fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Iba’t-Ibang Amoy Ng Ari At Ang Kanilang Mga Sanhi

Vaginal Odors

Ang malusog na ari at maaaring magkaroon ng iba’t-ibang amoy, pero hindi dapat ito mangamoy bulaklak.

Ang telebisyon ay nilulunod tayo sa maraming patalastas para sa mga femine wash at mga feminine product (tulad ng napkin) na pinagmamalaki ang kanilang amoy na “passionate bloom” o “fresh blossoms”. Lahat ng mga produktong ito ay sinisikap na itago ang natural na amoy ng ari, at pinaparamdam sa atin na dapat mahiya tayo sa natural na gawain ng ating katawan.

Ang ari ay tahanan ng bilyun-bilyong likas na bakterya, at pwedeng magbago ito araw-araw — at minsan kada oras. Ang iyong kinakain at kalagayan ng kalusugan ay maaaring makaapekto sa amoy ng ari. Normal lang na magbago ang amoy kasabay ng pagbabago sa mga antas ng hormon sa siklo ng regla, pagbubuntis, at menopos. Maliban doon, ang singit ay may mga glandula ng pawis (sweat glands), kaya hindi na kagulat-gulat kung bakit may amoy ang ari.

May iilang karaniwang amoy ng ari na malamang mararanasan ng mga babae kahit isang beses sa kanilang buhay, at narito ang ilan:

Matamis

Ang matamis na amoy ay karaniwan, at hindi dapat ikabahala. Maliban sa pagbabago sa antas ng pH ng ari at mga likas na bakterya, ang iyong kinain ay pwede ring dahilan ng matamis na amoy. Ang mga prutas na sitrus tulad ng kahel at pinya ay posibleng makatamis sa amoy ng ari.

Ngunit, ang sobrang pagdami ng yeast sa ari ay pwede rin magresulta sa pagkatamis ng amoy ng ari. Kung ang matamis na amoy ay sinamahan ng tila nasusunog na pakiramdam, pangangati, o pakiramdam na tuyo ang pwerta, mainam na magkonsulta sa OBGYN tungkol dito.

Maasim

Karaniwan na lumikha ng maasim na amoy ang ari. Sa katunayan, ang malusog na ari at ang ilang mga pagkain tulad ng yogurt at sourdough ay mayroong parehong klase ng mabuting bakterya: lactobacilli.

Ang maasim na amoy ay posibleng dulot ng kaasiman (acidity), kung paano dapat ang antas ng pH ng isang malusog na ari. Ang kaasiman ay pinananatili ng lactobacilli, na pinipigilan ang mga masasamang bakterya na dumami masyado.

Mala-bakal

Ang malatanso at bakal na amoy ay karaniwan at bihirang senyales ng seryosong problema.

Baka naamoy mo na ito noon tuwing nireregla. Dahil ang dugo ay mayroong iron, isang uri ng bakal, madalas na ito ang pinagmulan ng malabakal na amoy. Ang regla ay halo ng dugo at tisyu mula sa lining ng matris, na dumadaloy sa pwerta at ari tuwing nireregla.

Baka nakaranas ka na rin konting pagdurugo pagkatapos magtalik, na nagreresulta rin sa malabakal na amoy mula sa ari. Pagkatuyo ng pwerta at marahas na pagtalik ay mga karaniwang dahilan ng maliliit na sugat na nagsasanhi sa pagdurugo. Maaaring makatulong ang paggamit ng pampadulas gawa sa tubig (water-based lubricant) gaya ng EZ Lubricating Jelly para maiwasan ito sa susunod. Kung nagtalik nang walang condom, ang malabakal na amoy ay pwede ring resulta ng paghalo ng semilya at likido ng pwerta.

May iilang seryosong kaso ng pagdurugo na pwede rin magdulot ng malabakal na amoy. Mabuting magpunta na sa doktor kaagad kung nakakaranas ng pagdurugo na walang kinalaman sa iyong regla at kung ang malabakal na amoy ay nagtagal at sinamahan pa ng pangangati o vaginal discharge.

Malansa

Kung amoy malansa na tila isda ang ari mo, baka senyales na iyan ng seryosong sitwasyon.

Ang malansang amoy ng ari ay kadalasang sanhi ng impeksyon, alinman sa bacterial vaginosis o trichomoniasis — pero huwag mag-alala! Parehong ito ay pwedeng magamot ng antibyotiko.

Baka mayroon kang bacterial vaginosis kung ang malansang amoy ay lumakas pagkatapos magtalik, at dumami ang vaginal discharge. Ang impeksyong ito ay dulot ng sobrang pagdami ng bakterya na gumagambala sa sensitibong balanse ng pH ng pwerta. Sa kabilang dako, ang mga sintomas ng trichomoniasis (isang karaniwang sexually transmitted infection) ay malansang amoy, kulay berde na vaginal discharge, pangangati ng ari, at pananakit tuwing umiihi. Karaniwang mas malakas ang amoy dulot ng trichomoniasis kumpara sa bacterial vaginosis.

Pumunta na kaagad sa doktor kung nakakaranas ng alinman sa mga sintomas sa itaas. Susuriin nila kung ano sanhi ng iyong mga sintomas at papayuhan ka kung anong gamot ang iinumin. Huwag subukan mag-douche o gamutin ang sarili dahil pwedeng mapalala nito ang sitwasyon.

Mabaho

Mabahong amoy na nakakakunot ng mukha ay senyales ng malubhang sitwasyon.

Ang pelvic inflammatory disease (PID) ay maaaring magsanhi ng mabahong amoy, pananakit sa puson, at pananakit sa pagtalik. Ang sakit na ito ay malubha at dapat ikonsulta sa doktor kaagad para maiwasang lumala. Sa kabutihang-palad, pwede itong magamot gamit ang mga antibyotiko kapag ikonsulta sa doktor kaagad.

Pwede ring magresulta sa pamamaho ang naiwang tampon sa loob ng pwerta. Posibleng maalis ang nakalimutang tampon nang sarili, pero wala ring kailangan ikahiya sa pagbisita sa OB-GYN para magpatulong at magpasuri.

Malakas na amoy

Ang malakas na amoy na parang body odor ay normal — lalo na kung ika’y aktibong babae — dahil ang mga glandula ng pawis (sweat glands) malapit sa iyong ari ay nagpapakawala ng kahalumigmigan. Kung nababahala ka sa amoy, mabuting bisitahin ang iyong doktor para masiguradong hindi ito sanhi ng impeksyon o kondisyon.

Maliban sa pisikal na aktibidad, ang stress at pagkabalisa ay pwede ring maghikayat sa mga glandula ng pawis na magpakawala ng kahalumigmigan. Ang mga glandula ng apocrine (aprocrine glands; uri ng glandula ng pawis) ay lumilikha ng mala-gatas na likido kapag ika’y na-se-stress o nababalisa. Walang amoy ang likido mismo, pero pwedeng gumawa ng malakas na amoy kapag humalo sa mga bakterya sa iyong bulba o pwerta.

Amoy bleach

Ang amoy na parang kemikal o bleach ay posibleng sanhi ng bahid ng ihi sa panty o bulba. Kung malakas ang amoy, baka senyales na ito ng dehydration o kakulangan ng tubig sa katawan.

May ilang babae rin na sensitibo sa amoy ng mga condom at pampadulas (lubricant). Subukang gumamit ng condom na may banayad na amoy, o mga pampadulas (water-based lubricant) tulad ng EZ Lubricating Jelly.

Kailang dapat pumunta sa doktor

Normal makaranas ng mga pagbabago sa amoy ng ari, pero may ilang mga bagay na dapat mong bantayan.

Kung ang amoy ay nakakakunot na ng mukha, siguradong kailangan mo nang pumunta sa doktor. Mga amoy na parang patay o bulok ay dapat nang bigyan ng atensyong medikal sa lalong madaling panahon.

Mga iba pang sintomas na dapat mong bantayan:

  • Pangangati o hapdi sa ari
  • Pananakit
  • Pananakit sa pagtalik
  • Malapot at puti na vaginal discharge na mukhang cottage cheese
  • Pagdurugo na walang kinalaman sa iyong regla

Paano maiwasan ang mga mababahong amoy

Kalinisan sa katawan

Ang kalinisan sa katawan ay isa sa pinakamahalaga ang pinakamadaling paraan para maiwasan ang pangangamoy ng ari at para mapanatiling mabuti ang kalusugan nito.

Mga gawi pagkatapos magtalik

Ang paggamit ng condom ay nakakaiwas sa paghalo ng semilya at likido ng pwerta na posibleng magresulta sa mabahong amoy kapag sila’y naghalo.

Pag-ihi at paghugas ng ari gamit ang tubig pagkatapos magtalik ay nakakatulong sa pagbanlaw ng mga bakterya na mapanganib makapasok sa pwerta.

Pagbabawas sa asukal at pag-inom ng maraming tubig

Ang pagkain ng matatamis ay nakaka-engganyo sa bakteryang yeast na lumago, at gawing mas malakas ng amoy ng ari.

Nakakapigil sa sobra-sobrang paglago ng bakterya at nakakabawas sa amoy ng pawis ang pag-inom ng maraming tubig araw-araw, kaya nakakahina rin ito sa amoy ng ari.

Mga pinag-mulan:

https://www.healthline.com/health/womens-health/vagina-smells

https://www.cosmopolitan.com/health-fitness/a10241526/vaginal-odors/

https://www.medicalnewstoday.com/articles/317560.php#types-of-vaginal-odor

Please follow and like us:

75 thoughts on “Iba’t-Ibang Amoy Ng Ari At Ang Kanilang Mga Sanhi

  1. Hi po bakit po makati yung gilid ng pwerta ko makita po sya tapos biglang na wala tapos ilas oras o minuto bumabalik po yung kati.. sana po tulungan nyo po ako kasi po kinakabahan na po ako… Sano po mapansin nyo ma’am…

    1. Hi Rhea Lyn! May ibang sintomas pa po bang nararanasan? May ilang posibleng sanhi ng pangangati ng ari, kasama na rito ay ilang mga impeksyon o kaya’y paggamit ng sabon o femine wash na hindi ka hiyang. Araw-araw siguraduhin na malinis ang ari. Hugasan ito gamit ang malinis at maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan ang madalas at matagal na pagsuot ng masisikip na damit, at huwag muna makipagtalik habang hindi pa nawawala ang pangangati o hindi pa nakakapunta sa doktor. Kung lumala pa ito, tumagal nang isang linggo, o may iba pang sintomas na nararanasan, mabuting magpasuri na sa obgyn para malaman ang sanhi at kung ano pwedeng gamot. Baka makatulong rin po ito sa inyo: https://doitright.ph/tl/pagpapanatiling-malinis-ang-ari-ng-babae/

  2. bakit po kaya minsan may masakit sa loob ko pag nakikipag talik, and first time ko po naranasan na after making love sa partner ko may fishy na amoy po. ngayon lang po nangyari sakin na nag karon po ng amoy. maraming salamat po 😟

    1. Hi Adela! Posibleng kakulangan sa pampadulas ang sanhi ng pananakit habang nagtatalik. Baka makatulong ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para gawing mas swabe at kaaya-aya ang pagtatalik, patagalin ang foreplay, o sumubok ng ibang posisyon. Ang fishy smell naman po ay maaaring sanhi ng paghahalo ng iyong vaginal discharge at ng semilya ng iyong partner. Kung nais iwasan ito, mainam na gumamit ng condom tulad ng TRUST o Premiere.

  3. ask ko lang po sana .. bakit po kapag nagtatalik po kami ng asawa ko , ung lumalabas sakin may amoy po .. sana po matulungan niyo po ko .. maraming salamat po ..

    1. Hi! May ilang mga impeksyon na posibleng sanhi ng mabahong vaginal discharge. Ang iyong mga kinakain at iniinom ay puwede ring makasanhi sa pagbabago sa amoy ng iyong vaginal discharge. Posible rin na ang amoy ay resulta ng paghahalo ng iyong vaginal discharge at ang semilya ng iyong partner. Kungnais iwasan ito, mainam na gumamit ng condom tulad ng TRUST o Premiere. Siguraduhin rin na palaging malinis ang ari sa pamamagitan ng paghugas nito araw-araw. Gumamit lamang ng maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan rin ang pagsuot ng masisikip na damit. Basahin niyo rin po ito: https://doitright.ph/tl/ibat-ibang-amoy-ng-ari-at-ang-kanilang-mga-sanhi/

  4. Normal ba na maasim ang ari at singit kapag pinag papawisan? Last month nagpa papsmear ako, ang result ay meron akong bacterial vaginosis. Nag reseta ang ob ko ng vaginal suppository, after 3 days na paggamit ko ng vaginal suppository ay nawala yung asim ng ari ko. Pero after 2 weeks, maasim na naman uli siya. Bakit po kaya ganun? Ano ang reason ng maasim na ari at singit? At paano po ito maiiwasan? Thank you po.

    1. Hi Katherine! Normal pong umaasim ang singit dahil po nagpapawis rin ito at nakukulob ang amoy, lalo na kapag mainit ang panahon. Hindi naman po ito mangangamoy nang husto kung araw-araw naghuhugas ng ari at singit, at araw-araw nagpapalit ng malinis na panty. Iwasan rin po ang matagal at madalas na pagsusuot ng masisikip na damit.

  5. I feel so nervous these few months, I’ve been experiencing fishy smell discharge😔 i don’t know why, i don’t know if its because of making love of my partner😔 i hope you can see my comment . thank you

    1. Hi Cheryl! Do you wash your genitals and change underwear ever yday? Some STIs often cause vaginal discharge to smell fishy. It’s also possible that the mixture of your vaginal discharge with your partner’s semen creates an odd smell. And like stated in the article, what you eat may also affect how your discharge smells. Do you experience other symptoms? Do you observe the fishy discharge every day? It’s best to get checked by an OBGYN soon to find out the cause and the right solution/medication for you.

  6. Hi! Is it normal for a girl to have a period twice a month? I am experiencing this kind of problem 3months already and for this month, my period come last July 14 and it last in a week that’s my normal but then after a week I have my period again the worst thing is the blood that coming out this time have fishy smell and it’s stinky.Please help me

    1. Hi Mhae! There are a lot of things that can affect the menstrual cycle or cause unusual bleeding in between periods. This includes stress, sudden changes in diet and weight, rigorous physical activities (especially if you’re not used to it), changes in hormones, and even medical conditions. The smell of your vaginal discharge may also be affected by what you eat, drink, and take as medicine. Only a doctor can examine you and determine the exact cause of what you’re experiencing, so it’s still best to go have yourself checked for that. For now, wash your private parts every day, reduce stress, and eat a healthy and balanced diet.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon