fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Erectile Dysfunction: Ano ba ito?

Ang erectile dysfunction(ED) ang isa sa mga pinaka karaniwang problemang sekswal ng mga lalaki. Kahit na maaari itong mangyari sa lahat nglalaki, ang paksang ito hindi masyadong napag-uusapan.

Sa madaling salita, ang ED ay isang kondisyon kung saan ang lalaki ay nagkakaproblema sa pagpapatayo o pagkakaroon ng ereksyon ng kanilang ari na kinakailangan sa pakikipagtalik. Iba ito sa tinatawag na “impotence” dahil ang kondisyong ito ay may kinalaman sa mababang libido at mga problema sa pag-orgasmo at pagbulalas.

Paminsan-minsan, ang ED ay maaaring mangyari kahit kanino sa kahit anong edad. Kadalasang nangyayari ito dahil sa stress at iba pa. Pero kung nararanasan na ito nang mas madalas, maaaring ang taong ito ay nakakaranas ng di pa natutukoy na sakit o kaya’y sakit sa puso.

Ano ang mga sintomas ng ED?

Ang ED ay may tatlong kilalang sintomas. Ang mga ito ay:

  • Hirap sa pagpapatayo ng ari.
  • Hirap sa pagpapanatili ng ereksyon para sa sekswal na aktibidad.
  • Mababang pagnanasang sekswal

May ilang mga kondisyon ding na may kaugnayan sa pagkakaroon ng ED. Ito ay ang mga:

  • Maagang pagbulalas – ang pagkakaroon ng pagbulalas nang masyadong maaga o mabilis.
  • Matagal na pagbubulas – ang pangangailangan ng lampas 30 minuto na istimulasyon bago mag-orgasmo.
  • Anorgasmia – masyadong nahihirapan sa pagkakaroon ng orgasmo kahit na may sapat na istimulasyon at pagkapukaw.

Ano ang mga nagdudulot ng ED?

Ang mga sanhi ng ED ay maaaring mahati sa dalawang kategorya: pisikal at sikolohikal.

Ang mga pisikal na dahilan ay:

  • Sakit sa puso
  • Sakit sa bato
  • Mataas na kolesterol
  • Hypertension o mataas na presyon ng dugo
  • Labis na timbang o katabaan
  • Diyabetes
  • Baradong mga ugat ng dugo
  • Multiple sclerosis
  • Parkinson’s Disease
  • Peyronie’s Disease (o pagkabaluktot ng ari na nagdudulot ng masasakit na ereksyon)
  • Problema sa pagtulog
  • Mga paggagamot o karamdaman sa prostate
  • Operasyon sa spinal cord o sa pelvic area 
  • Mababang testosterone at iba pang problema sa mga hormon
  • Pag-abuso sa mga kemikal tulad ng alkohol at sigarilyo
  • Ilang mga medikasyon
  • Edad

Ang mga sikolohikal na problema ay nakakaapekto sa kakayahang magkaroon ng ereksyon dahil ang utak ay may malaking papel sa pagpapagana ng mga sekswal na istimulasyon. Kapag ang utak ng lalaki ay puno ng iba’t-ibang iniisip, maaari itong magdulot o magpalala ng ED. Kasama sa mga sanhi ang:

  • Depresyon at iba pang kondisyon sa mental na kalusugan
  • Anxiety
  • Stress
  • Problema sa relasyon

Paano ginagamot ang ED?

Medikasyon –  ang iyong doktor ay maaaring magbigay ng ilang mga medikasyon na makakatulong sa iyong ED, pero, maaari kang sumubok ng ibang medikasyon hanggang mahanap ang pinaka-epektibo sa iyo. Ang pinakamadaling mabili ay ang mga medikasyon na iniinom.

Therapy – ang therapy ay para sa pag-ayos ng mga sikolohikal na problemang maaaring nagdudulot ng ED. Maaari nitong masagot ang mga isyu sa stress, anxiety, depresyon, at mga pangkalahatang pakiramdam tungkol sa pakikipagtalik. Kung sa tingin mo ay naapektuhan rin nito ang iyong relasyon, may pagpapayo rin para dito.

Vacuum pumps – ang mga pump na ito ay ginawa upang mahalintulad ang proseso ng ereksyon. Isang plastik na tubo ang iniibabaw sa iyong ari, habang may pagbombang gagawin upang mahigop ang dugo papunta sa ari para magkaroon ng ereksyon. May inilalagay ding mala-gomang singsing sa dulo ng iyong ari upang mapanatili ang ereksyon na ito, na karaniwang tumatagal ng hanggang 30 minuto.

Kegel exercise –  ang mga simpleng galaw na ito ay makakatulong sa pagpapalakas ng kalamnan sa pelvis. Epektibo rin ito sa pagpapagaling ng ED, pati na rin sa maagang pagbulalas. Walang sinasabi kung gaano kalakas o kadami ang ehersisyo na ito para maging pinaka-epektibo, pero maaari kang magsimula sa pagpapa-urong ng mga kalamnan na ito nang tatlong segundo at pagpapakawala nito, at ulitin ito nang 10-20 na beses na magkakasunod, tatlong beses sa isang araw.

Aerobic na ehersisyo – makakatulong ito sa pagpapasigla ng pangkalahatang kalusugan, pati na rin ang pagpapaganda ng daloy ng dugo, na maaaring makatulong sa ED. Ang paggawa ng aerobic na ehersisyo tulad ng pagtakbo o paglangoy sa katamtaman o matinding lakas ay magreresulta ng maganda.

Ang erectile dysfunction ay isang pangkaraniwang problema na hinaharap ng mga lalaki, at marami iba’t-ibang paggagamot ang makukuha para rito. Huwag mahiyang tanungin ang iyong doktor sa kung paano ito magagawan ng paraan, lalo na kung nararanasan mo ito ng madalas. Kasabay ng pagbabago ng pamumuhay at tamang paggagamot, siguradong makakabalik ka sa pagkakaroon ng aktibong buhay sekswal!

Sources:

https://www.healthline.com/health/erectile-dysfunction

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/erectile-dysfunction/symptoms-causes/syc-20355776

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon