fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Emerhensyang Kontrasepsyon

Yuzpe Method Emergency Contraception

Sa Isang Tingin:

  • Ang mga pildoras ay maaaring magamit bilang emerhensyang kontrasepsyon pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik upang mabawasan ang tsansang mabuntis.
  • Dapat lamang gamitin pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik, kung ang isa pang paraan ng kontraseptibo ay nabigo, o kung walang ginamit na kontraseptibo.
  • Ang paggamit ng mga pildoras sa Yuzpe Method ay hindi garantisadong kasing bisa ng araw-araw na pag-inom ng mga pildoras bilang regular na pamamaraan ng kontrasepsyon.
  • Ang mga pildoras ay maaaring hanggang sa 88 porsyentong epektibo kung ginamit sa loob ng 72 oras (tatlong araw) pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik.

Ano Ito

Ang emerhensyang kontrasepsyon ay binabawasan ang tsansa ng isang babae na mabuntis kung gagamitin sa loob ng unang ilang araw pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik. Dapat itong gamitin bilang huling paraan lamang kung ang iba pang mga paraan ng kontrasepsyon ay nabigo o hindi ginamit sa panahon ng hindi planadong pagtalik.

Nais mo siyang gamitin kung:

  • Walang kontrasepsyon ginamit
  • Mali ang paggamit sa kontraseptibo
  • Tama ang paggamit sa kontraseptibo pero agad ring napansin na nabigo ito
  • Nasira, nadulas, o mali ang paggamit sa condom
  • Tatlo o higit pang combined oral contraceptive pills ang sunod-sunod na nakaligtaan
  • Lumagpas na sa tatlong oras mula sa karaniwang oras ng paginom ng progestin-only pill
  • Nabigo ang withdrawal at nagbulalas sa loob ng puwerta o sa ari

Ang Yuzpe Method

Sa Pilipinas, ang mga pang-araw-araw na mga kontraseptibong pildoras ay maaaring magamit bilang emerhensyang kontrasepsyon sa isang partikular na paraan. Ang Yuzpe Method ay pumipigil sa pagbubuntis bago pa ito mangyari; ito ay isang backup na plano lamang, at hindi dapat gamitin bilang isang regular na pamamaraan ng kontrasepsyon. Kung nais gamiting ang mga pildoras bilang regular na uri ng kontrasepsyon, kumunsulta sa tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan para mapayuhan. Ipagbigay-alam sa tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan kung ginawa ang Yuzpe Method.

Paano Ito Gumagana

Ang pagbubuntis ay hindi nangyayari agad-agad pagkatapos ng pagtalik, kaya posible pa rin ito maiwasan pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik. Tandaan: maaari itong tumagal nang hanggang pitong araw para magsanib ang semilya at selulang itlog pagkatapos ng pagtalik.

Pinipigilan ng mga pildoras ang pagsanib ng semilya sa selulang itlog at magresulta sa pagbubuntis sa pamamagitan ng paglabas ng malaking dosis ng mga hormon na estrogen at progestin sa katawan. Sa pamamagitang ito, ang selulang itlog ay napipigilang umalis ng obaryo at maglakbay sa matris para sa pertilisasyon.

Ang mga pildoras ay nakakapagpababa ng tsansa na mangyari ang isang pagbubuntis kung ginamit sa loob ng unang ilang araw pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik; gayunpaman, laki ng pagbaba sa tsansang mangyari ay depende sa kung gaano kaaga nainom ang pildoras pagkatapos ng insidente, at sa kung anong parte na ng siklo ng regla ang babae kapag ininom niya ito. Mas malaki ang tsansa na mangyari ang pagbubuntis kapag ang siklo ng regla ng babae ay na sa ikalawa o ikatlong linggo na; kung kaya ang bisa ng mga EC na pildoras ay hindi ganap. Ito ang dahilan kung bakit mas mabuti pa rin na gumamit ng isang normal na pamamaraan na kontraseptibo, tulad ng condom o pang-araw-araw na kontraseptibong pildoras.

Paano Gamitin Ito

Gawing ang Yuzpe Method sa lalong madaling panahon pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik. Bagaman mababawasan nito ang panganib ng pagbubuntis kung ininom sa loob ng 72 oras pagkatapos ng insidente, mas mabisa ito kapag ininom nang mas maaga.

Uminom ng apat (4) na Ethinyl Estradiol 30mcg/Levonorgestrel 150mcg, Ethinyl Estradiol 30mcg/Levonorgestrel 125mcg, or Ethinyl Estradiol 30mcg/Norgestrel 300mcg pills sa lalong madaling panahon. Sundan muli ito ng isa pang dosis ng apat na pills pagkatapos ng 12 oras. Sa kabuuan, dapat makainom ka ng walong pills.

Source: Family Planning Handbook 2018 & MIMS

Kung nagsuka sa loob ng dalawang oras pagkatapos inumin ang alin man sa dosis, kailangan ulitin ang paginom ng dosis na iyon. Tandaan, ang pag-inom nang mas maaga, ay mas mabuti.

Normal para sa iyong susunod na regla na maiba mula sa normal pagkatapos gumamit ng emerhensyang kontraseptibo.

  • maaaring mas matagal o mas maagang dumating
  • maaaring mas mabigat, mas magaan, mas maraming bahid, o gaya lang ng normal.

Maaaring makaramdam ng pagkahilo at pagsusuka pagkatapos uminom ng pildoras.

Mga Positibo

  • Maaaring mapigilan ang pagbubuntis pagkatapos ng hindi protektado, hindi planado, at hindi hinahangad na pagtalik.
  • Mapapatahimik at pag-iisip at mababawasan ang pagkabahala kaysa sa walang ginagawa.
  • Madaling gamitin.

Mga Negatibo

  • Maaaring magdulot ng pagduduwal, panghihina, pagkahilo at pagsuka.
  • Maaaring magdulot ng pamamaga ng suso, hindi regular na pagdurugo, pagkahilo, pananakit ng ulo (panandalian lamang), at pansamantalang pagbabago sa regla
  • Mas mataas ang tsansa na maiiwasan ang hindi planadong pagbubuntis kung mas maaga magawa ang Yuzpe Method pagkatapos ng insidente ng pagtatalik nang walang proteksyon. Karaniwan, mabisa ito 72 oras pagkatapos ng insidente. Lagpas nito, hindi masisigurong mabisa ang proteksyon nito.

Mga pinagmulan:

Department of Health. The Philippine Clinical Standards Manual on Family Planning (2014 Edition). Manila, Philippines: DOH. 2014. Pp231-239

https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/emergency-contraception

https://www.fphandbook.org/chapter-3-emergency-contraceptive-pills

Please follow and like us:

79 thoughts on “Emerhensyang Kontrasepsyon

  1. hi. My boo and i sex last july 25, my last period is july 13, ang problem fertile po ako nung nagsex kmi and then hindi nag pull out si boo. nagtake agad ako ng 4 pills trust after nmin magsex. 7:30 in the evening and then uminom ulit ako ng 4pills in the morning. tama po ba gawa ko? or possibly mabuntis parin ako?

    1. Hi, Tala! May mga babae po na hindi nakaranas ng side effects, pero naging effective naman po yung method. Ang mga side effects ay hindi naman indikasyon kung naging effective ba o hindi. Ang pinakamabuting senyales na effective ang method ay ang pagkakaroon ng regla.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon