fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

Breakthrough Bleeding While On The Pills

Ang breakthrough bleeding ay hindi normal na pagdurugo na nangyayari sa pagitan ng mga regla. Ito ay karaniwang nangyayari sa mga unang buwan ng paggamit ng oral contraceptive pills. Maaari rin itong sanhi ng pagpalit sa ibang kontraseptibo o pills na may ibang dosis ng estrogen.

Mga Sanhi

Mga sanhi ng breakthrough bleeding habang nagpipills ay hindi laging tukoy. Maaaring kailanganin lamang ng iyong katawan ng kaunting panahon para umakma sa mga hormon sa pills.

Mas malaki ang tsansang makaranas ng breakthrough bleeding kung ika’y:

  • May nakaligtaang pill
  • Nagsimula uminom ng ibang gamot. Ang ilang mga antibyotiko at suplemento ay maaaring makagambala sa pills
  • Nakakaranas ng pagsusuka o pagtatae, na pumipigil sa bisa ng pills
  • Nagsisigarilyo

Anong gagawin

Ang hindi inaasahang pagdurugo na dulot ng mga pills ay karaniwang bumabawas sa paglipas ng panahon. Sa ngayon, dapat mong:

  • Ipagpatuloy ang pag-inom ng pills ayon sa direksyon. Ang breakthrough bleeding ay hindi nangangahulugan na ang pills o kontraseptibo ay hindi epektibo. Ang posibilidad ng pagbubuntis ay mababa rin kung palagian at tama ang paggamit mo ng pills. Kung ititigil mo ang paggamit nito, ang iyong tsansa na magkaroon ng hindi planadong pagbubuntis ay mataas. Maaari kang sumailalim sa pregnancy test kung may nakaligtaan pill o nakakaranas ka ng anumang mga sintomas ng pagbubuntis.
  • Obserbahan ang pagdurugo. Ang pagsubaybay nito sa isang talaarawan o kalendaryo ay makakatulong sa iyo na matukoy kung bumababa ito.
  • Isaalang-alang ang pagtigil sa paninigarilyo. Ang mga naninigarilyo ay may mas mataas na tsansa na makaranas ng breakthrough bleeding. Ang paninigarilyo ay nagdudulot din ng mas maraming mga panganib sa kalusugan habang gumagamit ng pills. Tanungin ang iyong doktor kung ano ang maaari mong gawin tungkol dito.

Kailan pupunta sa doktor

Ang breakthrough bleeding habang gumagamit ng pills ay pangkaraniwan, ngunit maaaring sanhi ito ng isang kondisyon.

Inirerekumenda na makita agad ang iyong doktor kung tumatagal ito ng higit sa pitong araw na magkakasunod, ang pagdurugo ay dumadami o lumalala, o nagdudulot ito ng sakit sa iyong puson o balakang. Susuriin ng doktor ang sitwasyon at magrerekumenda kung ano ang maaari mong gawin depende sa mga natuklasan.

Mga pinagmulan:

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/birth-control/expert-answers/seasonale-side-effects/faq-20058109

https://www.healthline.com/health/womens-health/breakthrough-bleeding-on-the-pill#duration

Please follow and like us:

33 thoughts on “Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

  1. Gud day po! Ask ko lng po,ng mgtake po ako ng trust pills nung feb 11 2021 tpos ng do pa kmi ng bf ko itong Feb 21,2021 bkit po ganun habang ng dodo kmi ni bf bgla pong may malakas na dugo na umagos saakin di nman ako buntis ska di pa dpat po ako dadatnan ask ko lng normal po bayun? Kc po dati Ang gamit kong pills eh althea mga last year gamit ko huminto po ako ng 7 mos,tpos ngpalit po ako itong taon ng trust pills.pero dinudugo po ako pg ng do do kmi ni bf. Sna po may mksagot salamat po

    1. Hi, Lyn! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo. Basahin po ito: https://doitright.ph/tl/pagdurugo-pagkatapos-ng-pagtalik/

      Mabibili ang EZ Lubricating Jelly sa pangunahing botika at convenience store. Maaari mo rin ito mabili online!
      Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/trust-philippines-1524467118/
      Shopee: https://shopee.ph/trust.premiere.ez

  2. Hello po , Pang 2 days ko na pong dinudugo ,sa maghapon po wala namang lumalabas sa Umaga lang po ako dinudugo , Last day po kasi nakaligtaan ko umiinom which is Feb. 14 so uminom ako ng 2 pills ng Febb15 Then nag DO po kame ng hubby ko gabe din ng hndi ako nakainom ng Pills At kinaumagahan po nun , After po nun Feb 16 nkalimutan ko nnaman po uminom kinaumagahan po ngayon ng feb 17 may ksamang Dugo sa ihi ko Normal lang ba ito ? Dati ksi kahit nakakalimutan ko uminom walang Bleeding na nangyayare ngayon lang . FEB 16 Din po Nag PT ako NEGATIVE naman po.. THEN Minsan sobrang sakit papo ng Tagiliran , tyan at balakang ko…

    1. Hi, Joan! Lalo po kayong makakaranas ng spotting dahil sa palaging paglimot at paiba-ibang paginom ng pills. Mainam po na inumin ito nang tama para makaadjust nang husto ang inyong katawan, matigil ang spotting, at para lubos ka na maprotektahan kapag nakipagtalik.

  3. hi, ask ko lang po pangalawang take ko na nang pills, yun 2nd pills na tinake ko nasa ika 15tablet na ako tapos bigla maylumabas na dugo sa akin pero konti lang ok lang po ba iyon?

  4. Hi po! Ask kolang last period kopo nung jan.2-5 pagkatapos kong reglahin hindi pa ako nag take ng pills .mga 9 sa jan.pa ako nag umpisa mag take ng pills ! Pagdating jan.26 niregla na ako .at nasa 3rd row white ones! Paako .tapos hindi kona pinag patuloy kahit hindi pa naubos ang pills…tanong kolang po .mayposibilidad bang buntis ako?

    1. Hi, Marie Chan! Bakit po hindi tuloy-tuloy ang inyong paginom ng pills? Isa ito sa posibleng dahilan kung bakit hindi regular ang inyong pagregla. Dahil po hindi tuloy-tuloy ang inyong paginom, maaari po kayong mabuntis kung nagtalik sa mga araw o malapit sa mga araw na hindi uminom ng pills.

  5. Hi po, good evening, tanong ko lang po, normal po ba pag hindi ako dinudugo peru gumagamit ako ng pill o yung Trust Pill po gina gamit ko, kasi po yung una kong gamit yong trust pill dalawang pakiti na po naubos ko at ikatlong pakiti po yung galing sa health center yung binibigay lang at pagkaubos po non bumalik na ako sa trust pill na pag gamit,, worry po kasi ako ngayong buwan hindi po pa kasi ako dinuduho.

    1. Hi, Jon Marinie! Kapag po tama at tuloy-tuloy ang paginom ng pills, puwedeng datnan o hindi datnan ng regla. Normal po ito, walang kailangan ikabahala, at wala po itong masamang epekto sa katawan.

  6. hi po ask ko lng po..nagkaroon pok kasi ako nung january 6,then january 14 nagstart po ako magpills,pero ngayon po january 25 may mens n nmn po ako…normal po b un?ititgil ko n po b yung pills…matafal n po akong nagpipills pero ngyon lng ngyari ang ganito…tnx po

  7. Hello po good morning tanung ko lang po, last jan. 4-8 nag ka mean po ako. bali pag 8 nag stop na talaga ang spot. yung 8 din po nag do kami ni bf. di po ako nagtake ng pills. Bali pag 10-11 nag do po ulit. pero nag take po ako nang pills jan.11,12,13 stop po ako 14 nalimotan ko din 15-16. Pag 17 po nag do ulit po kami pasok po lahat. din nag take din po ako ng isang pills that night. Jan.18-22 wala pong ganap nag stop din po ako mag take ng pills tapos ngayun 23 po nagkaruun ako ng means. bakit po ganun? pangalawa na ito na means ngayung jan. expected ko na means next month pa feb.4 or 6. Anu po ito dok , normal lang po ba ito?

    1. Hi, Jay! Paalala lang po na HINDI kami mga doktor. Isang posibleng sanhi po nito ay ang hindi tama na paginom ng pills. Dapat po tuloy-tuloy at walang nilalaktawan na araw. At dahil po hindi po tama ang inyong paginom ng pills, hindi rin po lubos na mapoprotektahan ka mula sa pagbubuntis.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon