Maraming mga sabi-sabi tungkol sa pag-iwas sa pagbubuntis, at mahalagang klaruhin ang lahat upang maiwasan ang pagkalito at mga problema. Kaya narito kami upang linawing ang isa sa mga sikat na sabi-sabi na maaaring pinaniniwalaan pa rin ng ilang tao: anal sex at pagbubuntis.
Sa katotohanan, ang anal sex ay hindi direktang nagiging sanhi ng pagbubuntis. Para maging mas malinaw ang mga bagay, narito kung paano nangyayari ang pagbubuntis.
Ang pagbubuntis ay maaaring mangyari lamang kapag ang isang esperma (sperm cell), na nilalaman sa loob ng semilya ng isang lalaki, ay napertilisa ang selulang itlog (egg cell) ng isang babae. Para mapertilisa ang isang selulang itlog, ang esperma ay dapat na nasa pwerta upang lumangoy sa serviks at makapasok sa matris. Mula doon ay lalangoy ito papunta sa fallopian tube upang matagpuan at mapasok ang selulang itlog.
Walang koneksyon sa pagitan ng anus at ng organong reproduktibo ng babae, kung saan ang mga selulang itlog at kung saan maaaring mangyari ang pagbubuntis.
Kahit na ang pagbubuntis ay hindi maaaring mangyari mula sa anal sex, mayroon pa ring isang malaking PERO.
May posibilidad na mangyayari ang pagbubuntis kung ang semilya ay makarating sa pwerta sa ibang paraan.
Ang mga esperma ay napaka bilis at siglang lumalangoy. Pwedeng mapertilisa ang isang selulang itlog kahit na manggaling lamang ito sa isang patak o bahid ng semilya na napasok sa pwerta, o kapag ang semilya ay napunta lamang malapit sa pagbubukas ng pwerta. Ito ay maaaring mangyari kung ang binulalas na semilya sa anus ay tumula sa bulba (vulva), o ang pwerta ay pinasukan ng daliri o laruang sekswal na may bahid ng semilya. Naligaw na esperma bago o pagkatapos ng hindi protektadong anal sex ang kailangan lamang para mangyari ang pagbubuntis.
Maaari ka pa ring makakuha ng mga STI mula sa anal sex.
Ang anal sex ay isang paraan upang maipasa o makuha ang mga sexually transmitted infection (STI). Ang mga peligro ay mas mataas din dahil ang tumbong ay hindi gumagawa ng sarili nitong pagpapadulas at ang balat nito ay mas madaling masugat. Ang mga punit at sugat sa balat ay nagsisilbing daan para mas madaling makapasok sa katawan o maipasa ang mga impeksyon. Tandaan na ang mga STI ay hindi palaging nagpapakita ng mga senyales at sintomas. Kahit na walang napapansing kakaiba, maaari mo pa ring makuha o ipasa ang mga ito.
Ang mga personal na pampadulas ay makakatulong upang maiwasan ang mga sugat sa rectal lining habang pinapanatili ang kasiyahan at sensasyon. Mabuting tandaan na hugasan ang ari (ng lalaki) o laruang sekswal, palitan ang condom, at maglagay ng sapat na pampadulas bago pumasok sa pwerta. Ang bakterya sa anus ay dapat manatili sa anus dahil maaari itong humantong sa mga impeksyon kung pumasok sa pwerta.
Ang dapat tandaan.
Ang pagbubuntis mula sa anal sex ay lubos na malabong mangyari. Mangangailangan ng iba’t ibang mga kadahilanan para sa ito ay posible. Ang dapat mo ring alalahanin ay ang mga panganib sa kalusugan na dinadala ng anal sex.
Upang magkaroon ng isang kasiya-siyang karanasan, kakailanganin mong tandaan ang tatlong P: pahintulot, pag-iingat, at proteksyon.
Makipag-usap sa iyong kasosyo kung may nais kang subukan sa pagtalik. Kunin muna ang kanyang pahintulot bago niyo subukan ang anal sex.
Dahil ito ay itinuturing na aktibidad na mataas ang panganib (high-risk activity), ang paggawa ng mga hakbang sa pag-iingat at pag-alam ng mga tamang impormasyon ay makakaiwas sa anumang hindi kanais-nais na mga problema sa hinaharap. Bumili na ng pampadulas at maglaan ng oras magbasa tungkol sa paano mag-anal sex nang ligtas para maganda ang karanasan ninyong dalawa.
Ang paggamit ng proteksyon ay ang pinakamahusay na paraan upang mapalayo ang mga STI at pagbubuntis. Ang mga condom ay mahusay na kontraseptibo laban sa mga impeksyon at pagbubuntis. Mayroong iba pang mga kontraseptibo na epektibong maiiwasan ang hindi planadong pagbubuntis. Ang pagtalakay sa doktor ay makakatulong sa iyo na malaman ang higit pa tungkol sa mga ito.
Mga pinagmulan:
https://www.healthline.com/health/can-you-get-pregnant-from-anal#takeaway
https://www.medicalnewstoday.com/articles/325889.php#other-myths