fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Gabay Sa Mga Kulay Ng Vaginal Discharge

Vaginal Discharge Color Guide

Ang iyong vaginal discharge ay tumutulong na panatilihing malinis, malusog, at madulas ang iyong pwerta. Ang pwerta ay may sariling sistema at kapaligiran kung saan ang balanse ng bakterya, pH, at kahalumigmigan ay magkakakonektado. Ang mga pagbabago sa labas at loob ng katawan ay madaling makaapekto sa balanse na ito.

Bagaman karaniwan na ang iyong vaginal dischare ay magbabago-bago sa buong siklo ng regla, maaari kang makakita ng ilang mga kakaibang pagbabago na maaaring mapa-isip ka kung normal pa ba ito β€” lalo na sa kulay.

Maaari mong simulan ang pag-balik-tanaw sa lahat ng iyong ginawa at kinain kapag nakakita ka ng kakaiba sa iyong vaginal discharge, ngunit hindi ka dapat matakot kaagad dahil maraming mga kulay ang talagang normal. Kahit na walang ibang naiiba sa iyong pang-araw-araw na buhay, baka gusto mong malaman pa rin kung ano ang kahulugan ng mga kulay na ito.

Ano ang mga kulay ng vaginal discharge?

This image has an empty alt attribute; its file name is Website-Materials_EVERY-COLOR-EVERY-HUE-VAGINAL-DISCHARGE-COLOR-GUIDE-min-767x1024.jpg
Source: https://www.medicalnewstoday.com/articles/322232#what-is-vaginal-discharge

Malinaw

Karaniwan ang malinaw na discharge. Karaniwan itong madulas o parang puti ng itlog. Ang iyong vaginal discharge ay malamang na magiging malinaw kapag ikaw ay nag-obyula o napukaw nang sekswal, o kapag ang pwerta ay muling binabalanse ang sarili.

Puti

Ang mga kulay ng puti na makikita mo ay maaaring saklaw mula sa tila egghell hanggang krema. Ang puting discharge ay madalas na normal at tanda ng malusog na pagpapadulas ng pwerta. Kung hindi ito sinamahan ng iba pang mga nakakagambalang sintomas, hindi ka dapat mag-alala.

Tignan ang lapot at amoy. Makapal na lapot na katulad ng cottage cheese, tila matubig, malakas o masangsang na amoy, pangangati, o tila nasusunog na pakiramdam ay maaaring mga palatandaan ng isang impeksyon. Kung napansin mo ang alinman sa mga ito kasama ang puting vaginal discharge, mabuting kumunsulta na sa isang doktor.

Pula o Kayumanggi

Karaniwang naglalabas ang iyong katawan ng pula o kayumanggi na madugong discharge sa iyong regla. Maaaring kulay matingkad na pula hanggang sa tila kalawang na kayumanggi. Ang pagkakaroon ng discharge na ganito ang kulay ilang araw bago o pagkatapos ng iyong panahon ay maaaring maagang pagdugo o natirang dugo.

Inirerekumenda na makita ang isang doktor kung nakakaranas ka ng pagdurugo sa pagitan ng mga regla o labis na magdugong discharge buong buwan.

Rosas

Ang rosas na discharge ay maaaring magpahiwatig na mayroong kaunting pagdurugo na nangyayari, ngunit hindi palaging nangangahulugang isa itong emerhensiya! Ang blush pink hanggang sa matingkad na rosas na discharge ay maaaring marka na padating na ang iyong regla o simula na ng iyong siklo ng regla.

Ang pakikipagtalik ay maaari ring magresulta sa kulay rosas na discharge, lalo na kung may maliit na sugat o iritasyon sa pwerta o serviks.

Ang mga problema sa kalusugan ay maaari ring magreresulta sa discharge na rosas. Kung napansin mo o nakakaranas ng anumang kakaiba sa iyong katawan, pumunta sa iyong doktor.

Dilaw o Berde

Ang discharge na may konting pagkadilaw na kulay ay normal, at hindi karaniwang nangangahulugang mayroong problema. Ang uhog mula sa pwerta at serviks ay minsan nagiging dilaw kapag nahanginan. Ang mga pagbabago sa diyeta o suplemento sa kalusugan ay maaari ring gawing dilaw ang iyong discharge.

Kung kulay madilim na dilaw hanggang berde ang discharge, maaaring senyales ito ng impeksyon, lalo na kung sinamahan ng iba pang mga sintomas. Kumunsulta sa tagabigay ng serbisyong pangkalusugan kung malapot at masangsang ang amoy, at nakakaranas ng pangangati, tila nasusunog na pakiramdam, o anumang hindi komportable na pakiramdam sa pwerta.

Kulay-abo

Hindi malusog ang kulay-abo na discharge, at maaaring maging senyales ng bacterial vaginosis (BV) o trichomoniasis. Ang iba pang mga sintomas na maaari rin nilang ipakita ay ang pangangati, iritasyon, malakas na amoy, at pamumula sa paligid ng bulba o pagbubukas ng pwerta.

Pumunta kaagad sa iyong doktor kung mayroon kang discharge na kulay-abo. Maaari kang resetahan ng antibyotiko pagkatapos ng tamang pagsusuri at dyagnosis.

Kailan dapat ako mag-alala?

Ang mga impeksyon at pagbabago sa antas ng mga hormon ay karaniwang sanhi ng mga pagbabago sa vaginal discharge. Kung napansin mo ang anumang kakaiba sa kulay, tignan din ang iba pang mga sintomas na ito:

  • Pangangati
  • Tila nasusunog na pakiramdam
  • Pananakit o hindi komportable
  • Malakas at masamang amoy
  • Mabula-bulang discharge
  • Malapot na discharge, tulad ng cottage cheese
  • Pagdurugo na hindi nauugnay sa iyong regla

Ang iyong katawan ay magbibigay ng mga senyales at mga pahiwatig kung may mali. Pumunta sa iyong doktor kung nakakaranas ng alinman sa mga sintomas na ito upang makapagpasuri ka at magamot kung kinakailangan.

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/vaginal-discharge-color-guide#takeaway

https://www.medicalnewstoday.com/articles/322232.php#outlook

https://www.self.com/story/vaginal-discharge-colors

Please follow and like us:

80 thoughts on “Gabay Sa Mga Kulay Ng Vaginal Discharge

  1. Hello po, ano po kaya ang dahilan kung bakit marami po akong maliliit na pula pula sa may taas ng akong pwerta? Sobrang kati po nito at dumadami po na parang rashes.

    1. Hi Lash! Maaaring sanhi po ito ng isang impeksyon. Mabuti pong magpasuri sa OBGYN o malapit na health center para malaman ang sanhi at mapayuhan kayo sa angkop na lunas para sa iyong sitwasyon.

  2. *Good pm doc ung aking asawa po ay my lulalabas na puti na malabmaw na my bou bou po di namn dw makati o masakit ung kanyang ari nung una dw po ang lumalabas skanya malabnaw na puti at pahinto hinto like biglang lalabas sa susunod na araw tpos akala niya my menstration na siya un pala ung puti na malabnaw tas ngayon puti na mejo malapot na malabnaw ng kunti at my bou bou my posibledad bang buntis po b?siya

  3. Hello po. Ask ko lang po eh almost 42 days saka lang ako niregla. Ngaun po ang ika 42 days ko. Buo ung dugo at may kasama ding puti.. Masama poba ang epekto nito?

    1. Hi Gray! Karaniwang normal po ang buo-buong dugo sa regla, samantalang ang puti na nakikita niyo ay maaaring bakas ng vaginal discharge. May ibang sintomas pa po bang nararanasan? Kung may nararamdamang pananakit, panghihina, o tumagal ang pagdurugo higit sa isang linggo, mabuting kumonsulta na sa OBGYN ukol dito.

  4. hello po, turning 17 pa po ako at wala pa po akong karanasan sa sex. Minsan po kapag parating na yung buwanang dalaw ko ay may nararamdaman po akong medyo makati sya and may lumalabas po na medyo brown na kulay at saka hindi din maganda ang amoy at minsan din hindi ako nireregla, kumbaga nag iiskip po sya ng isa or dalawang buwan. At yung lumalabas po na kulay brown ay minsan lang po sya may masamang amoy, normal po ba ito?

    1. Hi Cherry! Marami pong posibleng makaapekto sa amoy at kulay ng vaginal discharge, kasama na ang kinakain, iniinom, ginagamit na gamot, at kalinisan sa sarili. Siguraduhin na palaging malinis ang ari sa pamamagitan ng paghugas nito araw-araw. Gumamit lamang ng maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan rin ang pagsuot ng masisikip na damit. Basahin niyo rin po ito: https://doitright.ph/tl/ibat-ibang-amoy-ng-ari-at-ang-kanilang-mga-sanhi/

  5. Dahil sa covid, di ako makapag pacheck up. May lumalabas na discharge sa akin nung una yellow sya na tumitigas sa underwear ko at meron syang amoy na keso At ngayon nag aalala na ako na baka lumala na ‘to. MAY nag start na may lumabas na discharge na parang mamasa masa kulay yellow at may mabahong amoy at may kasamang pangangati. Tumagal lang yun ng mga 3 araw, at wala na ang pangangati. Pero yung mabahong amoy at kulay ng discharge ko ganun pa din, kaya lagi ako nag huhugas ng fem ko. Minsan lang din ako gumamit ng fem wash kasi masama daw pag araw araw lalo na’t may kemikal na makakasama sa balance ng fem natin. Kaya alternate o di kaya isang beses o dalawa lang ako mag hugas ng fem wash. Di ko na alam gagawin ko 😭😭

  6. Hello po ask ko lang po kung normal po ba ito minsan po ay makati at sa pakiramdam ko po ay hindi maginhawa pero wala naman po syang amoy at hindi din po masakit ano po kaya ito

    1. Hi Ash! Ang karaniwang sanhi ng pangangati ay ang kakulangan sa kalinisan sa sarili. Araw-araw siguraduhin na malinis ang ari. Hugasan ito gamit ang malinis at maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan ang madalas at matagal na pagsuot ng masisikip na damit, at huwag muna makipagtalik habang hindi pa nawawala ang pangangati o hindi pa nakakapunta sa doktor. Kung lumala pa ito, tumagal nang isang linggo, o may iba pang sintomas na nararanasan, mabuting magpasuri na sa obgyn para malaman ang sanhi at kung ano pwedeng gamot. Baka makatulong rin po ito sa inyo: https://doitright.ph/tl/pagpapanatiling-malinis-ang-ari-ng-babae/

  7. Hello po. Magtatanong lang po sana ako. Simula po nung isang araw may kulay puti po na lumalabas sakin ang kaso po tumitigas sya sa underwear. normal lang po ba un? salamat.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon