fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Bakit ako masyadong nag-iinit? – Mga dapat mong malaman tungkol sa mataas na libido

Ang libido ay ang tawag sa pangkalahatang pananabik, emosyon, at mental na lakas sa pagsali sa mga sekswal na aktibidad. Ito’y madalas na naapektuhan ng tatlong kadahilanan: biyolohikal, sikolohikal, at pakikipagkapwa.

Mahirap sabihin kung ano ang normal na lebel ng libido dahil nag-iiba ito sa kada tao. Pero, mayroong masasabing mataas at mababang libido.

Ano ang masasabing “masyadong mataas”?

Kahit na maaaring ipagsawalang-bahala mo lang ang mataas na libido bilang isang bagay na madaling “magamot” gamit ang pagsasagawa ng mas maraming sekswal na aktibidad kaysa normal, maaaring maging problema ito kapag pakiramdam mo ay wala ka nang kontrol.

May kondisyong tinatawag na hypersexuality o pagkawala ng kontrol sa pag-uugaling sekswal. Ang mga senyales ng pagkakaroon ng hypersexuality ay:

  • Sekswal na pag-uugaling nakakaapekto na ng negatibo sa ibang aspeto ng iyong buhay tulad ng trabaho, kalusugan, relasyon, at iba pa.
  • Pagiging masikreto tungkol sa iyong sekswal na aktibidad.
  • Pagiging masyadong depende sa iyong sekswal na aktibidad.
  • Sinubukang pigilan o limitahan ang dami ng sekswal na aktibidad pero hindi nagtagumpay.
  • Paggamit ng mga sekswal na aktibidad bilang pagtakas sa mga problema.
  • Hindi nakukuntento kapag pinalitan ang sekswal na aktibidad ng ibang uri ng gawain.

Kung ikaw ay nasa isang relasyon, ang pagkakaroon ng masyadong mataas na libido ay maaaring magdulot ng problema, lalo na kung hindi kayo pantay ng lebel ng libido ng iyong kapareha.

Sanhi ng mataas na libido

Walang masasabing tiyak na sanhi ang pagkakaroon ng mataas na libido, pero, maraming mga bagay ang nakakaapekto sa libido ng isang tao. Kabilang dito ang:

  • Edad – naapektuhan nito ang pagbabago sa mga hormon sa isang tao, at ang mga hormon ay patuloy na maapektuhan ang libido ng isang tao sa buhay nila, maging sa mabuti o masama.
  • Kasiglahang pisikal – ang mas malulusog at may malalakas na pangangatawan na tao ay mas madalas na makikisali sa mga sekswal na aktibidad at mage-enjoy sa mga orgasmo.
  • Kasiglahang mental – ang lebel ng stress ay nakakaapekto sa libido. May ilang makakaramdam ng mababang pananabik na sekswal, samantalang ang iba’y maaaring maghanap nito bilang pampawala ng stress.
  • Relasyon – ang pagkakaroon ng sekswal na karelasyon ay maaaring magpataas ng sekswal na pananabik ng isang tao.
  • Gamot – may ilang mga medikasyon ang nakakaapekto sa mga hormon, na nagreresulta sa pagbabago ng libido.
  • Alkohol at mga inaabusong droga – ang alkohol ay kilala bilang nagpapataas ng libido sa maikling panahon, ngunit maaaring makabawas sa performance, sekswal na pagkapukaw, at kasiyahan sa matagal na panahon. May ilang droga rin na nakakapagpataas ng sekswal na pananabik.

Pagpapababa ng libido

Kung ikaw ay nangangambang masyadong mataas ang iyong libido kaysa sa normal, may mga paraan upang mabawasan ito. Ang sekswal na pagnanasa ay masyadong personal at ang paghahanap ng tulong para rito ay maaaring hindi ganoon kadali, pero tandaan na hindi ka nag-iisa at may tamang paggamot para sa iyo.

Ito ang ilan sa mga maaaring makatulong sa iyong isyung sekswal:

  • Therapy – isang counselor o psychiatrist ang maaaring makatulong sa iyong mailabas ang iyong iniisip, emosyon, at mga pagnanasa, at maaaring makatulong para maisayos mo ito.
  • Pagkaabalahan ang ibang bagay na iyong kinasisiyahan – maaari itong makatulong na mailipat ang iyong lakas sa ibang bagay na malayo sa mga sekswal na aktibidad.
  • Unawain ang iyong relasyon – ang pagpapantay ng iyong libido sa iyong kapareha ay maaaring mahirap sa simula at maaaring magdulot ng isyu kung yayainaayain mo siyang makipagtalik. Subukang gumawa muna ng ibang bagay na magpapakitang pinapahalagahan mo sila bago mag-ayang makipagtalik, para may mas malaking tsansang sumang-ayon sila.
  • Medikasyon – Kung walang gumana, kumounsulta sa iyong doktor tungkol sa iba pang uri ng paggagamot. May ilang mga medikasyon ang makakatulong sa pagpapababa ng libido.

Ang mataas na libido ay hindi gaanong malaking isyu basta’t ang taong mayroon nito ay marunong kontrolin ang kanilang pagnanasa. Ang pamumuhay nang mayroon nito ay hindi gaanong alalahanin, basta’t hindi pa nakaapekto sa ibang aspeto ng kanilang buhay.  Ang mga isyung sekswal ay mareresolba at tandaan na palaging pwedeng makakuha ng tulong sa mga propesyonal.

Pinagmulan:

https://www.medicalnewstoday.com/articles/why-am-i-so-horny#how-to-lower-libido

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/compulsive-sexual-behavior/symptoms-causes/syc-20360434

https://www.healthline.com/health/high-libido

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon