fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ang mga Dapat Malaman ng mga Lalaki Tungkol sa Kalusugan ng Kanilang Ari

penile health, family planning, reproductive health

Bilang lalaki, napakalaki ng halaga ng pag-aalaga sa iyong ari. Hindi lamang ‘yun maganda para sa performance mo sa kama, kundi pati na rin para sa iyong kalusugan.

Maraming nahihiyang magtanong o makipag-usap tungkol sa topic na ito. Pero nandito kami para sa inyo!

Intindihin natin ang mga dapat malaman ng mga lalaki tungkol sa kalusugan ng ari! Dahil pagdating kay Junjun, knowledge is more than just power. Pwede na rin itong maging sikreto sa makabuluhang sex life.

Anu-ano ang mga nakakaapekto sa kalusugan ng ari?

Magsimula tayo sa mga bagay na pwedeng magkaroon ng epekto sa kundisyon ni Manoy. Ang iba rito’y mga sitwasyong posibleng maiwasan, pero meron ding mga bagay na hindi natin mako-kontrol.

Pakikipagtalik nang hindi ligtas

Nanghihikayat kami na mag-explore kayo’t magpakasaya, pero importanteng isaulo na ang unprotected sex ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng sexually-transmitted infections o STIs. Kaya mabuting maging protektado, mga kaibigan!

Sakit sa puso at diabetes

Oo. May epekto ang mga sakit sa puso at diabetes sa kalusugan ni Junjun. Kapag tumigas ang iyong mga artery, makakasama ito sa iyong ari. Pwede itong humantong sa erectile dysfuction o ED.

Mga gamot

May mga gamot at treatment na pwedeng makapagpahina ng iyong libido at ng lakas ni Junjun, gaya ng radical prostatectomy, isang treatment laban sa prostate cancer.

Paninigarilyo

Maaaring inaakala mong pogi at astigin ka habang nagyoyosi, pero posibleng pagmulan ng ED ang gawaing ito. Kung nais mong magamit si Manoy nang matagal, itigil mo na ang pagyoyosi!

Hormones

Oo, may kinalaman din ang hormones. Parehong masama ang pagkakaroon ng labis-labis na testosterone at ang kakulangan nito. Pero bukod pa riyan, importante rin ang iyong mental health!

Mga problemang sikolohikal

Ang depression ay maaaring magdulot ng performance anxiety at iba pang mga problemang makakababa sa iyong libido. Kapag hindi naagapan, pwedeng-pwede itong mauwi sa ED.

Mga kundisyong neurolohikal

Ang stroke, pinsala sa spinal cord at likod, multiple sclerosis, at demensya ay maaaring makaapekto sa paglipat ng mga hudyat ng ugat mula sa utak patungo sa ari, na nagiging sanhi ng erectile dysfunction

Aging

At siyempre, ang paglipas ng oras at natural na pagtanda ng katawan. Habang ika’y tumatanda, mas lalong nahihirapan ang iyong katawan na panatiliin ang natural na testosterone levels nito. Ibig sabihin, baka mas kailanganin ni Junjun ng oras bago sumabak sa rakrakan.

Agresibong pagbabati o sugat mula sa pakikipagtalik

Alam naman naming gusto mong painitin ang mga kaganapan sa sexy time. Pero mainam na maghinay-hinay. Kapag tinamaan si Kumander Manoy, baka ito’y magtamo ng masakit na sugat. Ang biglaan at puwersahang pag-ipit sa ari ay pwedeng mauwi sa penis fracture, na posibleng mag-iwan ng permanenteng pinsala. Kaya mag-ingat palagi!

Mahalagang malaman ang lahat ng mga bagay na makakaapekto sa kalusugan ni Junjun, para maging handa ka sa anumang problema na pwede mong maranasan.

Ano ang mga senyales ng problema sa ari?

Malaki ang maitutulong ng pag-intindi sa mga senyales na may kakaibang nagaganap sa iyong ari. Mainam na kumonsulta sa doktor kapag nakaranas ka ng mga ito.

Malalaking pagbabago sa iyong pagbulalas

Kung bigla ka na lang makakaranas ng kapansin-pansin na pagbabago sa pagbulalas, baka may isyu na kailangan mong ipatingin sa eksperto:

  • Masakit na pagbulalas
  • Paulit-ulit na premature ejaculation (o ang pagbulalas nang sobrang aga)
  • Paulit-ulit na retrograde ejaculation (o ang pagbulalas na walang inilalabas ang ari)

‘Wag mong balewalain ang mga ito. Kapag nakakaranas ka na ng kahit isa sa mga ito, bumisita ka na sa doktor sa lalong madaling panahon.

Pag-ihi na may halong dugo

Basta naman may dugong lumalabas sa katawan mo, may dapat ka nang ikabahala. Pero ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng dugo sa iyong ihi ay may seryosong kundisyon ka na dapat ipatingin sa health expert. Pwede itong mangahulugan na meron kang urinary tract infection o UTI, kidney stones o bato sa bato, o problema sa prostate.

Kulugo, umbok, lesyon, o pagpapantal sa iyong ari

Kapag may napansin kang mga kulugo, o kakaibang umbok, bukol, at pagpapantal sa balat ni Junjun, mainam na ipatingin na ‘yan sa doktor. Maaaring senyales ‘yan na ikaw ay may impeksyon o iba pang condition.

Kakaibang hubog ng ari

Ang maliit lamang na pagkurba ng ari ay normal lamang, pero kung sobra na ang pagkurba ng iyong Manoy, maaari na itong maging sagabal sa sexy time. Posible rin itong mauwi sa Peyronie’s Disease o ang malubhang pagkurba ng ari.

Masakit na pag-ihi

Kung nakakaranas ka ng mahapding sakit habang umiihi ka, baka sanhi ito ng UTI o iba pang impeksyon. Mabuting dumalaw na sa doktor kaagad para makaiwas sa iba pang mga komplikasyon.

Mahapding sakit pagkatapos ng injury

Sakaling magtamo ka ng sugat sa iyong ari, at makaranas ka ng mahapding sakit pagkatapos nito, dapat ay kumonsulta ka na sa isang eksperto.

Tandaan mo na ang kalusugan ng iyong ari ay mahalaga. ‘Wag kang mag-atubiling bumisita sa isang health expert sakaling makaramdam ka ng kahit ano sa mga nabanggit na kundisyon. 

Ano ang pwedeng gawin para panatiliin ang kalusugan ng ari?

May mga hakbang na pwedeng gawin para rito.

Maging responsable sa pakikiapgtalik.

Ugaliin mong gumamit ng condom o makipagtalik lang sa isang partner na tested at walang STI.

Magpabakuna

Kung ikaw ay 26 o mas bata pa, makakatulong ang human papillomavirus o HPV vaccine sa pag-iwas sa genital warts.

Regular na magpa-test

Ang pagpapa-test para sa mga STI ay bagay na dapat nating i-normalize. Hindi ito dapat ikahiya, bagkus dapat pa nga nating puriin ang mga lalaking regular na nagpapa-test dahil silang may ginagawang responsable.

Maging physically active

Malaki ang maiaambag ng regular na ehersisyo sa pag-was sa ED. Bukod pa rito, makakatulong ito sa kalusugan ng iyong katawan.

Magkaroon ng maayos na hygiene

Lagi mong hugasan nang maigi ang iyong ari, lalo na kung hindi ka pa tuli (o hindi nagpatuli). ‘Wag mong kalimutang sabunin si Junjun!

Alamin ang mga epekto ng mga gamot mo

Nabanggit kanina na may mga gamot na pwedeng magkaroon ng negatibong epekto sa iyong ari. Mainam na kausapin mo ang iyong doktor tungkol sa mga side effect ng mga gamot na iniririseta sa’yo.

Bigyang-pansin ang iyong mental health

Humanap ka ng eksperto kung nakakaranas ka ng depresyon o iba pang mental health conditions.

Itigil ang pagyoyosi at maghinay-hinay sa pag-inom

Ang combo ng alak at yosi ay mapanganib sa kalusugan ni Junjun. Kaya naman malaking tulong ang pagtigil sa paninigarilyo at pagdadahan-dahan sa pag-inom.

Gamitin si Manoy nang maayos

Walang masama sa pakikipagtalik o pagsasarili, lalo na kung maayos naman ang paggamit sa iyong ari at hindi labis-labis ang mga sekswal na aktibidad. Makakatulong din ito na labanan ang ED.

Tandaan: may mga kundisyon na hindi natin maiiwasan. Pero sa pagbibigay ng pansin sa kalusugan ng iyong ari, maiintindihan mo kung may dapat ka na bang gawin o ikabahala. Makakatulong din at regular sa check-ups para masigurong maayos ang lagay ni Manoy. Hindi mo dapat ikahiya ang pagkonsulta sa doktor para sa iyong ari.

Ang pag-alam sa kundisyon ng iyong ari ay pwedeng makatulong sa iyo na maging ready sa lahat ng kasiyahang sekswal na nais mong maranasan. Kaya ingatan mo si Junjun!

Mga Pinagmulan

  • Mayo Foundation for Medical Education and Research. (2023, April 26). Penis health: Identify and prevent problems. Mayo Clinic. Kinuha mula sa  https://mayocl.in/3r8DhbF
  • MediLexicon International. (n.d.). Penis health: Conditions, safety, lifestyle, and care. Medical News Today. Kinuha mula sa  https://bit.ly/3PtYNAT

Please follow and like us:

219 thoughts on “Ang mga Dapat Malaman ng mga Lalaki Tungkol sa Kalusugan ng Kanilang Ari

    1. Hi Ben! Sensitibo talaga ang ulo ng ari ng lalaki,kaya normal lang na masakit ito kapag hinawakan. Pero kung may nararamdaman kang iba, ipakunsulta na ito sa iyong doktor.

  1. Hi Doc. Nakipagtalik po ako sa kapwa lalaki. Kingat nya kasi ang ari ko pero hindi nmn ito nasugat sa labas. Nung pinasok ko na sa pwet nya at ako ay nilabasan pero akoy gumamit ng condom sa among pagtatlik. Napansin ko n lang na may dugo na sa aking pag ihi. Ano po kaya ang sanhi nito.

    1. Hi Vince! Ang pagkakaroon ng dugo sa ihi ay sintomas ng iba’t-ibang sakit. Mabuting ikunsulta ito sa iyong doktor upang makasiguro at makakuha ng payo kung paano ito magagamot.

  2. masakit ang bayag ko pero ni anong sintomas wla man akong nararamdaman.. pero sumasakit pag umihi ako pakiramdam ko barado.. pag d ako umiihi d naman sumasakit.. anong sakit kaya ang meron ako…

    1. Hi Joey! May iba’t ibang mga virus na kumakalat gamit ang laway na pwedeng maipasa sa ari papuntang bibig o baliktad nito. Kumunsulta sa iyong doktor at magpa-test upang malaman kung ano ang iyong kalagayan.

  3. Hi po. Ano po itong para mga pimple sa katawan ng ari ko. Nakita ko lang po after i masturbate kasi naramdaman ko nung hinawakam ko

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon