fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Breast Asymmetry: Hindi Pantay Na Mga Suso

Breast Asymmetry

Kapag hindi pantay ang mga susuo, breast asymmetry ang tawag dito. Ibig sabihin nito magkaiba ang laki o hugis ng mga suso, kaya hindi pantay ang kanilang itsura.

Napakakaraniwan ng breast asymmetry, at kadalasang normal lang ito. Maraming babae rin ang mayroong mga suso na may kaunting pagkakaiba sa laki, hugis, at posisyon. Karamihan sa mga dahilan nito ay walang kailangan ikabahala.

breast asymmetry
Image: https://www.breastaugmentation101.com/what-is-breast-asymmetry/

Sanhi

Pagdadalaga, pagbabago sa mga hormon, at kondisyon ay ilan sa mga karaniwang dahilan kung bakit nagiiba sa laki o hugis ang mga suso.

Kadalasan hindi sabay ang bilis ng paglaki ng mga suso kapag nagdadalaga, at maaaring maging hindi pantay hanggang matapos lumaki. Pwede rin silang manatiling magkaiba ang hugis at laki sa buhay ng isang babae.

Ang mga pagbabago sa hormon ay posibleng dahilan rin ng mga pagbabago sa isa, o parehong suso. Halimbawa:

  • Sa ilang mga pagkakataon sa siklo ng regla. Ang mga suso ay kadalasang nagbabago sa panahon ng obulasyon, at tila mas siksik at sensitibo. Pagpapanatili ng tubig sa katawan at pagtaas ng daloy ng dugo ay maaaring gawing mukhang mas malaki ang mga suso, pero kusa rin itong babalik sa normal na laki kapag niregla na.
  • Habang o papalapit sa menopos.
  • Habang buntis o nagpapasuso ng sanggol.
  • Kapag gumagamit ng kontraseptibong hormonal (ngunit hindi lahat ng babae ay makakaranas ng pagbabago sa mga suso).

Mga pagbabago sa mga suso sanhi ng mga hormon ay kusang babalik sa normal. Ilan pang posibleng pagbabago ay parang lawlaw o bukul-bukol ang mga suso. Kung nakakaranas ka ng mga pagbabao at napansin mong hindi ito bumalik sa normal, mainam na bumisita na sa doktor para masuri at malaman kung ano ang sanhi.

May ilang mga kondisyon rin na nagreresulta sa mga pagbabago sa laki at hugis ng mga suso, gaya ng:

  • Gigantomastia, kung saan labis ang paglaki ng mga suso.
  • Tubular breasts, kung saan ang mga suso ay hugis habilog, patusok, kwadrado, o “lawlaw.”
  • Amastia o amazia, kung saan hindi nabuo ang suso o utong.
  • Poland syndrome, kung saan ang mga kalamnan sa dibdib at napapaligid na parte sa isang hati ng katawan ay hindi nabubuo nang maayos.
Diagrammatic comparison of tuberous and normal breasts
Image: https://parenting.firstcry.com/articles/breastfeeding-with-hypoplastic-tubular-breasts/

Anong gagawin

Ang pagkonsulta sa doktor tungkol sa mga pagbabagong nararanasan mo ay makakatulong malaman kung normal ba ito o sanhi ng isang kondisyon. Baka ipasailalim ka sa ilang mga pagsusuri, tulad ng mammogram, breast ultrasound, breast MRI, o biopsy, depende sa unang pagsusuri ng doktor para mas makita nang malapitan ang laman at tisyu ng mga suso.

Konklusyon

Ang breast asymmetry ay karaniwang nararanasan ng mga babae, at hindi agad nangangahulugan na mataas ang iyong panganib na magkaroon ng kanser sa suso. Higit pang saliksik ang kinakailangan para malaman kung mayroon bang direktang ugnayan ang dalawa. May ilang mga pag-aaral na nagpapakita na ang mga babaeng may kanser sa suso ay mas malaki at halata ang breast asymmetry na sinamahan rin ng iba pang posibleng dagdag sa panganib tulad ng edad at pagmamana, kumpara sa mga babae na walang kanser.

Kung mayroong kapamilya na nagkaroon ng kanser sa suso o nakakaranas ng kakaibang pagbabago sa mga suso, mabuting magpunta sa doktor para magpasuri.

Mga pinagmulan:

https://www.medicalnewstoday.com/articles/321823.php#outlook

https://www.healthline.com/health/breast-asymmetry#causes

Please follow and like us:

48 thoughts on “Breast Asymmetry: Hindi Pantay Na Mga Suso

  1. Hi po.. normal naman po ung boobs ko simula nung niregla po ako,pero habang lumalaki po ako napapansin k0 po na parang hindi po pantay ang boobs ko hanggang ngayon na 22 years old ako.. sumasakit din po ito minsan

    1. Hi Lyka! Gaya nga po ng nabasa mo sa artikulong ito, normal na hindi pantay ang dibdib. Pero dahil nakakaramadam ka ng pananakit, mainam na magpasuri sa doktor para malaman kung mayroon ka bang kondisyon na nagsasanhi nito.

  2. good pm po.. tanung ko lang po.. kasi po nde pantay ang suso ko.. nag aalala po ako.. pero every year po ng papatingin ako sa center ngpapapopsmer po ako sabay din po ng pagpapatingin sa suso ko.. sabi po okei naman wala naman daw pong bukol.. pero nde po sila pantay.. sana po matulungan nyo ako.. 29 year old pa lang po ako.. may asawa at isang anak.. pills po ang gamit ko.. maraming salamat po sa sagot..

    1. Hi Rosel! Gaya nga po ng inyong nabasa sa artikulong ito, normal ito at karaniwan sa mga babae. Kung sinabi na rin naman pala ng doktor na okay ka at walang kondisyon, walang kailangan ikabahala sa hindi pantay na mga suso.

  3. Ano tawag sa mag kaiba ang itsura ng utong. Yung isa(left) po parang nag lamya di tulad sa isa(right) na normal lang po. Tsaka masakit din po sya ngayon lang naranasan. Di tulad ng mga dating dalaw ko normal lang po. Ano po kayang dahilan neto?

    1. Hi Shabi! May ilang mga kondisyon na nagsasanhi sa pagbabago as suso at utong, tulad ng breast cancer. May ibang sintomas pa po bang nararanasan? Kung tumagal, lumala, o nagkaroon pa ng kakaibang sintomas, mainam na magpasuri na kaagad sa doktor.

  4. Normal poba ung pamangkin kona seven years old tas ung kaliwang dibdib niya sa may nipple is namamaga then parang may bukol tas masakit pag hinawakan part poba un ng puberty stage? Thankyou po.

  5. Breastfeeding mom po ako, ang dibdib ko po ay Hindi parehas Ng sukat ang isa ay malaki na matigas ang isa maliit pero malambot. Ano po Kaya ang dahilan at ano ang lunas upang bumalik sa dating size ang asking dibdib? Salamat po sa inyong itutugon.

    1. Hi Grace! Dahil po kayo ay kasalukuyang breastfeeding, normal pong makaranas ng mga pagbabago sa inyong dibdib dahil likas na lumilikha ito ng gatas para sa inyong sanggol. Kusa rin naman po itong babalik sa dati kapag hindi na po kayo nagbebreastfeed.

  6. Bakit po kaya sumasakit ang suso? Delay po kase ako ng isang bwan sa pagreregla ngayon ko lang po naranasan na sumakit ng ganito yung suso ko? Ano po kayang dahilan nito?

    1. Hi Melanie! Maraming posibleng sanhi ng iyong nararanasan. Mabuting magpasuri sa doktor para malaman ang sanhi at mapayuhan kung mangangailangan ba ng paggamot.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon