fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Kailangan Ba Talaga Ang Pagpapalaki Ng Ari?

penis enlargement, men

Malaki ang pagpapahalaga ng kalalakihan sa laki ng kanilang ari.

Maraming kultura ang nag-uugnay sa laki ng ari sa pagkalalaki. Sa iba’t ibat panahon sa kasaysayan, naging simbolo ito ng mga katangian tulad ng kabanalan, pagkamayabong, lakas, kakayahan, kakayahan sa pagtatalik, at katapangan. Maraming lalaki ang nababahala na ang kanilang ari ay napakaliit, ngunit ang karamihan sa lalaki ay normal ang sukat ng ari. Mahalagang tandaan na ang laki ng ari ay hindi nakakaapekto sa kakayahan sa pagtatalik, at kahit pa iniisip mo na ang iyong ari ay masyadong maliit, malamang ay normal ang laki nito.

Ano ba ang normal na sukat?

Walang normal na haba para sa mga tinedyer o batang lalaki dahil sila ay may kanya-kanyang antas ng paglaki. Ayon sa isang pag-aaral ng higit sa 15,000 na kalalakihan, ang average na sukat ng ari para sa isang may sapat na gulang ay:

haba: 13.12cm (5.16 pulgada) kapag nakatayo

sirkumperensiya: 11.66cm (4.59 pulgada) kapag nakatayo

Mayroong malaking pagkakaiba-iba sa anggulo ng isang nakatayong ari. May ilang mga nakatayong ari na nakaturo paitaas, ang iba ay paibaba. Ang ilan ay bahagyang nakaliko sa kaliwa o kanan. Walang tamang hugis. Kung ang iyong ari ay nakaliko at nagdudulot ng sakit o hirap sa pagtatalik, kumunsulta sa iyong doktor.

Paggamot

Maraming pamamaraan sa pagpapalaki ng ari. Halos wala sa mga ito ang gumagana. Ang ilang mga pamamaraan na maaaring gumana ay madalas na may katamtamang benepisyo at malubhang epekto.

Mga tabletas at losyon

Ang mga produktong ito ay karaniwang naglalaman ng mga bitamina, mineral, o hormon na sinasabing nakapagpapalaki ng ari. Sa kabila ng kanilang mga kahanga-hangang pangako, wala talagang klinikal na katibayan na gumagana ang mga produktong ito at ang ilan ay maaaring makasama.

Mga aparatong gumagamit ng vacuum

Ang paggamit ng bomba (pump) para sa ari ay isang paraan kung saan inilalagay ang isang tubo sa ibabaw ng ari at pagkatapos ay hinihigop ang hangin upang lumikha ng isang vacuum. Dahil sa vacuum naiipon ang dugo sa ari at lumalaki ito. Minsan, ginagamit ang mga aparatong ito sa panandaliang paggamot ng kawalan ng kakayahang patayuin ang ari (erectile dysfunction). Ngunit ang labis na paggamit ng mga aparatong ito ay maaaring makapinsala sa tisyu ng ari, na humantong sa mas mahinang pagtayo at pagtigas ng ari.

Surgery o pagpapa-opera

Ang ilang mga operasyon upang madagdagan ang laki o sirkumperensya ng ari ay nagsasangkot ng pag-ineksyon ng taba na kinuha mula sa ibang bahagi ng katawan sa ari ng lalaki. Naiulat sa ilang mga pag-aaral ang dagdag na 1.4-4cm sa laki ng ari gamit ang pamamaraang ito. Gayunpaman, ayon sa mga mas mahabang pag-aaral na isinagawa sa mga lalaki, ang mga resulta ay nakababahala, tulad ng komplikasyon kabilang ang pagpangit ng anyo, pagkakapilat, pagkakaroon ng bukol, at impeksyon.

“Ang laki ay hindi kasing halaga ng pagiging isang mabuti at malikhaing kasintahan.”

Bagaman wala kang masyadong magagawa upang ligtas na palakihin ang iyong ari, may magagawa ka upang mas magkaroon ka ng kumpyansa sa iyong katawan.

  • gupitan ang buhok sa maselang bahagi (pubic hair) – ang malaking tumpok ng pubic hair ay maaaring gawing mas maliit ang iyong ari sa paningin
  • magbawas ng timbang – ang bilbil (beer belly) sa itaas ng iyong ari ay maaaring gawing mas maliit ang iyong ari sa paningin
  • maging malusog – ang pagkakaroon ng kaaya-ayang hugis ay hindi ka lamang gagawing mas kaakit-akit, mapapabuti nito ang iyong pakikipagtalik

Kung nag-aalala ka pa – ang pagpapayo ay napatunayan na kapaki-pakinabang para sa mga kalalakihan na nababahala tungkol sa kanilang ari. Ang terapiya ay nakakatulong sa mga pasyente na kilalanin at iwasto ang anumang mga maling pananaw tungkol sa kanilang ari, magkaroon ng tiwala sa sarili at pagtagumpayan ang mga takot tungkol sa seksuwal na relasyon.

Pinagmulan: http://www.nhs.uk/Livewell/penis-health/Pages/penis-enlargement.aspx

http://www.webmd.com/men/guide/penis-enlargement-does-it-work#2

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon