fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Erotic asphyxiation: Gabay para sa mga beginners

Erotic asphyxiation

Marahil ay nabasa o narinig mo na ang pananalitang “Choke me, daddy!”. At kahit na ito ay mapaglarong paraan upang ipahayag na gusto mo ang isang tao, ang aktwal na sexual activity ng choking ay dapat seryosohin.

Ano ang erotic asphyxiation?

Ang erotic na asphyxiation (EA), o breath play, ay isang consensual sexual activity na nagsasangkot ng paghihigpit sa iyo o sa iyong partner sa loob ng ilang sandali.

Ayon sa mga taong nasisiyahan sa breath play, pinapataas nito ang sexual arousal at ginagawang mas matindi ang orgasms.

Anuman ang tawag mo dito o kung paano mo ito ginagawa, ang EA ay isang mapanganib na aktibidad. At kung masobrahan, maaari itong nakamamatay.

Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa EA para matiyak na ligtas at masaya ka.

Ligtas ba ito?

Maraming mga sexual activity ang mapanganib. Ngunit ang erotic asphyxiation ay nagdudulot ng mas makabuluhang mga panganib (at marahil ay isa sa mga pinaka-mapanganib na kink activities).

Ang pangunahing panganib sa EA ay hindi nakakakuha ng sapat na oxygen. At kung walang sapat na hangin, maaari itong humantong sa pagkahilo, paghimatay, at posibleng cardiac arrest.

Ang EA ay maaari ding magdulot ng permanenteng pinsala sa puso at larynx, tulad ng hindi regular na tibok ng puso, paos na boses, at problema sa paglunok.

Ang mga side effect

Maaari ka pa ring makaranas ng mga side effect ng erotic asphyxiation, kahit na nagawa mo na ang lahat ng wastong pag-iingat. Maaaring kabilang sa mga side effects na ito ang:

  • kahinaan
  • Pagkahilo
  • Pamamanhid
  • Antok
  • Pagkawala ng koordinasyon

Ang pagkaranas ng isang side effect ay hindi agad naglalagay ng panganib sa iyong buhay. Ngunit kung ito ay dalawa o higit pa, maaari kang ilagay sa malubhang panganib.

Paano ito naging pleasurable?

Ang bawat tao’y nakakaranas ng pleasure sa iba’t ibang paraan. At ang EA ay isa sa maraming kinks at sexual curiosity.

Para sa ilang mga tao, nakakatakot para sa kanila ‘yung mahirapan huminga. Habang ang iba ay sexually aroused kapag naiisip nilang masasakal. Narito ang tatlong karaniwang dahilan kung bakit ang ilang mga tao ay nasisiyahan sa breath play.

Pisikal

Kapag naramdaman ng katawan ang kakulangan ng suplay ng oxygen, ito ay nagpapahiwatig ng panganib sa pamamagitan ng pagpapakawala ng mga hormone na endorphins at adrenaline.

Maaaring malito ng katawan ang surge ng mga hormones bilang isang bagay na kasiya-siya; kaya, nag-aambag sa mas mataas na sexual stimulation. Ngunit sa katotohanan, ang mga hormone na iyon ang paraan ng katawan para protektahan ang sarili nito.

At sa loob ng ipoipo ng mga damdamin at kasiyahan, ang mga warning signals mula sa utak at katawan ay nalilito bilang pleasurable pain.

Pisiyolohikal

Kapag ang utak ay nawalan ng oxygen, ito ay humahantong sa lightheadedness at pagkahilo. Ngunit kapag ang oxygen at dugo ay bumalik muli habang gumagaan ang presyur, may isa pang uri ng “rush” na nangyayari rin.

Ito ay dahil sa paglabas ng mga endorphins, serotonin, at dopamine, na nagdudulot ng “head-spinning kind of thrill.”

Sikolohikal

Ang sikolohikal na kasiyahan ng EA ay kadalasang nagmumula sa power play na kasangkot. Ang ilang mga tao ay nakakaranas ng sexual arousal mula sa dinamikong ito.

Ang pakiramdam ng kapangyarihan ay maaaring maging erotiko para sa ilang mga tao, lalo na para sa mga nag-e-enjoy sa BDSM. Sa ganoong relasyon, ‘yung dominant (or the person in charge) ay chino-choke or sino-suffocate ‘yung submissive. Para naman sa mga submissive, nasiyahan sila sa pagiging kontrolado ng kanilang partner.

Paano ito gagawin nang ligtas?

I-educate ang sarili

Bago sumubok ng anumang uri ng breath play, mahalagang maunawaan ang anatomiya ng leeg, ulo, at dibdib.

Makakatulong ito sa iyo na matukoy kung aling mga bahagi ang iiwasan, at malaman kung gaano kabigat ang presyon at puwersa ang maaari mong ibigay.

Alamin rin ang kahalagahan ng wastong pagkakalagay ng kamay, at kung saan maaari kang maglagay ng mga restraints gaya ng mga scarf, sinturon, o kurbata.

Humingi ng consent

Tulad ng anumang uri ng sexual activity, ang paghingi ng consent ay palaging mahalaga.

Dapat na maitatag ang mga hangganan bago pa man kumilos dahil ikaw at ang iyong partner ay dapat na nasa tamang kondisyon upang pag-usapan ang mga bagay na iyon.

Tanungin din ang iyong partner kung mayroon silang mga problema sa paghinga tulad ng hika o allergy

At kahit na sanay ka na sa sexual activity, dapat na magbigay ng consent sa buong karanasan. Paminsan-minsan, tanungin ang iyong partner kung gusto nila ang iyong ginagawa at kung pumayag sila sa susunod mong gagawin.

Makipag-usap sa iyong partner

‘Yung submissive, receiving partner, partner being choked — anuman ang gusto mong itawag sa kanila — ay mahihirapang magsalita kapag ang kanilang paghinga ay pinipigilan.

Upang magkaroon ng isang uri ng komunikasyon sa pagitan mo at ng iyong partner, dapat lumikha ng mga nonverbal na pahiwatig kapag ang mga hangganan ay nilalampasan. Ang ilang mga halimbawa ay:

  • Paghawak sa isang bagay, tulad ng susi, at pagbitaw nito kapag gusto mong huminto.
  • Pag-tap sa malapit na bagay, tulad ng nightstand, o mga braso ng iyong partner.

Ang dominant, giving partner, o partner na nagcho-choke ay dapat ding magkaroon ng kamalayan sa mga tugon at puna ng kanilang partner. Ilan sa mga senyales na dapat nilang bantayan ay ang pag-ubo, pamamanhid, pananakit, at pagkalanta ng mga kalamnan.

Ano ang iba’t ibang paraan para gawin ito?

Mayroong iba’t ibang mga paraan upang gawin ang breath play. At anuman ang pipiliin mong paraan upang gawin ito, mangyaring tandaan na palaging may mga panganib na kasangkot.

Pagsasakal

Ang pagsasakal ay kinabibilangan ng paglalagay ng presyon sa labas ng lalamunan upang pigilan ang pagdaloy ng hangin at dugo sa utak. Mahirap huminga, at maaari itong humantong sa mga sintomas ng erotic asphyxiation.

Tandaang iwasan ang paglalapat ng matinding presyon sa trachea o Adam’s apple.

Strangulation

Maaari mong gamitin ang iyong mga kamay o kurbata, bandana, sinturon o iba pang bagay para sa strangulation o pagsasakal. Siguraduhin lamang na hindi ito masyadong masikip o matagal gagawin.

Upang mapanatili itong ligtas, mag-iwan ng hindi bababa sa dalawang daliri sa pagitan ng leeg at ang bagay na ginamit para sa pagsakal.

Smothering

Ang isang tanyag na paraan ng breath play ay ang pagpapaupo sa iyong partner sa iyong mukha, o kabaliktaran. Kapag humihinga, tiyaking nakapagtatag kayo ng isafe word o senyales bilang komunikasyon kapag ‘di na makayanan ang presyon.

Bag sa ibabaw ng ulo

Ang paglalagay ng bag sa ibabaw ng ulo ay maaaring maputol o makabuluhang bawasan ang suplay ng hangin. Muli, tiyaking mayroon kayong safe word o senyales kapag ginagawa ito.

Mga huling paalala

Dahil sa kung gaano kadelikado ang erotic asphyxiation, pinakamahusay na makipag-usap sa professional sex therapist bago niyo subukan ito mismo.

Bagama’t may kalayaan kang makisali sa breath play, hindi inirerekomenda ng maraming eksperto na gawin ito. Kapag nagkamali, ang nakakatuwang sexual activity na ito ay maaaring mabilis na maging isang mapanganib na sitwasyon.

Mga pinagmulan

Holland, K. (May 29, 2019). Everything You Need to Know About Erotic Asphyxiation. Healthline. https://www.healthline.com/health/healthy-sex/erotic-asphyxiation 

Weiss, S. (July 22, 2020). Breath Play Is a Popular Form of BDSM. Here’s How to Do It Safely. Men’s Health. https://www.menshealth.com/sex-women/a33382089/breath-play-erotic-asphyxiation-bdsm/ 

Wahl, D. (May 14, 2021). The Psychology Behind Breath Play. Psychology Today. https://www.psychologytoday.com/us/blog/sexual-self/202105/the-psychology-behind-breath-play 
WebMD Editorial Contributors. (June 29, 2021). What is Sexual Asphyxiation?. WebMD. https://www.webmd.com/sex/what-is-sexual-asphyxiation

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon