Dumadaan ang iyong katawan sa iba’t ibang pagbabago habang tumatanda, kasama na rin ang iyong ari at pwerta.
Maaaring makapansin at makaranas ng mga pagbabago sa pakiramdam ng iyong pwerta o itsura ng iyong ari. Normal ang mga pagbabago, pero pwede silang makaapekto sa iyong bathroom habits at sex life.
Narito ang mga karaniwang pagbabagong nararanasan ng pwerta sa bawat edad, at kung ano ang pwede mong gawin.
Sa iyong 20s
Ang iyong 20s ay ang pinakamagandang panahon para sa iyong pwerta. Maganda ang antas ng mga estrogen, progesterone, at testosterone (mga sex hormones). Kaya sa ganitong edad, ang pwerta ay well lubricated, highly elastic, at may tamang antas ng acidity.
Para sa karamihan, mataas ang libido at stamina sa iyong 20s. Ngunit, maaaring makaranas ng urinary tract infection (UTI) sa ganitong edad kung ika’y sexually active, lalo na kung madalas makipagtalik. Iminumungkahi na gumamit ng kontrasepsiyon para maprotektahan ka mula sa mga sexually transmitted infections (STIs) at hindi inaasahang pagbubuntis.
Kung hindi pa nanganganak, napakalakas ng pelvic floor sa ganitong edad. Karamihan sa mga babae ay hindi nagkakaproblema sa lakas ng mga pelvic floor muscles. Pero sa ilan, masyado naman mahigpit ang kanilang mga kalamnan. Dahil dito, maaaring makaranas ng pananakit kapag may penetrasyon sa pwerta o mahirapan magpasok ng tampon o menstrual cup.
Sa iyong 30s
Ang vulva ay maaaring umitim dahil sa panganganak o pagbabago ng mga antas ng hormones sa pagtanda. Pero ang skin elasticity ay kadalasan parehas pa rin sa iyong 20s.
Ang mga nabuntis sa edad na ito ay karaniwang mas madalas nakakaranas ng malagatas na vaginal discharge. Maaaring mangamoy ito nang bahagya, pero mainam na kumonsulta na sa doktor kapag nakapansin na kulay berde, dilaw, o masangsang ang amoy.
Isa sa mga karaniwang pagbabago sa edad na ito ay ang paghina ng pelvic floor. Ang mga pelvic floor muscles ay ang sumusuporta sa pantog, matris, at bituka.
Kapag humina ito, maaaring makaranas ng urinary incontinence (lalo na kapag bumahing, umubo, o tumawa), pagbabago sa pagdumi, pakiramdam na parang ang bigat ng pwerta, at pati na rin ang prolapse (kung saan nawawala sa tamang pwesto ang matris, pantog, o bituka). Kapag nanganak nang normal delivery, pwede pang lumala ang mga sintomas na ‘to.
Pagkatapos manganak, maaaring pansamantalang bumaba ang pagkalastiko ng pwerta, pero kusa rin itong babalik sa dati. Makakatulong ang Kegel exercises sa pagbalik ng lakas ng pelvic floor at kalusugan ng pwerta.
Hindi naman masyadong nagkakalayo ang sex drive at stamina sa 20s at 30s. Pero tandaan na may iba pang bagay sa buhay na maaaring makaapekto sa libido. Mga responsibilidad gaya ng stress sa pera, mga anak, at trabaho ay maaaring makaapekto dito.
Ang mga buntis o nagpapasuso ay maaaring pansamantalang makaranas ng panahon na parang menopause. Pwedeng magsanhi ito sa mga pisikal na sintomas gaya ng vaginal dryness. Dahil dito, baka hindi maging komportable ang pakikipagtalik, pero makakatulong ang paggamit ng water-based lubricant tulad ng EZ Lubricating Jelly!
Sa iyong 40s
Maaaring dumaan sa mga malalaking pagbabago ang pwerta pagdating ng 40s. Ito’y dahil sa perimenopause, o ang panahon bago ang mismong menopause.
Ang pubic hair ay ninipis at magsisimulang mamuti, habang numinipis at natutuyo ang mga vaginal walls dahil sa pagbaba ng antas ng estrogen. Ang tawag dito ay vaginal atrophy, at ang mga karaniwang sintomas ay:
- Pamumula ng ari
- Pagkahapdi ng pwerta, lalo na kapag umiihi
- Pananakit tuwing nakikipagtalik
- Pangangati ng ari
Gusto mo bang malaman ang isang payo para hindi makaranas ng vaginal atrophy agad-agad? Dalasan ang pakikipagtalik, mga mars!
Ang pakikipagtalik ay nakakabuti sa daloy ng dugo sa pwerta, na nakakatulong sa pagpapanatili sa pagkalastiko nito. Kung napapansin na parang hindi na kasing komportable gaya ng dati ang pakikipagtalik, malaking tulong dito ang water-based lubricant!
Sa iyong 50s at higit pa
Sa ganitong edad, marahil postmenopausal o nagsisimulang makaranas ng mga pagbabagong sanhi ng menopause.
Karamihan sa mga babae na nasa kanilang 50s ay nagkakaproblema sa vaginal atrophy. Hindi man masaya makaranas ng mga ganitong pagbabago, pero ang susi dito ay ang mga kaalaman tungkol sa pagpapanatiling masulog ang pwerta na natutunan mo sa mga nakaraang dekada. Kasama rito ang pagpraktis ng bukas na komunikasyon at paghanda palagi ng lubricant.
Normal lang na ang bulba, pwerta, at cervix ay lumiit, mamutla, at numipis ang balat dahil sa patuloy na pagbaba ng antas ng estrogen. Dahil sa mababang antas ng estrogen, mababago rin ang acidity ng pwerta, na maaaring makataas sa panganib sa impeksyon.
Karaniwang napakababa na rin ng lubrikasyon ng pwerta sa ganitong edad. Kapag may penetrasyon, pwede itong magsanhi sa pagsugat ng pwerta dahil manipis at maselan na ang balat — at baka masakit at magdugo pa. Kapag gustong makipagtalik, tandaan na dahan-dahanin lang, patagalin ang foreplay, at gumamit ng lubricant.
Mga huling paalala
Habang tumatanda, ang iyong katawan at ari ay tumatanda rin. Hindi naman kailangan maging negatibo o malungkot na karanasan ang mga pagbabagong haharapin.
Habang sumasabay ang karunungan sa pagtanda, mas marami kang kaalaman kung paano alagaan at maging kampante sa sarili.
Hindi maiiwasan ang mga pagbabago, pero pwedeng panatilihing malusog ang pwerta sa pamamagitan ng:
- Pagpraktis ng safe sex
- Pag-Kegel exercises
- Pag-iwas sa mga douche at mga produktong masyadong marami ang pabango
- Pagpapa-check up sa gynecologist
At sa anumang edad, kumonsulta na kaagad sa doktor kapag nakakaranas ng:
- Pananakit o hapdi sa pwerta
- Berde o dilaw na vaginal discharge
- Mabahong vaginal discharge
- Madalas na pangangati ng ari
- Pananakit habang nakikipagtalik
Mga pinagmulan:
https://www.webmd.com/women/ss/slideshow-ways-your-vagina-changes-as-you-age
https://www.abc.net.au/news/health/2016-02-04/what-happens-to-your-vagina-as-you-age/7113200
https://www.healthline.com/health/womens-health/vagina-changes-20s-30s-40s-50s