fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

Breakthrough Bleeding While On The Pills

Ang breakthrough bleeding ay hindi normal na pagdurugo na nangyayari sa pagitan ng mga regla. Ito ay karaniwang nangyayari sa mga unang buwan ng paggamit ng oral contraceptive pills. Maaari rin itong sanhi ng pagpalit sa ibang kontraseptibo o pills na may ibang dosis ng estrogen.

Mga Sanhi

Mga sanhi ng breakthrough bleeding habang nagpipills ay hindi laging tukoy. Maaaring kailanganin lamang ng iyong katawan ng kaunting panahon para umakma sa mga hormon sa pills.

Mas malaki ang tsansang makaranas ng breakthrough bleeding kung ika’y:

  • May nakaligtaang pill
  • Nagsimula uminom ng ibang gamot. Ang ilang mga antibyotiko at suplemento ay maaaring makagambala sa pills
  • Nakakaranas ng pagsusuka o pagtatae, na pumipigil sa bisa ng pills
  • Nagsisigarilyo

Anong gagawin

Ang hindi inaasahang pagdurugo na dulot ng mga pills ay karaniwang bumabawas sa paglipas ng panahon. Sa ngayon, dapat mong:

  • Ipagpatuloy ang pag-inom ng pills ayon sa direksyon. Ang breakthrough bleeding ay hindi nangangahulugan na ang pills o kontraseptibo ay hindi epektibo. Ang posibilidad ng pagbubuntis ay mababa rin kung palagian at tama ang paggamit mo ng pills. Kung ititigil mo ang paggamit nito, ang iyong tsansa na magkaroon ng hindi planadong pagbubuntis ay mataas. Maaari kang sumailalim sa pregnancy test kung may nakaligtaan pill o nakakaranas ka ng anumang mga sintomas ng pagbubuntis.
  • Obserbahan ang pagdurugo. Ang pagsubaybay nito sa isang talaarawan o kalendaryo ay makakatulong sa iyo na matukoy kung bumababa ito.
  • Isaalang-alang ang pagtigil sa paninigarilyo. Ang mga naninigarilyo ay may mas mataas na tsansa na makaranas ng breakthrough bleeding. Ang paninigarilyo ay nagdudulot din ng mas maraming mga panganib sa kalusugan habang gumagamit ng pills. Tanungin ang iyong doktor kung ano ang maaari mong gawin tungkol dito.

Kailan pupunta sa doktor

Ang breakthrough bleeding habang gumagamit ng pills ay pangkaraniwan, ngunit maaaring sanhi ito ng isang kondisyon.

Inirerekumenda na makita agad ang iyong doktor kung tumatagal ito ng higit sa pitong araw na magkakasunod, ang pagdurugo ay dumadami o lumalala, o nagdudulot ito ng sakit sa iyong puson o balakang. Susuriin ng doktor ang sitwasyon at magrerekumenda kung ano ang maaari mong gawin depende sa mga natuklasan.

Mga pinagmulan:

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/birth-control/expert-answers/seasonale-side-effects/faq-20058109

https://www.healthline.com/health/womens-health/breakthrough-bleeding-on-the-pill#duration

Please follow and like us:

177 thoughts on “Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

  1. Good morning po ,nais ko po sanang malamn kong ano po dapat kung gawin halos nakalahti na po aku sa pagttake ng pills ngayun araw na ito bigla po kasi akung nag karoon ng dalaw na hindi pa nmn sana araw ng dalaw ko .ano po ba ggawin ko babalik aku sa panibagong inom or cont ku prin un unang box ng lady pills ko hannmgang sa matalos ku ito

    1. Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Ito ay dahil nag-a-adjust ang iyong katawan sa pagbabago ng mga antas ng hormones. Pansamantala lang ito at mawawala rin kapag nakapag-adjust na ang iyong mga hormones, na kadalasang nangyayari sa loob ng tatlong buwan. Ipagpatuloy lang po ang paginom ng pills.

    1. Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo. Basahin po ito: https://doitright.ph/tl/pagdurugo-pagkatapos-ng-pagtalik/

      Mabibili ang EZ Lubricating Jelly sa pangunahing botika at convenience store. Maaari mo rin ito mabili online!
      Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/trust-philippines-1524467118/
      Shopee: https://shopee.ph/trust.premiere.ez

    1. Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo. Basahin po ito: https://doitright.ph/tl/pagdurugo-pagkatapos-ng-pagtalik/

      Mabibili ang EZ Lubricating Jelly sa pangunahing botika at convenience store. Maaari mo rin ito mabili online!
      Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/trust-philippines-1524467118/
      Shopee: https://shopee.ph/trust.premiere.ez

  2. Hello po, ask ko lng po if normal lng po na kahit wla akong nkaligtaang pills eh nag spotting po ako? mahigit 1 year and 9 months po akong gumagamit ng Daphne pills galing nung nagka baby ako. Last month lng po ako dinatnat then this month nag spotting ako. Safe padin po ba yun?

  3. Bakit po ganon wala naman palya yung pag inom ko ng pills nung pang no. 9 ko na nag spotting ako at masakit balakang ko.. ok lang po ba yun? Ano po dapat gawin ko 😔

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon