fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Kailangan mo ba ng mga panty liners araw-araw?

Ang mga panty liners ay mga maninipis na absorbent pads na sinusuot sa loob ng panty, gaya lang ng mga sanitary napkins. May mga babae na mas gustong magsuot ng panty liners dahil mas fresh at komportable daw ang kanilang pakiramdam. Pero, kailangan mo ba talaga ito araw-araw? Alamin sa ibaba.

Para saan ang mga panty liners?

Ang mga panty liners ay pang-absorb sa:

  • Pawis at vaginal discharge
  • Premenstrual at postmenstrual spotting
  • Vaginal discharge o spotting pagkatapos makipagtalik
  • Postpartum bleeding
  • Patak patak ng ihi

Kaya, ang mga panty liners ay pinoprotektahan rin ang iyong mga panty para hindi ito mamantsahan o maiba ang kulay.

May ilang mga babae rin na gumamit ng mga panty liners para maiwasan ang paglitaw ng camel toe, o ang pagbakat ng ari kapag nagsusuot ng mga masisikip na damit tulad ng leggings.

Masama bang gumamit ng panty liner araw-araw?

May silbi at benepisyo naman talaga ang mga pantyliners, pero may ilang mga bagay na dapat mong malaman:

  • Pwede itong magsanhi ng pamumula, iritasyon, at pangangati dahil sa pagkiskis sa ari.
  • Maaaring mairita ang mga sensitibong tisyu sa paligid ng pwerta dahil sa mga pabango at kemikal sa panty liner.

Sa ilang mga kaso, pwede rin itong magdulot ng mga bacterial infections. Kapag napatagal ang paggamit ng panty liner, nagiging mamasa-masa at mahalumigmig ang ari, na siyang perpektong kapaligiran para sa labis na paglago ng bakterya.

Dapat ba silang gamitin araw-araw?

Oo, walang problema sa paggamit ng mga panty liners kung kailangan mo ito. Pero bago bumili ng pakete, siguraduhin na ang materyales nito ay breathable at walang pampabango.

Iminumungkahi rin na palitan ang panty liner dalawang beses sa isang araw sanam, o kapag mamasa-masa na ang iyong pakiramdam.

Mga pinagmulan:

https://flo.health/menstrual-cycle/lifestyle/hygiene-and-beauty/panty-liners

https://www.healthshots.com/intimate-health/menstruation/to-wear-or-not-to-wear-panty-liners-a-gynaecologist-answers-this-pertinent-question/

https://imbuenatural.com/blogs/blog/panty-liners-is-it-ok-to-wear-them-regularly

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon