fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Apat Na Bagay Na Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Pampadulas

lube, water-based lubricant, ez lubricating jelly, reproductive health, family planning
Kapag iniisip ng tao ang pagtatalik, hindi karaniwang naiisip kaagad ang pampadulas.

Maaaring gumagamit ng condom o ibang uri ng kontraseptibo, ngunit alam mo ba na ang dagdag na pampadulas ay maaaring baguhin ang inyong pagtalik? Ang katawan ay gumagawa ng likas na pampadulas, ngunit maraming mga benepisyo at dahilan para magdagdag pa ng pampadulas sa inyong pagtatalik. Narito ang apat na pangunahing mga bagay na dapat malaman tungkol sa pampadulas.

Mayroong tatlong pangunahing uri: silicone, gawa sa tubig (water-based), at gawa sa langis (oil based).

Ang mga pampadulas na gawa sa tubig ay madaling mahanap, abot-kaya, at ligtas na gamitin sa mga condom. Ang uri na ito ay banayad sa balat, madaling malinis, at hindi nagiging sanhi ng anumang mga mantsa sa mga damit o mga sapin ng kama. Ang tanging kahinaan ng mga gawa sa tubig na pampadulas ay maaari itong matuyo nang mas mabilis kaysa sa iba pang mga uri; ngunit maaari mo itong masolusyonan kaagad sa pamamagitan lamang ng pagdaragdag ng ilang patak nito upang mabasa uli.

Ang pampadulas na silicone ay ligtas na magamit sa mga latex na condom, at napakalambot ng pakiramdam. Ang mga pampadulas na silicone ay karaniwang mas mahal at mahirap na mahanap sa Pilipinas. Kadalasan ay mas matagal silang nananatiling basa kaysa sa pampadulas na gawa sa tubig, at hindi gaanong malagkit. Gayunpaman, ang silicone ay mas mahirap ding hugasan mula sa katawan, damit o sapin.

Ang mga pampadulas na gawa sa langis ay ginagawang mas komportable at senswal ang balat-sa-balat na ugnayan. Gayunpaman, ang mga pampadulas na gawa sa langis ay hindi ligtas na gamitin sa mga condom dahil nagiging mas madaling masira ang condom. Maaari ring gumamit ng langis ng niyog o ng oliba bilang mga pampadulas na gawa sa langis. Tandaan na ang paggamit ng mga langis at pampadulas na gawa sa langis ay maaaring mag-iwan ng mantsa sa damit at sapin, at maging mahirap hugasan.

Ginagawang mas ligtas ng pampadulas ang pagtatalik.

Kapag ang mga babae ay napukaw, ang mga gilid ng ari ay nagsisimulang  bumuka at gumawa ng likas na pampadulas na malinaw at walang amoy. Binabawasan nito ang kiskisan at pangangati kapag nagtatalik. Gayunpaman, ang dami ng pampadulas na ginagawa ng isang babae ay nakasalalay sa iba’t ibang mga kadahilanan, kabilang ang kung gaano karaming tubig ang nainom niya, kung siya ay gumagamit ng ilang mga uri ng gamot, kung pagod siya, kung mas matagal para sa kanya mapukaw, o kung ganito talaga gumagana ang kanyang katawan. Ang kakulangan ng pampadulas sa panahon ng pagtalik ay maaaring maging sanhi ng mga sugat sa ari ng babae, na makirot, hindi komportable, at maaaring gawin siyang mas madaling kapitan ng mga STI. Habang ang ilang mga babae ay gumagawa ng higit sa sapat na likas na pampadulas upang mapanatiling komportable ang pagtatalik, maraming iba pang mga mag-asawa ang makikinabang mula sa dagdag na pampadulas, lalo na para sa mas matagal na mga sesyon.

Kung gumagamit ng condom, inirerekumenda na magdagdag ng ilang patak ng pampadulas na gawa sa tubig sa loob at labas ng condom. Kahit na ang mga condom ay may pampadulas na, ang dagdag na pampadulas ay kadalasang kinakailangan dahil ang iba ay natatanggal habang nagtatalik. Ang kakulangan ng dulas ay maaaring sanhi ng labis na kiskisan at pagsira ng condom. Ang dagdag na pampadulas ay maaari ring makadagdag sa sarap ng pagtatalik ng iyong kasosyo.

Ang pampadulas ay para sa lahat.

Ang pampadulas ay madalas na naiisip bilang isang bagay na kinakailangan lang ng mga matatandang mag-asawa o bilang gamot para sa mga babaeng nakakaranas ng pagkatuyo sa ari. Ngunit, nililimitahan nito ang mga positibong bagay na maaaring makabuti sa maraming tao. Ang katotohanan ay kahit sinong tao ay gumagamit ng pampadulas para sa iba’t ibang mga dahilan, at walang masama doon.

Nagiging mas mabuti ang pagtatalik dahil sa pampadulas, at maaaring magamit ng mga taong kahit ano ang edad at sekswalidad. Maaari itong magamit sa panahon ng vaginal o anal sex, o sabayang pagbati (mutual masturbation). Maaari rin itong magamit sa panahon ng foreplay upang makatulong na mapasigla at mapukaw ang katawan.

Ang labis na pampadulas ay hindi mabuti.

Kaya, kung ang pampadulas ay napaka-gandang gamitin, mas mabuti ang marami, hindi ba? Mali! Bagaman ang hindi sapat na pampadulas ang nagiging sanhi ng labis na pagkikiskisan at iritasyon, ang sobra-sobra na pampadulas ay maaaring gawing nakaka-inip ang pagtatalik dahil binabawasan nito ang pakiramdam at tindi ng kasiyahan. Ilang patak lamang ang idagdag, at kung napasobra, huwag kang mag-alala dahil pwede namang punasan gamit ang tuwalya.

Pinagmulan:

https://www.bedsider.org/features/976-5-myths-about-lube-busted

https://www.health.com/sexual-health/how-to-use-lube-for-better-sex

Please follow and like us:

4 thoughts on “Apat Na Bagay Na Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Pampadulas

  1. Pwede ba maglagay/magpahid ng coconut oil or baby oil sa mismong ari ng lalaki at ipapasok na sa ari ng babae? I mean safe ba yun na mkapasok sa loob ng ari ng babae?

    1. Hi Vina! Maaaring magsanhi sa iritasyon at pangangati ng ari ang coconut oil o baby oil. Ang mainam na gamitin na pampadulas ay ang water-based gaya ng EZ Lubricating Jelly kung nais niyo gamitin ito sa pagpasok sa ari ng babae.

      1. Hindi po mabuting gumamit ng mga DIY lubricant o gamit sa bahay dahil hindi po ginawa ang mga ito para sa ari o sa pagtatalik. Malaki po ang tsansa na magkaroon ng iritasyon o impeksyon kapag DIY lubricant o gamit sa bahay lang ang gagamitin.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon