/features/sexual-response-cycle#1
https://www.psychologytoday.com/intl/blog/all-about-sex/200903/the-most-important-sexual-statistic