fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ito Ang Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Vaginal Yeast Infection (Vulvovaginal Candidiasis)

Yeast Infection, Doctor, Women, Vaginal Yeast Infection, Reproductive Health

Ang pwerta ay natural na may malusog na balanse ng mabuting bakterya at yeast. Ang hormon estrogen ay tumutulong sa lactobacilli (isang bakterya) na lumago, at puksain ang nakakapinsalang mga organismo sa pwerta upang mapanatili kang malusog. Kapag ang balanse na ito ay nagulo, ang candida (isang fungus) ay maaaring lumago nang labis at magreresulta sa yeast infection.

Paano Ito Nakukuha

Kahit sino sa anumang oras ay maaaring magkaroon ng yeast infection. Pwede rin magkaroon nito ang mga lalaki sa kanilang ari at bayag, ngunit hindi ito masyadong karaniwan kumpara sa mga babae.

Larawan galing sa: https://www.netmeds.com/health-library/post/vaginal-yeast-infection-causes-symptoms-and-treatment

Kapag ang balanse sa kapaligiran ng iyong pwerta ay nabago, maaaring lumago nang labis ang yeast at humantong sa isang impeksyon. Ang ilan sa mga bagay na maaaring maging sanhi nito ay:

  • Mga pagbabago sa hormon (tulad ng panahon ng regla, pagbubuntis, o menopos)
  • Diyabetis
  • Mga antibyotiko, cortisone, at iba pang gamot
  • Mahinang resistensya
  • Mga feminine douche at spray 

Ang yeast infection ay hindi itinuturing na sexually transmitted infectionl (STI), gayunpaman, maaari kang magkaroon nito mula sa pakikipagtalik kapag ang iyong katawan ay may masamang reaksyon sa natural na genital yeast at bacteria ng kasosyo.

Mga Sintomas

Ang pangangati sa loob at paligid ng ari ay ang pinakakaraniwang sintomas ng yeast infection. Maaari ka rin makaranas ng:

  • Pamumula at pamamaga ng ari, na tila mainit ang pakiramdam
  • Pananakit o pangingirot ng ari kapag umiihi
  • Pananakit o pangingirot kapag nagtatalik
  • Pananakit at pagkahapdi ng ari
  • Malapot, maputi, at walang amoy na vaginal discharge (mukhang cottage cheese)

Maaaring lahat o iilan lamang sa mga sintomas ang iyong maranasan, ngunit kung minsan may mga sintomas na may pagkakapareho sa iba pang mga kondisyon at STI. Ang tamang pagsusuri ay makakatulong na makakuha ng pinakamahusay na paggamot, kaya mabuti na kumunsulta sa iyong tagabigay ng serbisyong pangkalusugan kung sa palagay mong mayroon kang yeast infection o nakakaranas ng anumang sintomas.

Pano Ito Lunasan

Ang mga antifungal cream, ointment, at mga suppositori ay kadalasang nalulunasan ang yeast infection sa loob ng ilang araw. Ang iyong tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan ay maaari ring magreseta sa iyo ng tableta. Anuman ang ibibigay sa iyo na gamot, siguraduhin na susundan mo ang mga direksyon upang matiyak na ang yeast infection ay lubos na mawala.

Ang priksyon ay maaaring makadagdag sa pangangati o gawing mas mahirap malunasan ang impeksyon, kaya mas mahusay na magpahinga muna sa pakikipagtalik o magpasok ng anumang bagay sa loob ng iyong ari hanggang sa matapos ang paggagamot. Ang ilan sa mga gamot para sa ari ay naglalaman ng langis, na maaaring makasira ng mga condom. Ang yeast infection ay makati at nakakahikayat na magkamot, ngunit subukang pigilan ang iyong sarili na magkamot para mas madali magamot ang impeksyon.

Paano Ito Maiiwasan

Ang paggamit ng condom ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang pagkakaroon at pagpasa ng yeast infection. Kahit na ito ay karaniwang nangyayari, narito ang mga paraan kung paano mo maiwasan ito:

  • Magsuot ng preskong panty tulad ng gawa sa koton
  • Iwasang magsuot ng mga damit na sobrang hapit
  • Huwag mag-douche ng iyong pwerta
  • Gumamit ng mga feminine hygiene products na walang halong pabango
  • Iwasan magbabad sa mga mainit na tubig (gaya ng jacuzzi)
  • Magpalit kaagad kapag basa o mamasa-masa ang damit
  • Laging punasan ang ari mula sa harap papuntang likod pagkatapos magbanyo
  • Regular na palitan ang iyong napkin o tampon kapag nireregla
  • Sikapin na makakuha ng tamang paggamot para sa iyong diyabetis
  • Gumamit lamang ng mga antibyotiko kapag kailangan
  • Panatilihing malinis at tuyo ang iyong ari
  • Panatilihing malinis ang katawan

Mga Pinagmulan:

https://www.webmd.com/women/guide/understanding-vaginal-yeast-infection-basics#1

https://www.plannedparenthood.org/learn/health-and-wellness/vaginitis/what-yeast-infection

https://www.webmd.com/women/guide/10-ways-to-prevent-yeast-infections

Please follow and like us:

97 thoughts on “Ito Ang Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Vaginal Yeast Infection (Vulvovaginal Candidiasis)

  1. Doc ask ko lamang po bakit po nakakaramdam Ng pangangati sa loob ng ari Ang isang lalaki? Anu po Ang mga paraang dapat gawin para maibsan Ang pangangati? Salamat po

    1. Hi Abegail! Paalala lang po na hindi kami mga doktor. May iba’t ibang posibleng sanhi ng pangangati sa loob ng ari. May ibang sintomas pa bang napapansin? Para malaman ano ang pwedeng gawin para maibsan ang pangangati, kailangan malaman ang sanhi nito sa pamamagitan ng pagpunta sa doktor at pagpapasuri.

  2. Hello doc ask ko lang po nag karon ako ng puti na buo buo parang keso tapos nag pa check up po ako sabi yeast infection daw tapos after nun nawala buo buo pero naging medyo yellow naman po sya at medyo may amoy po

    1. Hi Yumi! Paalala lang po na hindi kami mga doktor. OBGYN o doktor po ba ang nagsuri at nagsabing yeast infection iyan? May gamot po bang binigay? Sinundan mo po ba ang payo? Kung hindi nasunod ang payo o paggamot, mainam na magpunta uli sa OBGYN dahil maaaring hindi pa rin nawawala ang impeksyon kahit nagiba na ang vaginal discharge. Mas mabuting maagapan na bago pa lumala.

  3. dok tanong ko lang po kahit hindi pa po ba nakikipagtalik mag kakaroon sya ng yeast infection? 19 palang po kasi ako may lumalabas sakin ng medyo color green iba po yung amoy.

    1. Hi Loisa! Gaya nga po ng sabi sa artikulong ito, hindi lamang pakikipagtalik ang posibleng sanhi ng yeast infection dahil hindi ito karaniwang tinuturing na sexually transmitted infection (STI).

  4. makati po ang pwerta ko,minsan po may lumalabas na white means na may bad odor,sobrang kati po ng pwerta ko..

  5. Hello po dok. Prang namamaga po ung baba ng pwerta ko n prang my bukol medyo maitim n mapula ang kulay.medyo nakirot po at irritated,medyo namamaga po ung laman s loob ng baba ng pwerta ko.

    1. Hi Neggy! Paalala lang po na hindi kami doktor. Sa iyong sitwasyon, mainam na magpunta na kaagad sa OBGYN para magpasuri kung ano ang sanhi ng iyong kondisyon sa pwerta. Sa ngayon, siguraduhin na palaging malinis ang ari at ang sinusuot na mga panty, iwasang makipagtalik muna at iwasang hawakan ang bukol sa iyong pwerta.

    1. Hi Lara! Isang sanhi ng pananakit o pangingirot habang nagtatalik ay ang kakulangan sa pampadulas. Mainam na gumamit ng water-based lube gaya ng EZ Lubricating Jelly para mas komportable at mabawasan ang priksyon. Mabuting umiwas muna makipagtalik habang hindi pa naghihilom ang mga sugat na sanhi ng priksyon. Ngunit, ang mala-kesong vaginal discharge ay maaaring sintomas ng impeksyon, na kailangan ikonsulta kaagad sa doktor para mapayuhan ano ang pwedeng paggamot dito. Kung hindi pa ito nakokonsulta sa doktor, mainam na pumunta na sa lalong madaling panahon. Sa ngayon, laging siguraduhin na malinis ang ari – hugasan ito gamit ang maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty.

    1. Hi Cherry! Mainam na ikonsulta ito sa doktor upang masuri kung meron bang pagsusugat na nangyari at mapayuhan ka kung anong gamot ang pwedeng gamitin. Sa ngayon, siguraduhin na hugasan ang ari gamit ang maligamgam na tubig isa o dalawang beses sa isang araw, at patuyuin ito bago magsuot ng damit.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon