fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Gabay Sa Mga Kulay Ng Vaginal Discharge

Vaginal Discharge Color Guide

Ang iyong vaginal discharge ay tumutulong na panatilihing malinis, malusog, at madulas ang iyong pwerta. Ang pwerta ay may sariling sistema at kapaligiran kung saan ang balanse ng bakterya, pH, at kahalumigmigan ay magkakakonektado. Ang mga pagbabago sa labas at loob ng katawan ay madaling makaapekto sa balanse na ito.

Bagaman karaniwan na ang iyong vaginal dischare ay magbabago-bago sa buong siklo ng regla, maaari kang makakita ng ilang mga kakaibang pagbabago na maaaring mapa-isip ka kung normal pa ba ito — lalo na sa kulay.

Maaari mong simulan ang pag-balik-tanaw sa lahat ng iyong ginawa at kinain kapag nakakita ka ng kakaiba sa iyong vaginal discharge, ngunit hindi ka dapat matakot kaagad dahil maraming mga kulay ang talagang normal. Kahit na walang ibang naiiba sa iyong pang-araw-araw na buhay, baka gusto mong malaman pa rin kung ano ang kahulugan ng mga kulay na ito.

Ano ang mga kulay ng vaginal discharge?

This image has an empty alt attribute; its file name is Website-Materials_EVERY-COLOR-EVERY-HUE-VAGINAL-DISCHARGE-COLOR-GUIDE-min-767x1024.jpg
Source: https://www.medicalnewstoday.com/articles/322232#what-is-vaginal-discharge

Malinaw

Karaniwan ang malinaw na discharge. Karaniwan itong madulas o parang puti ng itlog. Ang iyong vaginal discharge ay malamang na magiging malinaw kapag ikaw ay nag-obyula o napukaw nang sekswal, o kapag ang pwerta ay muling binabalanse ang sarili.

Puti

Ang mga kulay ng puti na makikita mo ay maaaring saklaw mula sa tila egghell hanggang krema. Ang puting discharge ay madalas na normal at tanda ng malusog na pagpapadulas ng pwerta. Kung hindi ito sinamahan ng iba pang mga nakakagambalang sintomas, hindi ka dapat mag-alala.

Tignan ang lapot at amoy. Makapal na lapot na katulad ng cottage cheese, tila matubig, malakas o masangsang na amoy, pangangati, o tila nasusunog na pakiramdam ay maaaring mga palatandaan ng isang impeksyon. Kung napansin mo ang alinman sa mga ito kasama ang puting vaginal discharge, mabuting kumunsulta na sa isang doktor.

Pula o Kayumanggi

Karaniwang naglalabas ang iyong katawan ng pula o kayumanggi na madugong discharge sa iyong regla. Maaaring kulay matingkad na pula hanggang sa tila kalawang na kayumanggi. Ang pagkakaroon ng discharge na ganito ang kulay ilang araw bago o pagkatapos ng iyong panahon ay maaaring maagang pagdugo o natirang dugo.

Inirerekumenda na makita ang isang doktor kung nakakaranas ka ng pagdurugo sa pagitan ng mga regla o labis na magdugong discharge buong buwan.

Rosas

Ang rosas na discharge ay maaaring magpahiwatig na mayroong kaunting pagdurugo na nangyayari, ngunit hindi palaging nangangahulugang isa itong emerhensiya! Ang blush pink hanggang sa matingkad na rosas na discharge ay maaaring marka na padating na ang iyong regla o simula na ng iyong siklo ng regla.

Ang pakikipagtalik ay maaari ring magresulta sa kulay rosas na discharge, lalo na kung may maliit na sugat o iritasyon sa pwerta o serviks.

Ang mga problema sa kalusugan ay maaari ring magreresulta sa discharge na rosas. Kung napansin mo o nakakaranas ng anumang kakaiba sa iyong katawan, pumunta sa iyong doktor.

Dilaw o Berde

Ang discharge na may konting pagkadilaw na kulay ay normal, at hindi karaniwang nangangahulugang mayroong problema. Ang uhog mula sa pwerta at serviks ay minsan nagiging dilaw kapag nahanginan. Ang mga pagbabago sa diyeta o suplemento sa kalusugan ay maaari ring gawing dilaw ang iyong discharge.

Kung kulay madilim na dilaw hanggang berde ang discharge, maaaring senyales ito ng impeksyon, lalo na kung sinamahan ng iba pang mga sintomas. Kumunsulta sa tagabigay ng serbisyong pangkalusugan kung malapot at masangsang ang amoy, at nakakaranas ng pangangati, tila nasusunog na pakiramdam, o anumang hindi komportable na pakiramdam sa pwerta.

Kulay-abo

Hindi malusog ang kulay-abo na discharge, at maaaring maging senyales ng bacterial vaginosis (BV) o trichomoniasis. Ang iba pang mga sintomas na maaari rin nilang ipakita ay ang pangangati, iritasyon, malakas na amoy, at pamumula sa paligid ng bulba o pagbubukas ng pwerta.

Pumunta kaagad sa iyong doktor kung mayroon kang discharge na kulay-abo. Maaari kang resetahan ng antibyotiko pagkatapos ng tamang pagsusuri at dyagnosis.

Kailan dapat ako mag-alala?

Ang mga impeksyon at pagbabago sa antas ng mga hormon ay karaniwang sanhi ng mga pagbabago sa vaginal discharge. Kung napansin mo ang anumang kakaiba sa kulay, tignan din ang iba pang mga sintomas na ito:

  • Pangangati
  • Tila nasusunog na pakiramdam
  • Pananakit o hindi komportable
  • Malakas at masamang amoy
  • Mabula-bulang discharge
  • Malapot na discharge, tulad ng cottage cheese
  • Pagdurugo na hindi nauugnay sa iyong regla

Ang iyong katawan ay magbibigay ng mga senyales at mga pahiwatig kung may mali. Pumunta sa iyong doktor kung nakakaranas ng alinman sa mga sintomas na ito upang makapagpasuri ka at magamot kung kinakailangan.

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/vaginal-discharge-color-guide#takeaway

https://www.medicalnewstoday.com/articles/322232.php#outlook

https://www.self.com/story/vaginal-discharge-colors

Please follow and like us:

80 thoughts on “Gabay Sa Mga Kulay Ng Vaginal Discharge

    1. Hi Rejzel! Gaya nga po ng inyong nabasa sa artikulong ito, maraming posibleng makaapekto sa vaginal discharge, kasama na ang kinakain at gamot na iniinom. Nakakaranas ka rin ba ng iba pang sintomas? May posibilidad pong impeksyon ito lalo na kung masangsang at mabaho ang amoy ng iyong vaginal discharge.

  1. Hi po! Ask ko lang po minsan po pag bago ako datnan madalas po na magdischarge ako ng watery na white means clear lang namn po sya kaso ngayun po ay may kasamang dugo na pero pauntol untol po paglabas ngdugo kumbaga po sumasabay lang sa regla nung mga nakaraan po ay palaging buo buo po ang nireregla ko at minsan umaabot po ito ng 2 weeks panay buo po minsan 28 palang po ako at bagong kasal sign din po ba ito na malapit na ako mag menopause🙁 wala pa po kaming baby salamat po

    1. Hi Joy! Baka hindi naman po ito menopause, posibleng mayroon kang kondisyon na nagsasanhi nito. Mainam na magpasuri sa OBGYN para matukoy ang sanhi at mapayuhan kung ito ba’y kailangan ng paggamot.

  2. Hi po, pede po magtanong. Almost, 3 years na po kasi akong si nireregla. after ko manganak 6months ung baby ko ng una akong datnan, and then nag family planning ako which is injectables. Ang side effect nito sa aken ay di ako nireregla. Normal naman. Then nag switch ako ng pills after a year. Same side effects dhil ang pills na iniinom ko is pra sa nagbebreast feeding dhil nag papa breast feed ako. Until now, 3 years old na ang baby ko pero bhira na sya dumede saken dhil nakain na sya at nakakadede na din sya sa bote. (which is di sya makadede before dhil may lactose intolerance)

    This week sinipon ako, then naging ubo. Kada uubo ako ay nahihirapan ako dhil matigas ang ubo ko, which tend to uubo ako na naiire. Normal naman diba pag nauubo parang naire. then, sumasakit kasi ang puson ko nakirot and nag ka spotting ako. Red to kayumanggi ung kulay na napansin ko. Is this normal? Magkakaron na ba ako uli o kaylangan ko na magpacheck up.

    1. Hi Yeye! Kung hanggang ngayon po ay umiinom pa rin kayo ng pills at hindi kayo dinadatnan dito noon, posibleng hindi pa rin po kayo datnan ng regla. Wala naman po itong malubhang epekto sa kalusugan. Baka po mainam na magpasuri sa doktor para sa inyong ubo para malaman kung may sakit po ba kayo at para malunasan na.

  3. Hi, uhm, ask ko lang po, almost 3 days na po kasi akong naglalabas ng kulay abo sa ari ko. Patak patak lang po siya, hindi naman po masang sang amoy niya at wala akong ibang nararamdaman. Bukod sa minsan parang kumukulo yung tiyan ko kahit ma hindi ako nagugutom. Ano po kaya ito? Salamat po sa pag sagot.

    1. Hi Precious! Tulad nga po ng inyong nabasa sa artikulong ito, maraming maaaring makaapekto sa vaginal discharge tulad ng iyong kinakain, iniinom, o ginagamit na gamot. Posibleng isa sa mga ito ang sanhi ng inyong nararanasan.

  4. Pwede po ba nagtanung kasi napansin ko po may lumalabas sa pwerta ko ,kulay white sya at buo bio talaga makati po ang ari ko

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon