fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Breast Asymmetry: Hindi Pantay Na Mga Suso

Breast Asymmetry

Kapag hindi pantay ang mga susuo, breast asymmetry ang tawag dito. Ibig sabihin nito magkaiba ang laki o hugis ng mga suso, kaya hindi pantay ang kanilang itsura.

Napakakaraniwan ng breast asymmetry, at kadalasang normal lang ito. Maraming babae rin ang mayroong mga suso na may kaunting pagkakaiba sa laki, hugis, at posisyon. Karamihan sa mga dahilan nito ay walang kailangan ikabahala.

breast asymmetry
Image: https://www.breastaugmentation101.com/what-is-breast-asymmetry/

Sanhi

Pagdadalaga, pagbabago sa mga hormon, at kondisyon ay ilan sa mga karaniwang dahilan kung bakit nagiiba sa laki o hugis ang mga suso.

Kadalasan hindi sabay ang bilis ng paglaki ng mga suso kapag nagdadalaga, at maaaring maging hindi pantay hanggang matapos lumaki. Pwede rin silang manatiling magkaiba ang hugis at laki sa buhay ng isang babae.

Ang mga pagbabago sa hormon ay posibleng dahilan rin ng mga pagbabago sa isa, o parehong suso. Halimbawa:

  • Sa ilang mga pagkakataon sa siklo ng regla. Ang mga suso ay kadalasang nagbabago sa panahon ng obulasyon, at tila mas siksik at sensitibo. Pagpapanatili ng tubig sa katawan at pagtaas ng daloy ng dugo ay maaaring gawing mukhang mas malaki ang mga suso, pero kusa rin itong babalik sa normal na laki kapag niregla na.
  • Habang o papalapit sa menopos.
  • Habang buntis o nagpapasuso ng sanggol.
  • Kapag gumagamit ng kontraseptibong hormonal (ngunit hindi lahat ng babae ay makakaranas ng pagbabago sa mga suso).

Mga pagbabago sa mga suso sanhi ng mga hormon ay kusang babalik sa normal. Ilan pang posibleng pagbabago ay parang lawlaw o bukul-bukol ang mga suso. Kung nakakaranas ka ng mga pagbabao at napansin mong hindi ito bumalik sa normal, mainam na bumisita na sa doktor para masuri at malaman kung ano ang sanhi.

May ilang mga kondisyon rin na nagreresulta sa mga pagbabago sa laki at hugis ng mga suso, gaya ng:

  • Gigantomastia, kung saan labis ang paglaki ng mga suso.
  • Tubular breasts, kung saan ang mga suso ay hugis habilog, patusok, kwadrado, o “lawlaw.”
  • Amastia o amazia, kung saan hindi nabuo ang suso o utong.
  • Poland syndrome, kung saan ang mga kalamnan sa dibdib at napapaligid na parte sa isang hati ng katawan ay hindi nabubuo nang maayos.
Diagrammatic comparison of tuberous and normal breasts
Image: https://parenting.firstcry.com/articles/breastfeeding-with-hypoplastic-tubular-breasts/

Anong gagawin

Ang pagkonsulta sa doktor tungkol sa mga pagbabagong nararanasan mo ay makakatulong malaman kung normal ba ito o sanhi ng isang kondisyon. Baka ipasailalim ka sa ilang mga pagsusuri, tulad ng mammogram, breast ultrasound, breast MRI, o biopsy, depende sa unang pagsusuri ng doktor para mas makita nang malapitan ang laman at tisyu ng mga suso.

Konklusyon

Ang breast asymmetry ay karaniwang nararanasan ng mga babae, at hindi agad nangangahulugan na mataas ang iyong panganib na magkaroon ng kanser sa suso. Higit pang saliksik ang kinakailangan para malaman kung mayroon bang direktang ugnayan ang dalawa. May ilang mga pag-aaral na nagpapakita na ang mga babaeng may kanser sa suso ay mas malaki at halata ang breast asymmetry na sinamahan rin ng iba pang posibleng dagdag sa panganib tulad ng edad at pagmamana, kumpara sa mga babae na walang kanser.

Kung mayroong kapamilya na nagkaroon ng kanser sa suso o nakakaranas ng kakaibang pagbabago sa mga suso, mabuting magpunta sa doktor para magpasuri.

Mga pinagmulan:

https://www.medicalnewstoday.com/articles/321823.php#outlook

https://www.healthline.com/health/breast-asymmetry#causes

Please follow and like us:

44 thoughts on “Breast Asymmetry: Hindi Pantay Na Mga Suso

  1. Hello po. Nagpapa breadstfeed po ako, then yung kaliwa kong dede biglang ang lakas po ng tagas ng gatas ko hanggang lumiit po sya as in nag flat po sya pero pag pinipisat ko naman may lumalabas na kunting gatas. Pero yung kanan kong breast is lumaki ng kunti then grabe kung mag produce ng gatas, halos hindi sila nagpantay. Ask ko lang po kung babalik pa sa dati yung isa kong dede? If hindi na po ako nag papabreastfeed babalik po ba ulit ito?

  2. Hi po, 15 palang po ako mas malaki po yung left breat ko kaysa sa right tapos po nasakit minsan ano pong pwedeng gawin?

  3. hi po thelma licawin pa ask ko lang hindi ko alam kung normal o hindi kasi matagal ko na siya nakakapa mag sasampung taon na nga ata kasi pag nakahiga po ako parang may bukol ako nakakapa bandang kilikili sa may laman ng dede pag tinulak mo siya natutulak namn pero pag nakaupo or nakatayo wala namn po siya akala ko kasi ung pag sakit ng dede ko ehsa regla lang…wala po namn nag babago sa dede ko ngayon ko lang po siya bjnigyan pansin kasi feel ko normal naman siya parang laman lang kasi siya pag hinawakan ung parang sa bagong panganak na namumuo ang gatas

  4. Hello po hindi din po pantay ang suso ko mas malaki po ang kanan kesa sa kaliwa. Halos 1 taon palang po ako nastop sa pagpapadede normal lang po ba ito at babalik din po b ito sa dati?

  5. Hi po im 17 years old at hindi po pantay ang suso ko, mas maliit po sa right aide ko ano po bang dapat gawin para mag pantay ito

    1. Hi, Jecel! Tulad nga po ng inyong nabasa dito, normal ito at walang kailangan ikabahala kung wala namang sintomas na nararanasan. Kung nais pumantay ang mga suso, operasyon po ang kailangan niyo para dito.

  6. hi po im razel ask kulang po malaki po ung kanang suso ko dati ko p po alm n hnd po tlg pantay ung suso ko pero ngayong 31 na ako at 7 years n nagamit ng contraceptive may connection po b un s pag gamit ko ng pills??parang mas halata na po n mas malaki ung kanang suso ko kesa noon?levonorgestrel,ethinylestradiol ang gamit kong pills sa center po nmin sya binigay..nararamdaman ko po na masakit ung dalawa kong utong at lalo n pag nagbbra pero kapag walang bra ok naman po ung pakiramdam ko..sana po matulungan nyo ako salamat po,and God bless you po..
    p.s never pa po ako komunsulta s mga health center un lang po.

    1. Hi, Eya! Gaya nga po ng inyong nabasa sa artikulong ito, normal pong hindi pantay ang mga suso lalo na kapag nagdadalaga. Pero para sa kirot na inyong nararanasan, mainam po na ikonsulta na ito kaagad sa OB/GYN o malapit na health center para masuri kung ano ang sanhi at kung kailangan ba ng paggamot.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon