fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Gabay Sa Mga Kulay Ng Vaginal Discharge

Vaginal Discharge Color Guide

Ang iyong vaginal discharge ay tumutulong na panatilihing malinis, malusog, at madulas ang iyong pwerta. Ang pwerta ay may sariling sistema at kapaligiran kung saan ang balanse ng bakterya, pH, at kahalumigmigan ay magkakakonektado. Ang mga pagbabago sa labas at loob ng katawan ay madaling makaapekto sa balanse na ito.

Bagaman karaniwan na ang iyong vaginal dischare ay magbabago-bago sa buong siklo ng regla, maaari kang makakita ng ilang mga kakaibang pagbabago na maaaring mapa-isip ka kung normal pa ba ito — lalo na sa kulay.

Maaari mong simulan ang pag-balik-tanaw sa lahat ng iyong ginawa at kinain kapag nakakita ka ng kakaiba sa iyong vaginal discharge, ngunit hindi ka dapat matakot kaagad dahil maraming mga kulay ang talagang normal. Kahit na walang ibang naiiba sa iyong pang-araw-araw na buhay, baka gusto mong malaman pa rin kung ano ang kahulugan ng mga kulay na ito.

Ano ang mga kulay ng vaginal discharge?

This image has an empty alt attribute; its file name is Website-Materials_EVERY-COLOR-EVERY-HUE-VAGINAL-DISCHARGE-COLOR-GUIDE-min-767x1024.jpg
Source: https://www.medicalnewstoday.com/articles/322232#what-is-vaginal-discharge

Malinaw

Karaniwan ang malinaw na discharge. Karaniwan itong madulas o parang puti ng itlog. Ang iyong vaginal discharge ay malamang na magiging malinaw kapag ikaw ay nag-obyula o napukaw nang sekswal, o kapag ang pwerta ay muling binabalanse ang sarili.

Puti

Ang mga kulay ng puti na makikita mo ay maaaring saklaw mula sa tila egghell hanggang krema. Ang puting discharge ay madalas na normal at tanda ng malusog na pagpapadulas ng pwerta. Kung hindi ito sinamahan ng iba pang mga nakakagambalang sintomas, hindi ka dapat mag-alala.

Tignan ang lapot at amoy. Makapal na lapot na katulad ng cottage cheese, tila matubig, malakas o masangsang na amoy, pangangati, o tila nasusunog na pakiramdam ay maaaring mga palatandaan ng isang impeksyon. Kung napansin mo ang alinman sa mga ito kasama ang puting vaginal discharge, mabuting kumunsulta na sa isang doktor.

Pula o Kayumanggi

Karaniwang naglalabas ang iyong katawan ng pula o kayumanggi na madugong discharge sa iyong regla. Maaaring kulay matingkad na pula hanggang sa tila kalawang na kayumanggi. Ang pagkakaroon ng discharge na ganito ang kulay ilang araw bago o pagkatapos ng iyong panahon ay maaaring maagang pagdugo o natirang dugo.

Inirerekumenda na makita ang isang doktor kung nakakaranas ka ng pagdurugo sa pagitan ng mga regla o labis na magdugong discharge buong buwan.

Rosas

Ang rosas na discharge ay maaaring magpahiwatig na mayroong kaunting pagdurugo na nangyayari, ngunit hindi palaging nangangahulugang isa itong emerhensiya! Ang blush pink hanggang sa matingkad na rosas na discharge ay maaaring marka na padating na ang iyong regla o simula na ng iyong siklo ng regla.

Ang pakikipagtalik ay maaari ring magresulta sa kulay rosas na discharge, lalo na kung may maliit na sugat o iritasyon sa pwerta o serviks.

Ang mga problema sa kalusugan ay maaari ring magreresulta sa discharge na rosas. Kung napansin mo o nakakaranas ng anumang kakaiba sa iyong katawan, pumunta sa iyong doktor.

Dilaw o Berde

Ang discharge na may konting pagkadilaw na kulay ay normal, at hindi karaniwang nangangahulugang mayroong problema. Ang uhog mula sa pwerta at serviks ay minsan nagiging dilaw kapag nahanginan. Ang mga pagbabago sa diyeta o suplemento sa kalusugan ay maaari ring gawing dilaw ang iyong discharge.

Kung kulay madilim na dilaw hanggang berde ang discharge, maaaring senyales ito ng impeksyon, lalo na kung sinamahan ng iba pang mga sintomas. Kumunsulta sa tagabigay ng serbisyong pangkalusugan kung malapot at masangsang ang amoy, at nakakaranas ng pangangati, tila nasusunog na pakiramdam, o anumang hindi komportable na pakiramdam sa pwerta.

Kulay-abo

Hindi malusog ang kulay-abo na discharge, at maaaring maging senyales ng bacterial vaginosis (BV) o trichomoniasis. Ang iba pang mga sintomas na maaari rin nilang ipakita ay ang pangangati, iritasyon, malakas na amoy, at pamumula sa paligid ng bulba o pagbubukas ng pwerta.

Pumunta kaagad sa iyong doktor kung mayroon kang discharge na kulay-abo. Maaari kang resetahan ng antibyotiko pagkatapos ng tamang pagsusuri at dyagnosis.

Kailan dapat ako mag-alala?

Ang mga impeksyon at pagbabago sa antas ng mga hormon ay karaniwang sanhi ng mga pagbabago sa vaginal discharge. Kung napansin mo ang anumang kakaiba sa kulay, tignan din ang iba pang mga sintomas na ito:

  • Pangangati
  • Tila nasusunog na pakiramdam
  • Pananakit o hindi komportable
  • Malakas at masamang amoy
  • Mabula-bulang discharge
  • Malapot na discharge, tulad ng cottage cheese
  • Pagdurugo na hindi nauugnay sa iyong regla

Ang iyong katawan ay magbibigay ng mga senyales at mga pahiwatig kung may mali. Pumunta sa iyong doktor kung nakakaranas ng alinman sa mga sintomas na ito upang makapagpasuri ka at magamot kung kinakailangan.

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/vaginal-discharge-color-guide#takeaway

https://www.medicalnewstoday.com/articles/322232.php#outlook

https://www.self.com/story/vaginal-discharge-colors

Please follow and like us:

80 thoughts on “Gabay Sa Mga Kulay Ng Vaginal Discharge

  1. hi po..tanong qoh lng poh about s asawa qoh poh, ngkaroon poh xa ng white menstration,?normal poh b un?.ndi poh kc kulay pula ung lumabas n mens nya, maari poh b n buntis xa?nka2ramdam dw poh kc xa ng sintomas eh..slmt poh

  2. Hillo po.. Tanong ko Lang po bakit my Lumabas ari parang bilog bilog puti pero hindi hindi MN sakit ari ko hindi rin Makati parang normal pakiramdam ko..

  3. Hello po ask ko lang kung normal lang ba ang berdeng discharge na parang tubig po hindi naman po masakit yung ari ko, but nababahala masyado ako if ano itong nararamdaman ko. Tapos po nakakaramdam ako ng pagkahilo,naduduwal,sakit sa puson pero kakatapos ko lang mag regla. Natatakot po ako na meron akong gonorrea. Pls reply po need ko po kasagutan nyo!

    1. Hi Isabella! Maraming posibleng sanhi ng iyong nararanasan, gaya ng impeksyon o kondisyon. Doktor lang po ang makakasuri sa inyo. Mabuting makipag-ugnay na kaagad sa OB/GYN ukol dito o magpunta sa malapit na health center para makita ang sanhi at mapayuhan ka kung ano ang angkop na lunas para sa iyong sitwasyon.

  4. yung akin po naman ay my pagka light green at buo na discharge medyo makati sa loob ng pwerta continue po ako sa pills. ano pa kaya mga dahilan bakit nagkaganoon po ako. at saka hindi pa po ako nagpapa papsmer tatlong beses na ako nanganak. saan ho kaya ako pwedeng magpunta?

  5. Im 48 years old ang itatanong kopo ay dalawang bwan napo akong pagkatapos ng regla ko ay may lumalabas parin na pakunti kunting subrang labnaw na dugo ano po kaya ito SALAMAT PO

    1. Hi Cresilda! Sa iyong edad po, malaking tsansa po na kayo’y nasa perimenopause na, o ang yugto bago ang mismong menopause. Sa panahon na ‘to, maaaring madalas na kayo makaranas ng mga sintomas tulad ng irregular menstruation, ilang buwan na walang regla, spotting, o kaya mabigat na daloy ng pagdurugo kapag niregla. Pero mas mainam pa rin po na ikonsulta ito sa OB/GYN para masuri kung ito ba ay sanhi ng isang kondisyon.

  6. Hello po sa inyo. Tanong ko lang po sa ka live in ko naman po bakit po pagkatapos namin mag do ay minsan dinudugo sya tapos may buwan din na kahit tapos na regla nya eh sa white blood nya may kasamag dugo ng kunti. Ano po ang possible naming gawin. Salamat po

    1. Hi Rosell! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.

      Basahin po ito: https://doitright.ph/tl/pagdurugo-pagkatapos-ng-pagtalik/

      Mabibili ang EZ Lubricating Jelly sa pangunahing botika at convenience store. Maaari mo rin ito mabili online!
      Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/trust-philippines-1524467118/
      Shopee: https://shopee.ph/trust.premiere.ez

  7. Hi pwede pong magtanong ask ko Lang po regular po mens ko then nagkaroon po kami Ng contact no partner noong October 16 last mens ko po e nung 8 pa Ng October then this past few weeks po nakaramdam po ako Ng sintomas Ng pagbubuntis tulad Ng naduduwal, parang laging busog, mild cramps, naliliyo then nag pt po ako twice bale lumabas po 2 lines pero mejo fainted po Yung isang line then akala ko po buntis na ko kase hanggang 8 po expected ko then Yun po nito lang November 11 nagkamens po ako una mahina then the next day malakas na po sya then may buong dugo na po na kasama na may kasamang kulay white po na buo din e naalala ko po uminom po ako Ng mefenamic last week naka 10 tablet kase masakit po ngipin ko nito ko lang po nalaman na bawal po pala Ang mefenamic sa buntis hanggang ngayon po sobrang sakit Ng puson ko 2nd day saka Ng ulo ko may kinalaman po Kay pag inom ko Ng mefenamic sa pagkakaroon ko Ng mens??? O nakunan po ako Salamat po

      1. Hi po I’m 25 yrs old at nkararanas po aq ng brown discharge peo wlang amoy. Ng umpisa po ito nung nov 25 nung una po ay kasing laki lang po ng 4 na dots ung brown discharge sa panty q po tz ngaung 27 dumami mo cia peo nd nmn po tumagos sa panty. Nakakaranas dn po aq ng minsanang pgsakit ng puson cmula ng magkaroon aq ng brown discharge. Nov 7-13 po ay ngkaroon aq ng mens peo nakaka 2 pads lang ako nang mga 2-3 days ng mens q tz nov 16,21 at 22 ngkaroon kmi ng contact ng partner q.Stress din po aq at kadalasang late na aq nakakatulog. Ano po kayang maaaring pakahulugan ng nararamdaman q ngaun. Maraming salamat po

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon