fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

Breakthrough Bleeding While On The Pills

Ang breakthrough bleeding ay hindi normal na pagdurugo na nangyayari sa pagitan ng mga regla. Ito ay karaniwang nangyayari sa mga unang buwan ng paggamit ng oral contraceptive pills. Maaari rin itong sanhi ng pagpalit sa ibang kontraseptibo o pills na may ibang dosis ng estrogen.

Mga Sanhi

Mga sanhi ng breakthrough bleeding habang nagpipills ay hindi laging tukoy. Maaaring kailanganin lamang ng iyong katawan ng kaunting panahon para umakma sa mga hormon sa pills.

Mas malaki ang tsansang makaranas ng breakthrough bleeding kung ika’y:

  • May nakaligtaang pill
  • Nagsimula uminom ng ibang gamot. Ang ilang mga antibyotiko at suplemento ay maaaring makagambala sa pills
  • Nakakaranas ng pagsusuka o pagtatae, na pumipigil sa bisa ng pills
  • Nagsisigarilyo

Anong gagawin

Ang hindi inaasahang pagdurugo na dulot ng mga pills ay karaniwang bumabawas sa paglipas ng panahon. Sa ngayon, dapat mong:

  • Ipagpatuloy ang pag-inom ng pills ayon sa direksyon. Ang breakthrough bleeding ay hindi nangangahulugan na ang pills o kontraseptibo ay hindi epektibo. Ang posibilidad ng pagbubuntis ay mababa rin kung palagian at tama ang paggamit mo ng pills. Kung ititigil mo ang paggamit nito, ang iyong tsansa na magkaroon ng hindi planadong pagbubuntis ay mataas. Maaari kang sumailalim sa pregnancy test kung may nakaligtaan pill o nakakaranas ka ng anumang mga sintomas ng pagbubuntis.
  • Obserbahan ang pagdurugo. Ang pagsubaybay nito sa isang talaarawan o kalendaryo ay makakatulong sa iyo na matukoy kung bumababa ito.
  • Isaalang-alang ang pagtigil sa paninigarilyo. Ang mga naninigarilyo ay may mas mataas na tsansa na makaranas ng breakthrough bleeding. Ang paninigarilyo ay nagdudulot din ng mas maraming mga panganib sa kalusugan habang gumagamit ng pills. Tanungin ang iyong doktor kung ano ang maaari mong gawin tungkol dito.

Kailan pupunta sa doktor

Ang breakthrough bleeding habang gumagamit ng pills ay pangkaraniwan, ngunit maaaring sanhi ito ng isang kondisyon.

Inirerekumenda na makita agad ang iyong doktor kung tumatagal ito ng higit sa pitong araw na magkakasunod, ang pagdurugo ay dumadami o lumalala, o nagdudulot ito ng sakit sa iyong puson o balakang. Susuriin ng doktor ang sitwasyon at magrerekumenda kung ano ang maaari mong gawin depende sa mga natuklasan.

Mga pinagmulan:

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/birth-control/expert-answers/seasonale-side-effects/faq-20058109

https://www.healthline.com/health/womens-health/breakthrough-bleeding-on-the-pill#duration

Please follow and like us:

177 thoughts on “Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

  1. hello po, inumpisahan ko pong mag pills, mga 2 weeks pagkatapos nang aking regla. 8 days palang akong uminom ay nagkaregla na ako ulit, ang tanong ko patuloy ko pa bang inumin ang pills ko ayon sa pagkasunod sunod nito?

  2. Hi po morning nagpipills po ako pero po nakalimutan kopo makainom ng 3 araw tapos po dinugo po ako pero uminom po ako pero tuloy parin ung pag dugo okay lang po ba yun
    ***

  3. hello po kakapanganak ko lang po nung march 31 and naka isang buwan na po ko mahigit apos po may 5 po ako nag pills ngayon po pinag papatuloy ko then nag karoon po ako ng bleeding hindi nama po madami. Posible po bang regla ko na po ito? Salamat po

  4. Hello po
    I started taking ladyPills po last may 1,2021 at dahil na missed ko po itake ng 3 days hindi ko nlng ipinagpatuloy ang pag inum..at nitong May 06, 2021 ng bleeding po ako yung labas ng dugo katulad lng na normal menstruation ko. Okay lng po ba ito hinto ng tuloyan ang pag inim ng ladypills po? No contact nman. At normal ba ito maaga ako ng bleed? Thank you & stay safe po

  5. hello po. umiinom po ako ng lady pills at pang 25th day ko na sa pag inom. instead na menstrual bleeding e spotting lang ang nangyari sakin? ano po kayang posibleng dahilan? nag pt po ako ng ngaun at nrgative ang result? salamat po sa pagtugon ❤️

    1. Hi, Margareth! Normal pong datnan, ‘di datnan, o magspotting lang kapag tama at tuloy-tuloy ang paginom ng pills. Walang kailangan ikabahala at wala po itong malubhang epekto sa kalusugan.

  6. hi po niregla po ako ng april 3, nag umpisa na ko mag take ng pills. karaniwan na regla ko po 5days lang pero hanggang ngayon may lumalabas pa rin po baket po kaya medyo natatakot nako kase first time ko po, not realy first time dati nag diane ako pero matagal ng panahon yun ok naman siya pero laging may dugo na lumlabas di naman masyado madame hmm ?

    1. Hi, Donna! Nagaadjust pa ang iyong katawan sa pills kaya siguro nakakaranas ka ng pagdurugo. Kusang mawawala rin naman po ito basta tama at tuloy-tuloy ang paginom ng pills.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon