fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Gabay Sa Mga Kulay Ng Vaginal Discharge

Vaginal Discharge Color Guide

Ang iyong vaginal discharge ay tumutulong na panatilihing malinis, malusog, at madulas ang iyong pwerta. Ang pwerta ay may sariling sistema at kapaligiran kung saan ang balanse ng bakterya, pH, at kahalumigmigan ay magkakakonektado. Ang mga pagbabago sa labas at loob ng katawan ay madaling makaapekto sa balanse na ito.

Bagaman karaniwan na ang iyong vaginal dischare ay magbabago-bago sa buong siklo ng regla, maaari kang makakita ng ilang mga kakaibang pagbabago na maaaring mapa-isip ka kung normal pa ba ito β€” lalo na sa kulay.

Maaari mong simulan ang pag-balik-tanaw sa lahat ng iyong ginawa at kinain kapag nakakita ka ng kakaiba sa iyong vaginal discharge, ngunit hindi ka dapat matakot kaagad dahil maraming mga kulay ang talagang normal. Kahit na walang ibang naiiba sa iyong pang-araw-araw na buhay, baka gusto mong malaman pa rin kung ano ang kahulugan ng mga kulay na ito.

Ano ang mga kulay ng vaginal discharge?

This image has an empty alt attribute; its file name is Website-Materials_EVERY-COLOR-EVERY-HUE-VAGINAL-DISCHARGE-COLOR-GUIDE-min-767x1024.jpg
Source: https://www.medicalnewstoday.com/articles/322232#what-is-vaginal-discharge

Malinaw

Karaniwan ang malinaw na discharge. Karaniwan itong madulas o parang puti ng itlog. Ang iyong vaginal discharge ay malamang na magiging malinaw kapag ikaw ay nag-obyula o napukaw nang sekswal, o kapag ang pwerta ay muling binabalanse ang sarili.

Puti

Ang mga kulay ng puti na makikita mo ay maaaring saklaw mula sa tila egghell hanggang krema. Ang puting discharge ay madalas na normal at tanda ng malusog na pagpapadulas ng pwerta. Kung hindi ito sinamahan ng iba pang mga nakakagambalang sintomas, hindi ka dapat mag-alala.

Tignan ang lapot at amoy. Makapal na lapot na katulad ng cottage cheese, tila matubig, malakas o masangsang na amoy, pangangati, o tila nasusunog na pakiramdam ay maaaring mga palatandaan ng isang impeksyon. Kung napansin mo ang alinman sa mga ito kasama ang puting vaginal discharge, mabuting kumunsulta na sa isang doktor.

Pula o Kayumanggi

Karaniwang naglalabas ang iyong katawan ng pula o kayumanggi na madugong discharge sa iyong regla. Maaaring kulay matingkad na pula hanggang sa tila kalawang na kayumanggi. Ang pagkakaroon ng discharge na ganito ang kulay ilang araw bago o pagkatapos ng iyong panahon ay maaaring maagang pagdugo o natirang dugo.

Inirerekumenda na makita ang isang doktor kung nakakaranas ka ng pagdurugo sa pagitan ng mga regla o labis na magdugong discharge buong buwan.

Rosas

Ang rosas na discharge ay maaaring magpahiwatig na mayroong kaunting pagdurugo na nangyayari, ngunit hindi palaging nangangahulugang isa itong emerhensiya! Ang blush pink hanggang sa matingkad na rosas na discharge ay maaaring marka na padating na ang iyong regla o simula na ng iyong siklo ng regla.

Ang pakikipagtalik ay maaari ring magresulta sa kulay rosas na discharge, lalo na kung may maliit na sugat o iritasyon sa pwerta o serviks.

Ang mga problema sa kalusugan ay maaari ring magreresulta sa discharge na rosas. Kung napansin mo o nakakaranas ng anumang kakaiba sa iyong katawan, pumunta sa iyong doktor.

Dilaw o Berde

Ang discharge na may konting pagkadilaw na kulay ay normal, at hindi karaniwang nangangahulugang mayroong problema. Ang uhog mula sa pwerta at serviks ay minsan nagiging dilaw kapag nahanginan. Ang mga pagbabago sa diyeta o suplemento sa kalusugan ay maaari ring gawing dilaw ang iyong discharge.

Kung kulay madilim na dilaw hanggang berde ang discharge, maaaring senyales ito ng impeksyon, lalo na kung sinamahan ng iba pang mga sintomas. Kumunsulta sa tagabigay ng serbisyong pangkalusugan kung malapot at masangsang ang amoy, at nakakaranas ng pangangati, tila nasusunog na pakiramdam, o anumang hindi komportable na pakiramdam sa pwerta.

Kulay-abo

Hindi malusog ang kulay-abo na discharge, at maaaring maging senyales ng bacterial vaginosis (BV) o trichomoniasis. Ang iba pang mga sintomas na maaari rin nilang ipakita ay ang pangangati, iritasyon, malakas na amoy, at pamumula sa paligid ng bulba o pagbubukas ng pwerta.

Pumunta kaagad sa iyong doktor kung mayroon kang discharge na kulay-abo. Maaari kang resetahan ng antibyotiko pagkatapos ng tamang pagsusuri at dyagnosis.

Kailan dapat ako mag-alala?

Ang mga impeksyon at pagbabago sa antas ng mga hormon ay karaniwang sanhi ng mga pagbabago sa vaginal discharge. Kung napansin mo ang anumang kakaiba sa kulay, tignan din ang iba pang mga sintomas na ito:

  • Pangangati
  • Tila nasusunog na pakiramdam
  • Pananakit o hindi komportable
  • Malakas at masamang amoy
  • Mabula-bulang discharge
  • Malapot na discharge, tulad ng cottage cheese
  • Pagdurugo na hindi nauugnay sa iyong regla

Ang iyong katawan ay magbibigay ng mga senyales at mga pahiwatig kung may mali. Pumunta sa iyong doktor kung nakakaranas ng alinman sa mga sintomas na ito upang makapagpasuri ka at magamot kung kinakailangan.

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/vaginal-discharge-color-guide#takeaway

https://www.medicalnewstoday.com/articles/322232.php#outlook

https://www.self.com/story/vaginal-discharge-colors

Please follow and like us:

80 thoughts on “Gabay Sa Mga Kulay Ng Vaginal Discharge

  1. Hai.po gusto kolang po tanongin Kung normal poba to nagkaron po ako nung feb2 2021 and nagkaron din po ako ulittt nung Feb 22 or 23 normal poba yun.?ngayong nMan pong buwan ng march HINDe po anko dinadatnan pero parang may lumalabas saken na parang kulay brown na parang may buo buo HINDe kopo alam Kung normal poba ito last po nang march ngayong pero dikopo sure Kung regla naba to??Sana po mapansin

    1. Hi, Shasha! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo na walang kinalaman sa regla, kasama na rito ang stress, timbang, diyeta, pagbabago sa antas ng mga hormon, at iba pa. Baka makatulong po sa inyo ang pagbabawas sa stress at paggawa ng libangan na nakakarelaks. May ibang sintomas pa po bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay rin sa OB/GYN o malapit na health center para masuri kung ano sanhi nito at mapayuhan ka kung ano pwedeng lunas. Basahin rin po ito: https://doitright.ph/tl/abnormal-na-pagdurugo-ng-ari-ng-babae/

  2. Hai po.pwede po mgatanung sana masagot..
    Nagmens po aku nung feb.23 tas march 10 po ata my parang malapot na dugo na lumalabas sakin kunti kunti lng hanggang ngaun po meron pa.pero dipa po aku denadatnan ngaung marso po.

    1. Hi, Angelica! Maraming pwedeng magdulot ng mga pagbabago sa regla, at kasama rito ang ilang mga impeksyon, sakit, stress, diyeta, at biglaang pagbabago ng timbang. May ibang sintomas pa bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay sa OB/GYN o magpunta sa malapit na health center para magpasuri kung ano ang sanhi at mapayuhan ka kung ano pwedeng solusyon para dito. Baka makatulong rin ito sa iyo: https://doitright.ph/tl/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-iregular-na-siklo-ng-regla/

  3. Magtatanong lang po sana ako
    Today ko lang po nakita feb 21 2021
    Naghubad po ako ng panty then parang may sumabit na akala ko white mens pero may halong red ang kulay e kattapos ko lang po magmens nung feb 10 ano po ba iyon sana po ay matulungan nyo ko

    1. Hi, Gladys! Minsan po may mga babaeng maaaring makaranas ng spotting o kaunting pagdurugo kapag sila’y nasa ovulation stage. Kung ang inyong regla po ay nung Feb 10, posible po na kayo’y ovulating na ngayon kaya nakaranas ng kaunting pagdurugo. Karaniwang naman po wala itong malubhang dulot sa inyong kalusugan at madalas na hindi naman indikasyon ng malubhang sakit, pero mainam rin po na ikonsulta ito sa malapit na health center lalo na kung may iba pang sintomas na napapansin.

  4. Hello po. Irregular po kasi ang pagre-regla ko. Last December 8, 2020 pa ako last na dinatnan. Next menstrual cycle ko is Feb 14, 2021. Nakaranas ako ng sobrang sakit sa puson ko. Lalo na sa may bandang singit. 2 days akong hindi makatayo. Kapag nakahiga ako, walang dugo na lumalabas. Tapos napansin ko po, may parang puting sipon ang lumabas kasama ng menstruation ko. Normal lang po ba ‘yun? BTW, 24 yrs old ko pa lang po. Walang karanasan sa pagtatalik.

    1. Hi, Gleana! Ang puting sipon na inyong naranasan ay vaginal discharge, na normal at likas na nililikha ng katawan para mapanatiling malinis ang puwerta. Ang pananakit po ng inyong puson ay maaaring sanhi ng ibang kondisyon, kaya mainam po na ikonsulta ito sa OB/GYN o malapit na health center para masuri ka at mapayuhan sa ankop na lunas.

  5. Hi po maam Dec. Po may regla ako pero pag ka January wala napo.. Tapos December nagtalik kami ng kasintahan ko, after po nun may lumabas na parang spotting na dugo almost 10days po yun after a week dinugo ako. Pagka January wala na akong regla po. But marami lumabas na yellow sa akin at masangsang na amoy ano po ba ito?
    At saka di ako dinugo.. It’s is have a indication of pregnancy or STD.

  6. hi po sana may makasagot sa aking katanungan
    cs po ako at IUD 3yrs na po
    ang akin po ay parang nagkaroon po ng amoy ung ari ko
    mag 1 week na po palagi pong basa ndi po normal na basa at mejo my bahid ng dugo
    ndi po as ing dugo kung baga po parang hugas isda ganung kulay po
    tapos my amoy last night po nag making love po kami ni LIP ko dun ko po naramdaman na parang ang sakit ng kalooban ko at pag katapos po nun parang nag ka dugo ako pag punas ko
    na tatakot po ako bka po may sakit na ako😣😣😣

    1. Hi Merly! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.

      Maraming posibleng makaapekto sa amoy ng vaginal discharge, kasama na ang kinakain at gamot na iniinom, pati na rin ang ilang impeksyon at kondisyon.

      Mabibili ang EZ Lubricating Jelly sa pangunahing botika at convenience store. Maaari mo rin ito mabili online!
      Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/trust-philippines-1524467118/
      Shopee: https://shopee.ph/trust.premiere.ez

  7. Magtatanong lang po at sana masagot.. Niregla po ako noong Nov. 21 to 24, at nagtalik po kami ng aking kasintahan sa ovulation day ko which is Dec. 2. Simula Dec. 3 hanggang ngayon Dec. 7 nagdischarge ako ng yellow na parang berde pero wala naman po akong nararamdaman na kahit ano, at wala ring malakas o masamang amoy. Kapag lumalabas po sya para akong nireregla kc basang basa tlaga.. Normal po ba ito?

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon