fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Dirty Talk 101

Ang “dirty talk” o ang pakikipag-usap nang mapaglaro at sekswal ay isang mapusok na paraan para pagandahin ang pakikipagtalik. Pwede rin itong maging epektibong paraan upang pabilibin ang iyong partner kung first time niyo pa lamang magse-sexy time. Pero maaari rin itong maging katakot-takot kung hindi ka pa sanay o kung hindi mo pa ito nagagawa. Huwag kang mag-alala! Nandito kami para tulungan ka.

Una sa lahat: mahalagang maging open-minded bago natin talakayin ang topic na ito. Tandaan sana nating walang masama sa dirty talk, pero may mga importanteng bagay na dapat tandaan para magawa ito nang tama.

Kailangan ang Pahintulot at Komunikasyon. 

Bago ka sumabak sa sex talk, kailangang siguraduhing may pahintulot kang simulan ito. Ang consent o pahintulot ay mahalaga para matiyak na matutuwa kayong pareho sa dirty talk (at sa marami pang ibang bagay.) Masama ang pagkilos nang walang consent!

Kailangang siguraduhin na okay lang sa partner na makipag-dirty talk. Mainam na magkaroon kayong dalawa ng isang open na pag-uusap tungkol sa mga preference o kagustuhan ninyo. Sundan niyo ang mga tips namin sa pag-uusap tungkol sa sex. Kailangan niyong respetuhin ang boundaries ng isa’t-isa. Tandaan nating consensual at kasiya-siya dapat ang dirty talk at pakikipagtalik para sa lahat ng tao.

Magdahan-dahan Muna at Palakasin ang Kumpiyansa.

Kung wala ka pang experience sa dirty talking, makabubuting dahan-dahanin mo lang muna at sanayin ang sarili. Magsimula ka sa mga simpleng salita at magpakita ng pagpapahalaga.

  • “Ang sexy mo.”
  • “Ang sarap niyan.”
  • “Gusto ko ‘yan.”

Magbigay ka ng komento tungkol sa itsura ni babe o tungkol sa mga ginagawa niya. Ang pagsasabi na natutuwa ka ay maaaring makatulak sa kanya na galingan pa lalo.

Kung ikaw naman ang gumagalaw, makakatulong magbigay ng mga katanungan para lalo mong malaman pa’no dapat pasiyahin si partner sa kama.

  • “Gusto mo ba ‘to?”
  • “Gusto mo bang bilisan ko pa?”
  • “Ano’ng gusto mong gawin ko sa’yo?”

Habang tumatagal at mas lalo kang nasasanay, maaari mong subukang gumamit ng mas explicit o mas matalas na pananalita sa iyong sex talk.

Mag-explore ng Iba’t-Ibang Uri ng Dirty Talk at Alamin Kung ano ang Gusto mo.

Isa pang tip ang pagtuklas sa kung anong uri ng dirty talk ang nakaka-turn on sa’yo at sa partner mo. May mga taong gusto ng sweet at sensual na lenggwahe, habang may iba namang natutuwa sa direkta o malaswang sex talk. Mainam na mag-experiment para malaman kung ano ang magugustuhan niyo ni babe.

Walang “tamang” paraan ng pag-dirty talk. Basta’t makahanap kayo ng tipo ng dirty talk na ikinatutuwa niyo, okay na ‘yun.

Pansinin mo ang Reaksyon ng Partner mo.

Importanteng bigyan ng pansin ang reaksyon ng iyong partner sa mga bagay na sinasabi’t ginagawa mo. Hindi lahat ng tao ay komportable sa dirty talk, at may mga bagay na maaaring off-limits talaga para sa partner mo. (Kaya higit na nakakatulong ang consent at komunikasyon.)

Ang pagpansin sa reaksyon ni babe, at ang pag-adjust kung kinakailangan ay mga bagay na dapat lamang gawin sa kama at sa marami pang ibang bagay.

Gamitin Niyo Ito Para Pagandahin ang Sekswal na Koneksyon Niyo.

Ang dirty talk ay pwedeng maging epektibong paraan para palakasin ang sekswal na koneksyon ng dalawang tao. Maaari itong makatulong sa pagbunyag ng inyong mga ninanasa. At pwede rin itong tumungo sa pagkakaroon ng mga masarap na karanasan sa kama.

Para lubos na mapatibay ang koneksyon niyo ng iyong partner, makakatulong ang pag-focus sa mga positibong aspeto ng inyong pagtatalik o pagsasama, at gumamit ng lenggwahe na makapagbibigay-lakas sa isa’t-isa. ‘Wag kalimutang may respeto dapat na kabilang sa dirty talk.

Subukan Niyong Mag-Sexting!

Walang nagsasabing ang dirty talk ay pwede lamang gawin nang harap-harapan! Ibig sabihin, pwedeng-pwede pa rin kayong mag-sex talk kahit na hindi kayo pisikal na magkasama, at may tinatawag tayong sexting na maari niyong gawin.

Sa mga hindi nakakaalam, ang sexting ay “sexy texting” at ito’y isang paraan ng pagkiliti sa isip ng isang tao sa pamamagitan ng pagsasagawa ng dirty talk sa text. Pwede ring mag-send ng pics at mga video, siyempre.

Isa itong magandang paraan para mapanatili ang init ng relasyon at mahasa ang kakayahan mong makipag-dirty talk. Maaari ka rin nitong pasabikin para sa susunod na F2F encounter niyo ni babe. ‘Wag kalimutan ang consent!

Gaya ng sa maraming bagay, ang pag-practice ay makakatulong sa paghasa ng iyong kakahayang makipag-dirty talk. Walang masama kung hindi mo alam kung ano ang sasabihin sa mga unang pagkakataong susubukan mo ito. Ang mahalaga ay maging komportable kang gawin ito at matuwa kayo ni babe.

Tandaan nating ang dirty talk ay masaya at kapana-panabik dapat na paraan para maging mas malupit ang sexy time, at hindi dapat ito gawin para mambastos. Sa pagsunod sa mga tips, maaari mong gawing mas intense at mas mapusok ang iyong mga karanasan sa kama kasama si babe. ‘Wag kang mahiya at tingnan mo kung pa’no mapapaganda ng dirty talk ang iyong sex life!

Pinagmulan:

  • Engle, G., Zane, Z., & Strong, R. (2022, December 5). The beginner’s guide to talking dirty in bed. Men’s Health. Kinuha noong Abril 25, 2023, mula sa https://bit.ly/3ArvhDC
Please follow and like us:

One thought on “Dirty Talk 101

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon