fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Finger Play 101

An orange being touched by a finger.

Ang pag-explore ng sekswal na kasiyahan kasama ang partner mo ay isang mahalagang bahagi ng pagkakaroon ng isang makabuluhang relasyon. Isang technique na pwedeng makapagbigay ng matinding kasiyahan ay ang fingering na minsa’y tinatawag na “finger play.”

Ang fingering ay ang pag-stimulate ng ari ng babae gamit ang iyong mga kamay at daliri. Isa itong mapusok na aktibidad na maaaring magdala ng matinding sarap sa inyong sexy time.

Sa article na ito, papasukin at kakalikutin natin ang mundo ng finger play. Bago ka man sa pagfi-finger o naghahanap ng tips para gumaling, narito kami para tulungan kang gawin ito nang tama. Kasi siyempre, #DoItRight dapat!

Ano ang fingering?

Gaya ng nabanggit sa taas, ang fingering ay isang uri ng sekswal na aktibidad kung saan ginagamit ang mga kamay at daliri para pasiyahin ang isang babae. Kabilang dito ang penetration (o pagpasok mismo sa puki) at ang pag-stimulate sa clitoris.

Paano Natin Ito Magagawa nang Tama?

Una sa lahat, kailangang mong isaisip na ang finger play at hindi lang tungkol sa pagpasok-labas ng mga daliri sa ari ng babae. Hindi porke’t mabilis mo itong ginagawa ay sigurado nang matutuwa ang ka-relasyon mo. Kaya kung ganon ang iyong galawan, maghinay-hinay ka muna’t magbasa-basa.

Ang finger play ay tungkol sa stimulation. Ang iyong focus dapat ay ang pagpapasaya sa iyong partner, hindi paggalaw nang mabilis.

Heto ang iba pang tips para umangat ang iyong fingering game.

Aralin ang sekswal na anatomiya ng babae.

Bago ka sumabak sa finger play, mainam munang kilalanin mo ang sekswal na anatomiya ng babae at tandaan mong meron itong dalawang bahagi: ang panloob at panlabas.

Tandaan mo rin na may mga punto o lokasyon sa parehong panloob at panlabas na masarap kung hahaplusin, gaya ng bulba, labia, klitoris, at G-spot (na karaniwang matatagpuan isa hanggang dalawang pulgada sa loob ng puki).

Maggupit ng mga kuko at maglinis ng mga kamay.

Napaka-importante ring siguraduhin na ang iyong mga daliri ay pwedeng ipasok sa ari ng iyong babae. Siyempre, kung nais mo siyang bigyan ng ‘sexy time na ‘di niya malilimutan, kailangan mong isiguro na malinis ang iyong mga kamay, daliri, at kuko; at hindi rin siya dapat masaktan sa mga gagawin mo. 

Makipag-usap ka sa kanya.

Bago mo simulan ang finger play, alamin mo muna kung okay lang ba sa kanya na gawin mo ito. Ang pahintulot o consent ay isang importanteng bahagi ng kahit anong sekswal na gawain, kaya wag mo ‘tong kalilimutan!

‘Pag nagsimula ka na, makipag-usap ka sa iyong partner. Tanungin mo siya kung nasasarapan ba siya. Siguraduhin mong papakinggan mo siya, pati na rin ang body language niya. Kailangan mong respetuhin ang kanyang boundaries at ugaliing manghingi ng consent bago sumubok ng iba pang uri ng stimulation. Sa gayon, garantisadong pareho kayong mag-eenjoy.

‘Wag matakot mag-explore!

Pagdating sa finger play, hindi ka dapat matakot mag-explore. Marami kayong pwedeng subukan. Alamin niyo kung ano ang magdadala ng pinakamasarap na karanasan sa inyong pareho, basta’t ‘wag kalimutan ang consent. Ang pagsasama ng iba pang mga elemento tulad ng lube o mga laruang pang-sex ay maaaring makapagpainit pa lalo ng inyong sexy time.

Tandaan: magkakaiba tayong lahat ng mga sexual preference o gustong maranasan sa kama. Iba-iba rin ang lebel ng kumpiyansa ng mga tao, kaya ang komunikasyon ay importante. 

At ‘yun na yon! Sana’y natuwa kayo sa article na ito at na-stimulate ang mga isip ninyo. Ngayo’y humayo kayo’t magpakasarap. Enjoy!

Mga Pinagmulan:

  • Do It Right. (2021, January 13). Get to know the female sexual anatomy. Do It Right. https://bit.ly/3OvV0D3
  • Julcee. (2023, March 10). Fingering 101: How to finger your girl and make them want for more. Lauvette. https://bit.ly/42VjU3x
  • WebMD. (n.d.). Fingering: What it is and why people do it. WebMD. https://bit.ly/3Wpmrk0
  • Imahe mula sa Freepik
Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon