fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ito Ang Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Vaginal Yeast Infection (Vulvovaginal Candidiasis)

Yeast Infection, Doctor, Women, Vaginal Yeast Infection, Reproductive Health

Ang pwerta ay natural na may malusog na balanse ng mabuting bakterya at yeast. Ang hormon estrogen ay tumutulong sa lactobacilli (isang bakterya) na lumago, at puksain ang nakakapinsalang mga organismo sa pwerta upang mapanatili kang malusog. Kapag ang balanse na ito ay nagulo, ang candida (isang fungus) ay maaaring lumago nang labis at magreresulta sa yeast infection.

Paano Ito Nakukuha

Kahit sino sa anumang oras ay maaaring magkaroon ng yeast infection. Pwede rin magkaroon nito ang mga lalaki sa kanilang ari at bayag, ngunit hindi ito masyadong karaniwan kumpara sa mga babae.

Larawan galing sa: https://www.netmeds.com/health-library/post/vaginal-yeast-infection-causes-symptoms-and-treatment

Kapag ang balanse sa kapaligiran ng iyong pwerta ay nabago, maaaring lumago nang labis ang yeast at humantong sa isang impeksyon. Ang ilan sa mga bagay na maaaring maging sanhi nito ay:

  • Mga pagbabago sa hormon (tulad ng panahon ng regla, pagbubuntis, o menopos)
  • Diyabetis
  • Mga antibyotiko, cortisone, at iba pang gamot
  • Mahinang resistensya
  • Mga feminine douche at spray 

Ang yeast infection ay hindi itinuturing na sexually transmitted infectionl (STI), gayunpaman, maaari kang magkaroon nito mula sa pakikipagtalik kapag ang iyong katawan ay may masamang reaksyon sa natural na genital yeast at bacteria ng kasosyo.

Mga Sintomas

Ang pangangati sa loob at paligid ng ari ay ang pinakakaraniwang sintomas ng yeast infection. Maaari ka rin makaranas ng:

  • Pamumula at pamamaga ng ari, na tila mainit ang pakiramdam
  • Pananakit o pangingirot ng ari kapag umiihi
  • Pananakit o pangingirot kapag nagtatalik
  • Pananakit at pagkahapdi ng ari
  • Malapot, maputi, at walang amoy na vaginal discharge (mukhang cottage cheese)

Maaaring lahat o iilan lamang sa mga sintomas ang iyong maranasan, ngunit kung minsan may mga sintomas na may pagkakapareho sa iba pang mga kondisyon at STI. Ang tamang pagsusuri ay makakatulong na makakuha ng pinakamahusay na paggamot, kaya mabuti na kumunsulta sa iyong tagabigay ng serbisyong pangkalusugan kung sa palagay mong mayroon kang yeast infection o nakakaranas ng anumang sintomas.

Pano Ito Lunasan

Ang mga antifungal cream, ointment, at mga suppositori ay kadalasang nalulunasan ang yeast infection sa loob ng ilang araw. Ang iyong tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan ay maaari ring magreseta sa iyo ng tableta. Anuman ang ibibigay sa iyo na gamot, siguraduhin na susundan mo ang mga direksyon upang matiyak na ang yeast infection ay lubos na mawala.

Ang priksyon ay maaaring makadagdag sa pangangati o gawing mas mahirap malunasan ang impeksyon, kaya mas mahusay na magpahinga muna sa pakikipagtalik o magpasok ng anumang bagay sa loob ng iyong ari hanggang sa matapos ang paggagamot. Ang ilan sa mga gamot para sa ari ay naglalaman ng langis, na maaaring makasira ng mga condom. Ang yeast infection ay makati at nakakahikayat na magkamot, ngunit subukang pigilan ang iyong sarili na magkamot para mas madali magamot ang impeksyon.

Paano Ito Maiiwasan

Ang paggamit ng condom ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang pagkakaroon at pagpasa ng yeast infection. Kahit na ito ay karaniwang nangyayari, narito ang mga paraan kung paano mo maiwasan ito:

  • Magsuot ng preskong panty tulad ng gawa sa koton
  • Iwasang magsuot ng mga damit na sobrang hapit
  • Huwag mag-douche ng iyong pwerta
  • Gumamit ng mga feminine hygiene products na walang halong pabango
  • Iwasan magbabad sa mga mainit na tubig (gaya ng jacuzzi)
  • Magpalit kaagad kapag basa o mamasa-masa ang damit
  • Laging punasan ang ari mula sa harap papuntang likod pagkatapos magbanyo
  • Regular na palitan ang iyong napkin o tampon kapag nireregla
  • Sikapin na makakuha ng tamang paggamot para sa iyong diyabetis
  • Gumamit lamang ng mga antibyotiko kapag kailangan
  • Panatilihing malinis at tuyo ang iyong ari
  • Panatilihing malinis ang katawan

Mga Pinagmulan:

https://www.webmd.com/women/guide/understanding-vaginal-yeast-infection-basics#1

https://www.plannedparenthood.org/learn/health-and-wellness/vaginitis/what-yeast-infection

https://www.webmd.com/women/guide/10-ways-to-prevent-yeast-infections

Please follow and like us:

97 thoughts on “Ito Ang Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Vaginal Yeast Infection (Vulvovaginal Candidiasis)

  1. hi po taga mindanao po ako may lumalabas po kasi sa ari ko parang keso po sya mliliit color white task pag umihi po ako grbe ang kati nya po talaga…task maskit balakang ko tska yung kanan na bahgi sa may uterus bnda feel ko pong pag pumipitik sya sumskit po sya….pag dinudukot ko sa ilalim yung dsxhrge ko ksi mnsn d po sya kusng lumalabas amoy gamot po sya bago lang po ako natapos uminom ng pantoprazole kasi lagi bloated tyan ko at sa abdominl ultrasound ko i have enlargement spleen po task may acute gastritis din ksi ako ano kaya dhilan bat ngyon gnto ari ko nangangati

    1. Hi Jane! Marami pong nakakaapekto sa vaginal discharge, at kasama na po dito ang mga kinakain at mga iniinom na gamot. Posible pong epekto ito ng gamot na iyong iniinom. Mabuti pong makipag-ugnay sa iyong doktor para ikonsulta ito, lalo na kung ito po ay nakakaabala na sa araw-araw mong gawain.

  2. Hi gusto ko po mag tanong kung normal ba na sumakit at mabaho ang ari pag katapos ng first sex? Kasi after mawala ng virginity ko parang nay sugat at may amoy angvari ko may onting nana din po

    1. Hi Alyssa! Maraming posibleng sanhi ng pananakit ng ari sa pagtatalik. Pwedeng kondisyon, impeksyon, o kaya priksyon at kiskisan. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pananakit. Karaniwang sanhi po ng pamamaho ng ari ay ang kakulangan sa kalinisan sa sarili. Araw-araw siguraduhin na malinis ang ari. Hugasan ito gamit ang malinis at maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan rin ang madalas at matagal na pagsuot ng masisikip na damit.

  3. Hello po, nakakaramdam po ako na kapag po na ihi ako eh medjo mahapdi, di ko po alam kung ano po ito. Pero nung unang araw po sobrang sakit po pag naihi ako, Tapos po medjo makati, hanggang lumipas ang dalawang araw nawala po ung sakit pag na ihi tapos ung kati kati naman po nawala dahil gumamit po ako ng betadine na feminin wash, ang pinag tataka ko lang po bakit parang sensitive ung clitoris ko, lagi po ako naiihi. Ano po ba ito.

    1. Hi Nhadz! Napakasensitibo po talaga kasi ng balat sa ari, at baka po hindi ito hiyang sa iyong feminine wash. Kinakamot niyo rin po ba ang inyong ari at clitoris nung ito’y nangangati?

  4. Hi po Ako po ay nangangati Ang pwerta at may nalabas na puti mahapdi po pero di po mabaho ngayon po nilalagyan ko po sya Ng virgin coconut oil sa gilid Ng Ari ko nabawasan po Ang pangangati di po tulad Ng dati tapos nilalabasan po ako Ng madaming kesong puti sa pwerta ano po ba senyales po nito sakin masama po ba o makakabuti dahil nailalabas ko po ..

    1. Hi Jovie! Baka po sanhi ito ng isang impeksyon ng kailangan ng agarang paggamot. Mabuting magpasuri sa doktor para masuri at mapayuhan sa angkop na gamot para sa iyong sitwasyon.

  5. Hello Po…Makati Po KC ung Ari q s loob..kpag ummiihi Po aq makirot..nag umpisa Po ito nung naglaba aq nagbanlaw at nbasa Ang short q hnd Po agd aq nkpg palit dahil nktulog Po aq s pagod natuyo Po ung short q at panty..pag gcing lng Po aq nkaligo at nkpg palit minsan n rn po aqng gmmt Ng bareta png kuskos s ktwan q..nkkairita Po tlga Ang pngangati hnd qpo can mtiis Kya Ang gngwa qpo umiinom po aq Ng mefenami pra mwla Po ung pngangati..nwwla nmm Po xa s mefenamic..ngaun pkrmdam q mhapdi n cya..ano Po bng remedy dto sna Po mtulungan nio Po ako..slamat

    1. Hi Chyiee! Marami pong posibleng sanhi ng iyong nararanansan, kasama na ang impeksyon. Baka rin po naiirita ang iyong ari sa bareta na iyong ginagamit sa katawan tuwing naliligo. Iwasan na pong gamitin ang bareta para sa katawan. Ang angkop na remedy po dito ay depende sa sanhi, kaya mabuting makipag-ugnay sa obgyn o kaya magpunta sa malapit na health center para magpasuri.

    1. Hi Destiny Elgie Dy! Ang karaniwang sanhi ng pangangati ng ari ay ang kakulangan sa kalinisan sa sarili. Araw-araw siguraduhin na malinis ang ari. Hugasan ito gamit ang malinis at maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan rin ang madalas at matagal na pagsuot ng masisikip na damit. Baka makatulong rin po ito sa inyo: https://doitright.ph/tl/pagpapanatiling-malinis-ang-ari-ng-babae/

  6. Hi po,yong pepe ko po ay makati at my yeast infection ako.nagpa tingin ako sa doctor noong 2019 pa kaso hindi ko nbili ung recta nwala kasi ung resita sa bag ko.fungal infexin ung resulta,nawala ang sintomas at nxt month bumabalik.at ngayon kumakati yong gilid ng singit ng pepe ko at nangingitim talaga,pinapahiran ko ng alcohol at medyo hindi na kumakati..delikado po ba ito?lockdown po kasi hindi ako makabili ng gamot at makapa check up bawal kami palalabasin sa hotel mawawalan ako ng work

    1. Hi Haylie! Hindi naman po makakadulot ng malubhang komplikasyon ang yeast infection kapag napatagal ang paggamot. Ngunit, hindi nga lang ito komportable. Iwasan po ang paggamit ng alcohol dito dahil posibleng magsanhi ito sa iritasyon sa balat. Araw-araw maghugas ng ari gamit ang maligamgam at malinis na tubig, at dahan-dahan ito dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan rin ang matagal at madalas na pagsuot ng masisikip na damit. Uminom ng maraming tubig, pati na rin ng mga probiotic drinks o kaya yogurt. Kung may paraan, mabuting makipag-ugnay sa iyong doktor o sa isang baranggay health worker para makakuha ng reseta o ng gamot.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon