ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Hepatitis B

hepatitis b, sti, sexually transmitted infection, reproductive health, family planning

Ang hepatitis B ay impeksyon na dulot ng isang mikrobiyo, at nakakaapekto sa atay. Batay sa mga pagtatantya ng WHO (World Health Organization) noong 2016, 8.5 milyong Pilipino ang mayroong hepatitis B.

Paano Ito Makuha

Ang Hepatitis B ay napapasa sa pamamagitan ng palitan ng semilya, likido sa ari, dugo, o ihi sa panahon ng oral, vaginal, o anal sex nang walang proteksyon. Maaari mo rin makuha ang hepatitis B sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga karayom, panggupit ng kuko, pang-ahit, o sipilyo sa ngipin sa isang tao na mayroon nung mikrobyo, o sa pamamagitan ng pagpapatattoo o pagpapabutas gamit ang mga nahawaang kagamitan.

Ano Ang Mga Sintomas

Maraming mga taong may hepatitis B ang hindi nakakaalam na mayroon sila nito—maaaring mabuti namang ang pakiramdam nila, o baka akala nila mayroon lang silang trangkaso. Ang ilang mga tao ay may mga sintomas na ito:

  • Naninilaw ang balat o mata.
  • Walang gana kumain.
  • Pagod na pagod ang pakiramdam.
  • Kayumanggi o maitim na ihi.
  • Maputi o kulay-abo ang dumi.
  • Pananakit ng tiyan, kalamnan o kasukasuan.

Paano Ang Pagsuri Nito

Ang iyong doktor ay gagawa ng isang simpleng pagsusuri sa dugo kung sa palagay niya ay mayroon kang hepatitis B. Walang lunas para sa hepatitis B, ngunit sa ilang mga tao, nawawala ito nang kusa, habang ang ilan naman ay buong buhay nang mayroon nito. Mayroong mga gamot na makakatulong sa atay ng mga taong may panghabang buhay na hepatitis. Kahit na wala kang mga sintomas, maaari mo pa ring ipasa ito sa iba kung makikipagtalik nang walang proteksyon.

Paano Mapupuksa Ito

Gayunpaman, maiiwasan mo ang hepatitis B sa pamamagitan ng pagkuha ng bakuna, na isa sa mga inirerekumenda para sa mga sanggol. Kung wala kang bakuna na hepatitis B, dapat mong ipaalam sa iyong doktor.

Pinagmulan:

http://www.teensource.org/std/hepatitis-b

Please follow and like us:
error

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon