fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Init at Lamig: Mga pampagana ng sex life

Labing-labing man o naglalaro ng solo kasama ang iyong paboritong laruan, mahalaga ang iyong kasiyahan at satisfaction.

Pero paano ba lalong pa-iinitin ang sandali? O kaya mas cool, kung iyon ang trip mo?

Oo, ang paglalaro ng temperatura ay maaaring makadagdag sa saya! Ang init at lamig ay nagbibigay ng higit pang sensasyon at maaaring magdulot ng pagpukaw.

Init

Mga warming lubricant

Ang mga warming lubricant ay nagbibigay ng banayad na uri ng init sa lugar kung saan ito ipinapahid. Subukan muna ang ilang patak ng lube sa iyong braso bago gamitin ito sa iyong ari.

Gayundin, maghintay ng ilang minuto upang umangkop sa mga pagbabago sa temperatura. Baka ‘di ka matuwa kapag masyadong maraming warming lube ang nailagay dahil hindi na pala komportable ‘yung labis na init!

Mainit na tsaa o kape

Bago bigyan ng oral sex ang iyong partner, painitin ang iyong bibig sa pamamagitan ng dahang-dahang pag-inom ng tsaa o kape. Ang init ay magbabago sa sensasyon ng iyong mga labi at dila sa iyong kapareha.

Tandaan na hindi mabuti para sa maselang bahagi ng katawan ang asukal at gatas. Maaaring magdulot ito ng yeast infection. Kaya, inumin ang iyong tsaa o kape nang walang gatas o anumang pampatamis.

Gayundin, siguraduhin na ang iyong inumin ay sapat lang ang init – hindi mo nais na mapaso ang ari ng iyong partner!

Wax ng kandila

May mga mag-partner na na-eenjoy ang pakiramdam ng init ng tumutulong wax sa kanilang balat. Kung nais niyo itong subukan, siguraduhin lang na gumamit ng mga kandila na nilikha talaga para sa sensual play, gaya ng mga massage oil candle mula sa mga sex toy shop.

Huwag kailanman isipin na gamitin ang iyong mga ordinaryong kandila sa bahay! Baka masyadong mainit ang mga ‘to, at magdulot ng mga paso.

At dahil kinakailangan nito ng apoy upang tumulo ang wax, maghanda ng pampatay sa kandila kung sakaling lumaki masyado ang apoy.

Lamig

Mga cooling lubricant

Katulad ng warming lubricant, ang mga cooling lubricant ay maaari ding magpatindi ng kasiyahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kakaibang pakiramdam. Ang mga cooling lubricant ay maaaring gamitin kasama ng mga condom kung ito ay water-based, gaya ng EZ Cooling Jelly.

Ngunit, kung mayroon ka nang isang tube ng ordinary lube, maaari mo itong ilagay sa iyong refrigerator sa loob ng ilang minuto upang palamigin ito.

Yelo

Napaka-basic, pero napakaraming pwedeng gawin sa yelo.

Maaari mong ipatak ang natunaw na tubig ng yelo sa iyong partner, ihaplos ang ice cube sa kanilang mga erogenous zone, o gamitin ang ice cube upang palamigin ang iyong bibig bago magsagawa ng oral sex. Maging malikhain hangga’t kaya mo!

Tubig

Kung gagamit ka ng mga sex toy, ang mga yari sa glass o metal ay maganda para sa paglalaro sa temperatura. Maaari mong isawsaw ang iyong laruan sa malamig (o mainit, alinman ang gusto mo) na tubig, o ilagay ito sa refrigerator sa loob ng ilang minuto bago mo gamitin.

Tandaan lamang na subukan muna ito sa iyong kamay upang matiyak na ang temperatura ay sapat na komportable bago mo simulan ang paggamit nito.

Mga pinagmulan:

Sex Tips Series – Warming and Cooling Gels. (n.d.). Sheets of San Francisco. https://sheetsofsanfrancisco.com/sex-tips-series-warming-and-cooling-gels/ 

Gilmour, P. (May 22, 2017). Temperature play sex tips: A beginner’s guide. Cosmopolitan. https://www.cosmopolitan.com/uk/love-sex/sex/a9904870/temperature-play-sex-ice-heat/

EroticFeel. (August 27, 2019). Warming And Cooling Lubes: Which One Is Better For Your Sexual Relations? Erotic Feel. https://www.eroticfeel.com/ww/blog/warming-and-cooling-lubes-which-one-is-better-for-your-sexual-relations 

Brabaw, K. (November 2, 2018). Fire & Ice: A How-To Guide To Temperature Sex Play. Refinery 29. https://www.refinery29.com/en-us/temperature-play-sex-tips 

Kristan X. (March 11, 2022). Of Ice and Fire: A Guide to Kinky Temperature Play. Lascivity. https://www.lascivity.co.uk/of-ice-and-fire-a-guide-to-kinky-temperature-play/ 

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon