fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Iba’t-Ibang Paraan ng mga Lalaki sa Pagsisimula ng Pagtatalik

Kapag iniisip natin ang pagtatalik, madalas nating iniisip ang mga pinaka exciting na bahagi nito: ang climax, o ang pag-akyat sa puntong ito. Maraming mga lalaki ang hindi nagbibigay-pansin sa panimulang kabanata ng pagtatalik sa kabila ng katotohanan na ang mga lalaki ay mas madalas nagsisimula ng sex kaysa sa mga babae. Dahil dito, mahalagang malaman ang iba’t-ibang paraan upang masimulan ng mga lalaki ang pakikipagtalik. Makakatulong ito sa pagpapasigla ng kanilang relasyon, lalo na sa mga magkasintahang long-term.

Una sa lahat, kailangan mong kilalanin ang taong gusto mong makasama sa kama. Kailangan mong maintindihan kung ano ang kanyang mga gusto o ayaw. Ito ang susi sa pag turn-on sa iyong partner upang masimulan ang pagtatalik. Ang pag-alam sa kung ano ang pwedeng maka turn-on sa karelasyon mo ay makakatulong sa’yo na makahanap ng iba’t-ibang paraan para simulan ang pagtatalik bukod sa simpleng pagsasabi na nasa mood ka.

Ipaalam sa Iyong Partner na Gusto Mo Siyang Makasama

Magagawa ito sa maraming paraan maliban sa pagsasabi sa kanya na gusto mong makipag-sex. Maaari kang magpadala ng mga sexy text messages o magsimula ng malanding usapan sa kahit anong instant messaging platforms na pwede nating gamitin. Pwede mong sabihin sa iyong karelasyon na gusto mong maging intimate kasama siya sa susunod na magkita kayo. Kung ganun din ang nais niya, maaari mo itong ituring na senyales na seswertehin ka ‘pag nagkita na kayo. Pero ‘wag kang tumigil doon! Subukan mong maging masigasig sa pagpaparamdam sa kanya na gusto mo siya hanggang sa magkasama na kayong dalawa. Ito’y posibleng magpasabik sa partner mo na makipagtalik sa’yo.

Masahiin Mo Siya

Ang pagmamasahe ay hindi lamang nakakatulong sa pagpapalabas ng tensyon sa mga kalamnan. Ito’y isa ring senswal na aktibidad na makakapagpa-relax sa iyong karelasyon. Masahiin mo siya’t kunin mo ang oras na ito upang makipag-usap. Sabihin mo sa kanya kung gaano mo siya na-miss o kung gaano mo siya pinahahalagahan. Posible nitong malagay ang partner mo sa mood.

Maligo Kayo nang Magkasama

Isa ulit itong senswal na aktibidad. Bukod pa rito, kapag naligo kayo nang magkasama ni partner, maghuhubad kayong dalawa. Isa na agad itong kapanapanabik na sitwasyon. Habang naliligo, purihin mo ang kanyang katawan. Bigyan mo rin siya ng mga mapaglarong halik. Madali nitong matutulak ang inyong pagligo tungo sa mas mainit na kaganapan.

Makipag-Foreplay

Ang foreplay ay hindi lang kunya-kunyaring laro. Ito’y tungkol sa pagpapa-engganyo ng sex life sa pamamagitan ng iba’t-ibang gawain bago magtalik. Pero bago mag-foreplay, importanteng kausapin muna ang iyong partner tungkol sa mga pantasyang gusto ninyong maranasan. Pagkatapos ay humanap ng pagkakataon para subukan ang mga pantasyang ito. Huwag mong isipin ang foreplay bilang kakaiba o awkward. Nakakakilig o exciting dapat ang foreplay, at kapag nagawa mo ito nang tama, baka manabik sa pakikipagtalik si partner.

Ayusin ang Kapaligiran Upang Malagay Siya sa Mood

Ang mga tao’y pwedeng maturn-on base sa mga nararanasan nila. Pwede mong ayusin ang mga bagay sa inyong kapaligiran para malagay sa mood ang partner mo: Padilimin mo ang kwarto; magsindi ka ng rose o jasmine-scented na kandila; magpatugtog ng sexy na kanta; at kumain ng strawberries o tsokolate. Tanungin mo na rin si partner tungkol sa mga gusto niyang gawin o maranasan sa kama. Ilan lang ito sa mga pwede mong gawin para kusang maturn-on ang iyong karelasyon.

Tumingin sa mga Mata ng Partner Mo

Ang pagtingin sa mga mata ng iyong karelasyon ay madaling makita bilang senswal, lalo na kapag gagawin mo ito bago siya halikan. Kaya nitong patibayin ang inyong koneksyon at ito ay isang magandang paraan upang maparamdam mo sa kanya ang halaga niya sa’yo. Maaari rin nitong maparamdam kay partner na siya’y ligtas sa presensya mo. Tandaan natin na ang pakikipagtalik ay mayroon ding emosyonal na aspeto, at ang pagpaparamdam ng emosyonal na seguridad sa iyong partner ay maaaring magpalakas ng intimacy sa pagitan ninyong dalawa.

Halikan Mo Siya na Parang First Time Niyo Ulit

Isa sa mga pinakamadaling paraan upang masimulan ng mga lalaki ang pakikipagtalik ay sa pamamagitan ng paghalik sa kanilang partner. Kung ikaw ay nasa isang long-term na relasyon, maaari mong gawing mas espesyal ang mga halik. Bigyan mo siya ng halik na hindi lang nagsasabi ng “tara, magtalik tayo.” Bigyan mo siya ng halik na nagsasabing “kailangan kita” o “mahalaga ka sa akin”. Halikan mo siya gaya ng paghalik mo sa kanya noong nagsisimula pa lang kayo, at maaari nitong palakasin ang inyong relasyon at panatiliing mainit ang mga bagay sa pagitan ninyong dalawa.

Konklusyon

Sa pagbibigay ng effort sa pagsisimula ng sex, masisiguro mong mag-eenjoy kayong pareho ng partner mo. Bukod pa rito, ang focus mo dapat twing nagsisimula ng sex ay ilagay din sa mood ang iyong partner. Sa ganun, ang pagtatalik ay magiging gawain na pareho niyong nais gawin.

Mga Pinagmulan:
https://www.menshealth.com/sex-women/a19540518/12-random-ways-to-turn-her-on/
https://www.marriage.com/advice/physical-intimacy/how-to-initiate-sex-with-your-partner/
https://www.webmd.com/sex-relationships/features/whos-lighting-fire#:~:text=Among%20the%20findings%2C%20published%20in,the%20women%20initiated%20more%20frequently.

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon