ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Epektibo ba ang Condom?

Ang condom ay ang isa sa pinakatanyag na uri ng kontraseptibo sa Pilipinas. Ngunit, ang pagkalihitimo at kung gaano ka epektibo ang mga ito laging kinukwestyon.

Ang katotohanan diyan ay, ang mga condom ay tipid at isang epektibong paraan upang pigilan ang dalawang bagay; ang hindi inaasahang pagbubuntis at ang pagkakaroon o pagkalat ng mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik.

Heto ang mga numero na makakapagpatunay na epektibo ang mga gomang pamprotekta na ito.

Para sa ‘di inaasahang pagbubuntis

Ang condom ay kayang pumigil ng hindi inaasahang pagbubuntis nang halos 85% tsansa. Ibig sabihin, kung may 100 na magkaparehang gumagamit ng condom bilang natatanging kontrasepsyon, halos 15 lamang ang maaaring mabuntis.

Ngunit, kayang-kaya itong pataas mula 98% hanggang 100% na epektibo depende sa kung papaano gagamitin ito ng magkapareha. Kung perpekto nilang nasundan ang tuntunin kung paano ang wastong paggamit nito o may karanasan na sila sa paggamit nito ng ilang beses, makakasigurado silang ang epekto ng mga ito ay sobrang mataas.

Para sa mga STIs

Ang mga Sexually Transmitted Infections (STIs) tulad ng gonorrhea, chlamydia, syphilis, at HIV, ay madaling pigilan ng mga condom.

Ang condom ay kayang ipagyabang ang 100% pagiging epektibo nito sa pagpigil ng pagkalat ng mga nasabing impeksyon, salamat sa materyal nitong goma o latex.

Goma o latex na condom ay sobrang siksik at kahit na mga maliliit na mikrobyo ay hindi makakayang dumaan rito, kaya isa itong mainam na materyal para pigilan ang pagkalat ng mga STIs.

Pangbabaeng Condom

Kahit na hindi pa masyadong kilala sa Pilipinas, mayroon ng mga condom na ginawa para sa mga babae.

Gumagana sila bilang isang proteksyon na sumasalo ng semilya papalayo sa pwerta ng babae, tulad ng panglalaking condom, pero ipinapasok ito sa loob ng pwerta. Kaya rin nitong pigilan ang pagkalat ng STI.

Kahit na hindi pa ito laganap sa Pilipinas, may mga pag-aaral sa iba’t-ibang mga bansa sa buong mundo ang nakapagpatunay na epektibo ito ng 95% kapag nagamit ng tama. Kung hindi naman, bumababa ito sa 79%, na mataas pa rin at masasabi pa ring epektibo.

Kahit na ano pa ang sabihin ng mga numerong ito, babagsak pa rin ang tsansa sa kung paano gagamitin ito ng magkapareha. Bawat box ng condom ay naglalaman ng tuntunin sa kung paano ito gagamitin ng tama para maiwasan ang problema. Kung kailangan mo ng gabay sa pagbabalik ng kaalaman mo sa condom, maaari mong basahin ito.

Pinanggalingan: 

https://www.plannedparenthood.org/learn/birth-control/condom/how-effective-are-condoms
https://www.webmd.com/sex/birth-control/birth-control-condoms#1
https://www.medicalnewstoday.com/articles/323089.php

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon