fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

Breakthrough Bleeding While On The Pills

Ang breakthrough bleeding ay hindi normal na pagdurugo na nangyayari sa pagitan ng mga regla. Ito ay karaniwang nangyayari sa mga unang buwan ng paggamit ng oral contraceptive pills. Maaari rin itong sanhi ng pagpalit sa ibang kontraseptibo o pills na may ibang dosis ng estrogen.

Mga Sanhi

Mga sanhi ng breakthrough bleeding habang nagpipills ay hindi laging tukoy. Maaaring kailanganin lamang ng iyong katawan ng kaunting panahon para umakma sa mga hormon sa pills.

Mas malaki ang tsansang makaranas ng breakthrough bleeding kung ika’y:

  • May nakaligtaang pill
  • Nagsimula uminom ng ibang gamot. Ang ilang mga antibyotiko at suplemento ay maaaring makagambala sa pills
  • Nakakaranas ng pagsusuka o pagtatae, na pumipigil sa bisa ng pills
  • Nagsisigarilyo

Anong gagawin

Ang hindi inaasahang pagdurugo na dulot ng mga pills ay karaniwang bumabawas sa paglipas ng panahon. Sa ngayon, dapat mong:

  • Ipagpatuloy ang pag-inom ng pills ayon sa direksyon. Ang breakthrough bleeding ay hindi nangangahulugan na ang pills o kontraseptibo ay hindi epektibo. Ang posibilidad ng pagbubuntis ay mababa rin kung palagian at tama ang paggamit mo ng pills. Kung ititigil mo ang paggamit nito, ang iyong tsansa na magkaroon ng hindi planadong pagbubuntis ay mataas. Maaari kang sumailalim sa pregnancy test kung may nakaligtaan pill o nakakaranas ka ng anumang mga sintomas ng pagbubuntis.
  • Obserbahan ang pagdurugo. Ang pagsubaybay nito sa isang talaarawan o kalendaryo ay makakatulong sa iyo na matukoy kung bumababa ito.
  • Isaalang-alang ang pagtigil sa paninigarilyo. Ang mga naninigarilyo ay may mas mataas na tsansa na makaranas ng breakthrough bleeding. Ang paninigarilyo ay nagdudulot din ng mas maraming mga panganib sa kalusugan habang gumagamit ng pills. Tanungin ang iyong doktor kung ano ang maaari mong gawin tungkol dito.

Kailan pupunta sa doktor

Ang breakthrough bleeding habang gumagamit ng pills ay pangkaraniwan, ngunit maaaring sanhi ito ng isang kondisyon.

Inirerekumenda na makita agad ang iyong doktor kung tumatagal ito ng higit sa pitong araw na magkakasunod, ang pagdurugo ay dumadami o lumalala, o nagdudulot ito ng sakit sa iyong puson o balakang. Susuriin ng doktor ang sitwasyon at magrerekumenda kung ano ang maaari mong gawin depende sa mga natuklasan.

Mga pinagmulan:

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/birth-control/expert-answers/seasonale-side-effects/faq-20058109

https://www.healthline.com/health/womens-health/breakthrough-bleeding-on-the-pill#duration

Please follow and like us:

177 thoughts on “Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

  1. Paano po kung nagkaroon po kayo ng intercourse at tinigil ang pills kasi gusto mo na mabuntis? 5 days na po ako hindi nainom ng pills, then ngayon po dinugo ako.. ano po ibig sabihin nito?

  2. ask ko lang po ni regla po ako ng marvh 20-25 , March 25 nag take ako ng pills at inistop ko agad sya kasi pinipimple ako 5 days na ako nag stop april 3 ni regla agad ako .. bakit po ang bilis ko reglahin 10days palang nakakalipas nag karoon agad ako normal lang po ba yun?

    1. Hi, Jendy! Isa sa maaaring dahilan nito ay ang pagsimula at biglang pagtigil ng paginom ng pills. Ang katawan mo ay nagaadjust at naninibago sa biglang paggamit at pagtigil ng pills.

  3. goodeve po doc ako po c rea.bakit po dinudugo ako habang may pills pa ako nkaka 10days palng po ako ng inom ng Althea Pills ngulat po ako dinudugo po ako ng spot spot , nung January nitong taon ininom ko Provera pinainom po ng OB ko. tas ngayon po febuary hindi ako niregla kaya Bumili po ako ng Althea pills na Dati ko ng din inom Year 2019..hindi po kasi pwede bumili ng Provera sa Mercury ng Walang Reseta eh. kaya Althea Pills po binili ko para kahit walang Reseta makabili ako,,paano po gagawin Sakit po sobra ng Puson ko.. At nagpaultrasound po ako Left And Right Ovary Ko may PCOS.. salamat po s sagot doc..

    1. Hi, Russel! Paalala lang po na HINDI kami mga doktor. Isa sa posibleng sanhi ng spotting ay ang breakthrough bleeding nga po, na karaniwang nangyayari dahil ang iyong katawan ay nagaadjust pa sa pills. Kusang mawawala rin naman po ito basta tama at tuloy-tuloy ang paginom ng pills.

  4. Hi po. Im Christine, medyo may pag dugo po ako bahid lang pero di ko pa po natatapos ung pills ko meron pa po 2 tablets normal lang po ba to? Dati po kasi di naman ako ganito e. Nung naubos ko na po 2 tablets pahinga 7 days bahid bahid pa din po ung dugo na lumabas sakin.

  5. Hello po ako si yumi, first time po akong gumamit ng dapne pills..beastfeed po kasi ako, 2 weeks na po akong gumagamit nito. Nabahala lng po ako kasi, after two weeks kng paggamit nagkaroon aga ako nga bleeding at nalilito po ako kng habang nableed po ba dapat tuooy pa tin ang pag inom ng pills? At normal ong po ba ang bleed na ito? Or regla.

  6. hi po, huminto po ako uminom ng pills ng 2months, ngayon po nagstart ako ulit uminom nung march19(unang araw ng mens. ko) pero nagtataka po ako hanggang ngayon ay nagdudugo padin po ako., natural po b ito? kasi po ang usually tagal lng po ng menstration ko ay 5days. patulong naman po. maraming salamat.

      1. normal po bang reglahin while taking pills. 15 days napo ako umiinom and 3rd day konapo nag bebleed. Nunf first day po sumakit puson ko and balakang ko. Should i be worry po ba or mag pa consult or hayaan ko lang po. Sana po masagot thank you.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon