fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Anong Kontraseptibo Ang Makakabawas Sa Pananakit Ng Puson?

menstruation, cramps, family planning, reproductive health, oral contraceptive pills, injectables

Ang dysmenorrhea, o ang medical term para sa pananakit ng puson, ay nararanasan bago reglahin o habang nireregla. Minsan, napakasakit nito, na mahihirapan ka talaga kumilos o bumangon — kaya maraming ‘di natutuwa pag nireregla!

Ang pananakit ng puson ay dulot ng prostaglandins. Ito ay isang hormone na may kinalaman sa mga physiological process sa iyong katawan, kasama ang pain levels at pamamaga.

Ang panloob na uterine lining ay naglilikha ng prostaglandins para hikayatin ang mga uterine muscles na mag-contract. Ito’y nakakatulong sa paglusaw ng kumapal na uterine lining at paglabas nito ng katawan bilang regla. Pero kapag masyadong marami ang nalikhang prostaglandins ng matres, makakaranas ka ng dysmenorrhea.

Para sa ilan, nakakatulong ang regular na pag-eehersisyo, pagligo gamit ang mainit na tubig, at paggamit ng warm compress sa pagbawas sa pananakit ng puson. May iba rin naman na umiinom ng ibuprofen para makabawas sa sakit.

Ngunit, may mga pagkakataon talaga na ‘di sapat ang mga ‘to para sa mga taong nakakaranas ng sobra-sobrang pananakit ng puson — dito na papasok ang mga hormonal contraceptives!

Mga hormonal contraceptive pills para sa pagbawas ng pananakit ng puson

Ang mga hormonal contraceptive pills — partikular ang mga combination pills — ay madaling gamitin at napakabisa sa pag-iwas sa pagbubuntis. Pero maliban sa proteksyon, nakakahatid rin ito ng iba pang mga benepisyo, gaya ng pagginhawa sa pananakit ng puson.

Ang mga combination pills ay naglalaman ng parehong estrogen at progestin, at nakakahadlang sa paglikha ng prostaglandin. Samakatuwid, nakakatulong ‘to as pagbawas sa pananakit ng puson.

At kapag tama at tuloy-tuloy mong inumin ang pills para sa dysmenorrhea, may posibilidad na ‘di ka na talaga dadatnan ng regla; sa gayon, ‘di mo na rin mararanasan ang pananakit ng puson.

Tandaan na hindi masama kung ‘di ka datnan ng regla dahil sa paggamit ng kontraseptibo. Wala itong malubhang epekto sa kalusugan, at hindi “maiipon” ang regla sa loob ng matres.

Huling paalala

Kung nakakaranas ka ng dysmenorrhea na ‘di naiibsan ng ibuprofen o iba pang mga home remedies, kumonsulta sa ‘yong doktor para malaman kung makakabuti sa’yo ang paggamit ng mga oral contraceptive pills.

Mga pinagmulan:

https://www.webmd.com/women/qa/can-birth-control-pills-help-stop-menstrual-cramps

https://www.verywellhealth.com/dysmenorrhea-treatment-using-birth-control-pills-906489

https://kidshealth.org/en/teens/cramps.html

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon