ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Kanais-nais Na Relasyon

reproductive health, family planning, healthy relationship

Ang isang kanais-nais na relasyon ay nangangahulugan na ikaw at ang iyong kapareha ay masaya, komportable, at ligtas. Hindi ito nangangahulugan na madali ang lahat ng bagay sa lahat ng oras, bagkus kayo ay ligtas sa pisikal at emosyonal na aspeto ng inyong relasyon at mayroon kayong positibong pananaw sa inyong relasyon. Isang mahalagang bagay na madalas makalimutan ng maraming kabataan ang katotohanang walang masama na ipagpatuloy ang inyong mga indibidwal na interes at lumabas kasama ang inyong sariling mga kaibigan, kahit pa kayo ay nasa isang relasyon.

Narito ang ilang mga katangian ng isang kanais-nais na relasyon: 

  • Alam mo na mapagkakatiwalaan mo ang iyong kasintahan
  • Ikaw ay sinusuportahan ng iyong kasintahan
  • Pakiramdam na ikaw ay ligtas kapag kasama ang iyong kasintahan
  • Ang pagkakaroon ng kakayahang maging tapat sa bawat isa
  • Madalas na pagpapahayag ng pagpapahalaga sa isa’t isa

Pinagmulan: http://www.teensource.org/relationships/romance#HealthyRelationships

Please follow and like us:
error

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon